Saturday, October 22, 2005

sembreak na ba talaga?

sembreak ko na officially...

AT LAST...

officially? you may ask... kasi ganito un... last mon pa talaga pa yung start ng sembreak ng ateneo pero... kanina lang ako....
  • di na nagmamadali papuntang school...
  • saka wala na ung feeling ng dread na may nakalimutan akong req't kasi natapos na at last yung last req't namin kagabi... rather... di namin natapos so ipinass na rin namin... consequence? baka may bagsak ako this sem...
pero kahit sembreak na... di pa rin ako makapagcelebrate ng lubusan kasi...
  • una, dahil nga sa pinangangambahan kong bagsak ko...
  • pangalawa, masakit lalamunan ko... yung parang may tonsillitis ako pero hindi naman talaga... yung parang kinamot yung tonsil ko ng tinidor o kaya ng mahahabang kuko... yung tipong maya't maya gusto mong uminom ng mainit na tubig para ma-wash away yung plemang ramdam mong nakakapit dun sa tonsil mo... yung tipong takot kang kumain o uminom ng malamig at/o matamis na pagkain o inumin dahil masakit pagkalulon mo nun... un...
  • pangatlo, may sipon ako... (nauna lang yung sa tonsil ko...) mahapdi na ilong ko sa kakasinga... feeling ko basag basag na yung eardrums ko sa kakasinga... at kaya ako sumisinga ng madalas kasi feeling ko kahit nakasinga na ako ng maigi ay meron pa ring natirang uhog dun sa loob ng ilong ko... basta yung feeling mo lang na meron pa...
  • pang-apat, lalong masakit yung lalamunan ko dahil sa kasama pa nitong ubo... di naman siya ganun kalala.. saka di naman ako madalas umubo pero pag umubo ako yung tipong lalabas na yung baga ko... kaya tuloy.. amoy plema ang hininga ko... yuuuuuuuccccccccckkkkkkk grossssssss
  • last but not the least, dahil sa mga sakit ko na to di ako makaalis ng bahay para makasauli ng vcds na rinent ko o kaya makarent ulit ng bago o kaya naman ay makapaglaro ng... hehehehe... tantra... (lunes pa naman training sana magaling na ako by then kaya di ko muna irenireklamo un...)... ayoko naman kasi isubject ang mga tao around me sa sipon at ubo ko no... ayoko naman mangdamay ng ibang tao sa sakit ko... saka sobrang nanghihina yung mga kalamnan ko... feeling ko konting tulak lang sa akin matutumba na ako... nanghihina yung joints ko grabe... ang kaya ko lang gawin ngayon ay ayusin ang hinihigaan ko, magnet, maligo (takte kahit nga maligo nanginginig ako.. hindi dahil sa lamig pero parang ang laki kasi ng kailangan na effort para makapaglinis ako ng katawan ng matino...), saka maginit ng tubig na iinumin ko... haay ayoko na mag-attempt magluto baka kung ano pa mangyari... BUTI na lang me pera pa ako dito... kaya padeliver na lang ako...
sana makasimba ako bukas pero parang malabo... nanghihina talaga ako... ayoko naman pumuntang simbahan at umubo lang ng umubo at suminga ng suminga... makakaistorbo lang ako...

(patalastas lang.. nanonood ako or rather Jack and Bobby yung palabas ngayon dito sa likod ko, Studio 23, hehehe ang gwapo ni Jack.. di ko kilala kung sinong artista yun... basta gwapo.. kaya lang too maputi for my taste... pero gwapo...)

ok kakasinga ko lang at narealize ko paubos na ang tissue ko dito sa bahay... kelangan ko talagang lumabas tom or tubig tubig na lang wehehee...

siya pahinga na muna ulit ako... sana by tom or mon ok na ako para naman maappreciate ko tong sembreak na to kahit di ako makapag out of town or makauwi sa amin...

ayan dumating na rin yung order ko.. kain muna ako...

Thursday, October 20, 2005

sembreak.. but not quite...

gaya nga ng sabi ng kaklase ko... habang yung ibang students nag-bobora na, o kaya naman nasa sarili na nilang mga probinsya o kaya naman ay nagplaplano na mag-out of town... kami naman... andito pa rin sa lab... well sa ngayon ako lang andito sa lab kasama ang ibang 5th yr na di ko kaklase... yung mga kaklase ko kasi umuwi muna at naligo... dun kasi kami sa bahay natulog kagabi at biglaan lang yun so wala silang mga dalang damit papunta sa amin... hehehe ako lang ang fresh na umalis ng bahay...

newei... ayun nanood lang kami ng D'anothers kagabi... para naman makapag-unwind kahit papano... 3 araw na kaming sunod sunod na andito lang sa Faura lab.. well at least di na kami natutulog dito di ba.. pero naku naman.. mga 10AM-12NN ata kami pumapasok dito sa lab tapos aalis kami mga 10Pm na.. kasi pinapalayas na kami ng guard.. wala na kasi yung teacher naming kaklase.. di na kami pde mag-overnight ng basta basta... buti pa sa MO(manila observatory) ok lang kahit wala kaming faculty na kasama... well para naman kasi sa thesis yun... at ito namang ginagawa namin ngayon ay final project lang sa verilog... ang subject kung san ako IN GRAVE DANGER... buti nga magagaling kagrupo ko.. langya wala akong alam sa project namin... ok meron pero sobrang insignificant... general description lang ang alam ko...

buti na lang mababait tong mga kagrupo ko... langya actually kahit bagsak yung grade nila sa final project B or B+ pa ata grade nila... 2 na lang kami ng isa ko pang kaklase ang nangangailangan ata ng at least 60 sa final project para pumasa sa buong subject...

since nagkatopak topak yung hardware na ginagamit namin para maiplement yung project ayun at natigil kami sa paggawa kahapon... pero ganun pa man gabi pa rin kami nakauwi kasi sinubukan KUNO namin ayusin yung FPGA... takte 100,000 pesoses pala ang halaga ng bawat isa nun tapos nasisiraa lang namin.. syets... pero hindi naman namin sinasadya at hindi naman dahil sa katangahan... ang naiisip lang namin na dahilan kung bakit biglang umiinit na lang yung mga yun ay ayaw na rin nila na magprogram kami... or rather si pancho... wehehe... siya lang naman actually yung gumagawa ng entire program... konting tulong sa pin assignments saka sa wiring lang ang naitulong ko talaga dun... when I say konti... I mean KONTI...

ayun nagpadala kami ng working code kagabi kay sir... kaya lang kelangan niya pa i-rate yun... kung pasado na kami sa grade na ibibigay niya.. tapos na kalbaryo namin.. kung hindi pa rin.... ayoko nang isipin... sana naman pumasa ako....

kaya eto ako ngayon nagaantay ng email ni sir... habang yung iba naglalaro na... (gusto ko na rin magtrain!!!!!! pero takte.. hangga't hindi to naaayos feeling ko wla akong karapatang magpakasaya)....

SANA pumasa ako...

kaliwang pinky ko? nabebend na siya pero hindi pa rin siya as sexy ng kanang pinky ko... tabatchoy pa rin pero di na kasing lala ng dati.... sana MAKAPAGSEMBREAK NA AKO!!!!


Thursday, October 13, 2005

SEM BREAK HERE I COME!!!!

hehehe... sarap sabihin ng phrase na yan... kaya lang before that... sangkatutak pa ang kailangan kong gawin....

  • una... defense namin sa ce180 bukas... yung pinagdedelikaduhan ko na subject... sana makasagot ako ng matino...
  • pangalawa... another defense... bukas rin... ce160 naman... sana OK bukas... hehehehe ibinubugaw na nga namin si Jeleen sa teacher namin.. wehehehhe may pagka-ano kasi yun...you knowwwwww.... hehe sabi nga namin magsuot siya ng tube saka miniskirt para di kami maxadong karnehen sa defense... hehehe syet hindi pa gaanong modular ang aming project kasi pare-pareho kaming di marunong gumawa ng header files... saka yung html files namin meron mga capital letters yung ibang files... eh maarte pa naman yung dakilang tchr na yun at ayaw pala ng may capital letters yung filename gusto small lahat... kaba kaba kaba kaba!!!!
  • pangatlo... proposal defense namin sa lunes.... di ko pa rin gets gaano yung thesis namin!!!! sobrang big picture lang ang medyo gets ko... yung details... AKO AY LOST...
  • last but not the least... sa wednesday due yung final project namin sa verilog.... kung saan nakasalalay ang aking final grade sa subject na yun!!!! kelangan ko kahit 64 dun para maka-D sa subject!!! sana sana sana!!!!! kahit D OK LANG!!! wag lang talaga F...
sembreak!!! bilisan mo na!!! ay.. wag pala... slowly lang para matapos namin ng matino yung projects at defense namin.. wehehe.....

naku sana this sem ends right... in fairnessssss nakakapagblog na naman ako...

Tuesday, October 11, 2005

pinky update pa pala ulit...

di ko lam bakit.. pero hanggang ngayon... MATABA pa rin yung kaliwang pinky ko... matagal na ako na-injure.. sobrang isang week na pero di pa rin siya bumabalik sa dati... pag ikinukumpara ko yung kanan kong pinky dito sa kaliwa parang ang seksi seksi ng kanan... hehe yung kaliwa naman ang tabatchoy... parang namamaga pa rin siya.. pero naigagalaw ko na naman siya kahit papano... naibebend ko na siya pero hindi pa fully.. takte.. nanginginig pa rin siya kapag ina-attempt ko na ibend siya na nakatouch na sa palm ko... haay ang hirap tuloy magshampoo...

grabe kahit pinky lang ang injured sa akin medyo apektado pa rin ako kahit papano... isipin niyo na lang yung walang kamay di ba? haay count your blessings talaga.... at least kahit hirap ako magshampoo... nakakapagshampoo pa rin ako di ba? at may shinashampoo pa ako... at may pambili pa ako ng shampoo! ayan napadrama pa tuloy ako.. siya! mag-aaral na talaga ako.. totoo na to.. di na ako magnenet sa bahay... temptation lang kasi ng internet para hindi mag-aral eh... ehhehe... para sa mga tulad kong madaling matempt.... wehehe... ^_____^

ang gulo...

... ng utak ko... ng buhay ko...

grabe ngayon lang ulit ako naka-update... kahit gusto ko magblog for procrastination purposes talagang di pde... kung nakaharap man ako sa PC na may net.. sobrang search for sources lang ang nagagawa ko, upload ng files to be submitted sa mga adik na tchrs at magcheck ng mail for updates of grade and other assignments from the said tchrs... syete... hehehe ay nakakapagcheck pala ako ng friendster kahit papano at nakakareply rin naman ako sa mga emails... pero hanggang dun lang yung extent ng procrastination ko ngayon... grabe!!!!

pero nakastart lang ata ako magreply sa mails kahapon o kahapon ng hapon, prior to that sobrang pag nagchecheck ako ng mail ko... okay... scan for mails from blockmates and teachers... open the mails then scan yung mails nila kung me mahalagang announcement.. minsan nga di ko na binabasa kasi sinasabi rin naman ng mga kaklaseng kasama ko pag may bagong announcement...

... kahapon ng mga 12 hanggang kaninang mga alas dos rin ng hapon... sobrang di ako mapakali sa sobrang kaba... syete delikado kasi ako sa isang subject... as in delikado! masaya na ako pag naka-D ako sa subject na yun... bakit kasi ang bano ko sa programming... takte... dapat kasi kakausapin ko yung tchr ko kahapon para tingnan kung kelangan ko pa i-coerce yung mga kaklase ko na mag3rd long test kami this friday or thursday o kung papayag siya na ako na lang maglongtest... nakausap ko siya sa phone kaya lang policy raw niya kasi.. optional yung last long test pero the catch is... everyone will take the test or walang kukuha ng test... eh dahil nga sa nakakapanggilalas (hehehe wala lang trip ko lang gamitin yung word) kong standing... kelangan kong magtake ng long test.. yung mga kaklase ko.. ok naman sa kanila na magtake pa ng long test kahit ok na standing nila at may risk sa kanila (bait nila no?) kaya lang yun nga nahihiya naman ako na pilitin sila magtest kasi nga ang dami dami naming gagawin this week... sobrang wala na talagang time para mag-aral for another test.... so sabi ko sa teacher namin kung wala na ba talagang ibang paraan na di na madadamay yung iba kong kaklase... sabi niya kausapin raw niya ako at pupunta siya ng school at 6PM... kaya ako naman sobrang kaba na sa confrontation kasi di ko alam kung ano pa masasabi ko sa kanya kasi feeling ko nasabi ko na ata lahat ng kelangan ko sabihin sa kanya dun sa phone conversation namin... pero kelangan ko pa rin siya iconvince na kelangan ko maglong test na hindi na damay mga kaklase ko... kaya lang ng mga 6 na... ayun nag-aabang na ako sa labas ng office niya para naman pag dumating siya nakikita niyang inantay ko talaga siya at may paki-alam ako sa grade ko kahit papano... kaya lang... langya 630 na wala pa rin siya.. sobrang yung puso ko tatalon na mula sa dibdib ko sa sobrang kaba... tapos wala pa rin siya... so tumawag ako sa office nila... biglang sabi... sorry daw kasi may di siya natapos na gagawin so sabi niya bukas na lang raw after lunch... (meaning kanina after lunch..).. so ako.. ok lang at least napostpone muna yung kaba ko kahapon para sa ngayong araw na to...

so yung araw ko kahapon after nun medyo ok lang wala naman masyadong happening besides sa napagsarhan kami ng guard ng mga 10pm dun sa ctc at di kami nakapagsynthesize ng project namin... kaasar nga eh.. pero ok lang at least ginagawa nung guard yung trabaho niya di ba?

so pag-uwi namin sa bahay.... kasama ko si Jeleen, kaklase ko, sa bahay kasi dapat gagawa kami ng documentation ng isang project namin... kaya lang sa sobrang pagod dahil sa panic at stress kahapon... natulog na lang kaming dalawa... (nung Saturday hanggang Monday ng umaga pala nasa condo unit kami ng mga kaklase namin kasi gumagawa rin kami ng documentation ng isa pa naming project para sa isa pang subject... umuwi lang ako ng Sunday para kumuha ng damit para sa MOnday... na kahapon pala... hanggang ngayon nalilito pa ri ako sa mga araw... akala ko wednesday na ngayon.. tuesday pa lang pala....)

anyway... ayun kaninang mga noon naman inaabangan ko ulit yung tchr ko sa labas ng office niya dito sa faura.. mula 1230 hanggang 130 ng hapon palabas labas ako dito sa lab para icheck kung dumating na siya.. langya 130 wala pa rin siya so tinawagan ko siya ulit... ayun may ginagawa pala siya so pinapunta na lang ako sa XanLand (hehehe kanina ko lang nalaman na ganun pala spelling niya... kala ko SUNLAN hehehe di ko kasi binabasa yung label ng lugar...kahit na araw araw ko siyang dinadaanan since nasa harap lang naman siya ng ateneo.. hehe ang abnuy ko talaga minsan...)... hehehe sinamahan ako ni Jeleen, siya kasi yung beadle namin sa class na yun... para makausap niya na rin si Sir kung me exam ba talaga kami O wala... ayun nakausap ko naman siya ng matino... naku buti na lang mabait yun kahit papano... basta sabi ni sir tiningnan naman daw niya yung standing ko... di ko naman raw kelangan magtake ng 3rd long test(at ng mga kaklase ko na willing magtake ng long test, kahit ayaw na nila, para lang matulungan ako...) as long as Ok yung project namin... grabe... nawala rin kaba ko kahit papano.. so yun.... ayusin na lang namin project namin.. kahit ma-D pa ako sa final standing OK LANG! di na ako takot sa D noh! na-immune na ako dun... basta wag lang F sayang sa pera... ayoko na kumuha pa ulit ng elective next sem... gastos lang sa pera at panahon...

ngayon.. dapat nag-aaral na ako para sa final exam ko bukas sa Communication Systems ko na subject pero hehehe nagpost muna ako ng blog ... newei... grabe kung kelan may final exams kami.. saka naman kami naglaro ng baraha... ayun at least nakapag-unwind naman kami ng konti kahit papano.. at least mamayang gabi pag umuwi ulit kami ni Jel sa bahay mag-aaral na lang kami.. tapos na kami mag-unwind... weheheh... siya siya... aral na ako... nakakatamad na magkwento... wala na akong maikwento... hehehe... actually marami pa akong ikwekwento kaya lang ang dami daming nangyari at alam kong marami pang magyayari... di ko lam kung ano ang uunahin kong ikwento... wehehe... siya aral na ulit ako...KUNO.... ^____^

Sunday, October 02, 2005

pinky update...

yey! nabebend ko na yung kaliwang pinky ko!

problem is... di ko naman siya ma-straighten.... hehehe

kahapon mukha talagang sausage yung pinky ko... para siyang isang longganisa na tumubo sa kaliwang kamay ko... kakaasar... masakit na nga di ko pa maigalaw... kung ngayon naibebend ko na at di ma-straighten, kahapon naman straight lang siya at di ko mabend.. ganun kalaki yung swelling... at least ngayon medyo lumiit na siya konti... saka slight discoloration...

sobrang kakaiba talaga siya... pero at least medyo mas nagmukhang daliri na siya ngayon kesa kahapon... kahapon talaga, my pinky was sticking out like a sore "PINKY" wehehe (naks, i was trying to play with words lang naman)...

hehehe... saka at least ngayon di na siya nakaangat forever... kalebel na niya yung iba ko pang daliri...

haay buhay... sana bukas OK na siya ng tuluyan... lunes na kasi at may training.. mahirap naman magtrain na namamaga yung daliri mo di ba? at kaliwang kamay pa yung ipapasok sa mitt.. syet naiimajin ko lang ang sakit, nakakawee wee na...

siya wee wee muna ako...

Saturday, October 01, 2005

mali!

scratch what I said last post... I am having fun... hindi nga lang all the time...

pero im having fun most of the time... hehehe except yung times na minumura ko yung mga hinayupak kong tchrs...

newei.. hehe nakipaglaro kami kanina with PUP... hehe talo kami pero ok lang masaya...

newei ulit... ang hindi masaya... nasapul yung kaliwang pinky ko! syete... ang SAKIT!!!!! with capital SAKIT! nung tinamaan siya hindi gaanong masakit... naramdaman ko lang kung gaano ksakit nung sinusubok ko isara yung glove ko... takte nawalan ako ng grip!!!! as in! sinubukan ko isara yung kaliwang kamao ko pero nanginginig siya na parang ewan! ito pa... tinamaan siya nung unang inning... ng unang bola na dumiretso sa akin... langya namali yung pagkuha ko ng bola... at ito pa ang masakit di ko pa nakuha yung bola! gahreat di ba?! at ito pa ang mas masakit... di ako nakapagpasub kasi wala kaming extra players.. saktong siyam lang kami nung start...

kaya andun ako sa field... nanginginig ang kaliwang kamay (na may hawak ng glove!)... buti nga nakapalo pa ako eh... syete talaga... wala akong grip.. di ko lam pano ako nakapalo... hehehe mind over matter na lang siguro yun...

kaya ito... hirap ako sa pagtype... yun index finger lang (sa kaliwang kamay ko) nakakapindot ng keys dito sa laptop.. kasi kapag nagagalaw yung ibang finger... nahihila at/o nagagalaw rin yung pinky ko... at... MASAKIT SIYA!!! kaya ambagal ko medyo...

newei.. OK LANG.. MASAYA PA RIn...

another extra news... hehehe naka-2nd job na yung main char ko sa tantra! yehey!!! SATYA ako.. defensive na pdeng kalahating pang-OFFENSE... hehehhe astig!!! yun lang... saka

MASAKIT DALIRI KO!!! takte... sabi ko nga... para akong sosyalerang ewan na nakaangat parati ang pinky.. putris...