skip to main |
skip to sidebar
besides sa paglamon... swimming ang isa pang activity na di mawawala sa isang pamilyang Pilipino.... HELLO! sa dinami dami ba naman ng isla ng Pilipinas, ewan ko na lang kung ni isa sa atin di pa naka-apak ng beach... OO kahit apak na lang at hindi na langoy...
napagalaman ko kasi (dito sa Ateneo ha?) na meron mga Pilipino na di marunong lumangoy... rason kung bakit? (sarili kong pagmumunimuni to...)
- una, baka di mahilig maglakwatsa kung saan saan (i.e. kutong bahay) o kaya walang masabayan sa pagkakalat dito sa Pilipinas, o kaya walang pera panglakwatsa, o kaya sa sobrang bihira niya magpunta sa isang matubig na lugar, di siya nakakapagpraktis!
- pangalawa, siguro hydrophobic... (kagaya ng kaklase ko na di naliligo... hindi to exaggeration... fine.. hindi siya hydrophobic, pero talagang hindi siya naliligo... bakit? kasi nahihiya siya sa mga kasambahay niya sa kuryenteng gagamitin niya sa pagiinit ng tubig.... HINDI SIYA NAHIHIYA SA AMOY NIYA... ikinakahiya kong may Pilipinong ganyan mag-isip... SOBRANG LABO! MAS MALABNAW PA KESA PUTIK ANG UTAK!)
- pangatlo, siguro bulag... (di ko sinasabi na ang bulag di pdeng matutong lumangoy) no need to explain... unless malabo kang tao...
- pang-apat, sobrang bigat di na niya kelangan matutong lumangoy... either, kahit anong gawin niya lumulubog siya o kaya lumulutang talaga siya...
anywayyy, ang saya saya ng swimming!.. siyempre... NAGSWIM KAMI! (duh!) then nag-canoe (di ako sure kung yun ang tawag dun basta yung plastic na bangka na magsasagwan ka!... hehe para sosi kunyari pakinggan.)... then nag-jet-ski kami! nyahahaha!!! ang sarap!!!! ang ganda ng view! para kang lumilipad over the water.. feeling ko ako si harry potter na nakasakay sa likod ng half-kabayo, half-ibon tapos skinikim namin yung water... hehe sarap talaga ng tubig! syet!
siyempre di rin naman nawala sa pagswiswimming ang pag-aalaga sa mga bata naming pinsan (yep pinsan... yung mga pamangkin ko {thru a cousin ha? la pa akong pamangkin sa kapatid ko... hehe baka sapakin siya ni papa pag nagkaganun... ok di naman siguro sapak... sampal siguro} di na kelangan alagaan.... kung malunod sila kasalanan na nila yun.. hehehe.. malalaki na sila... siyempre di na nila kasalanan kung talagang linunod sila... newei, I digress...)
nakakapagod mag-alaga ng bata!!!! kelangan mo habul-habulin kung san nila trip tumakbo... you have to wait on them hand-and-FEET! kung ayaw mong masisi ka ng matatanda (i.e. mga tito at tita at siyempre ng sariling parents ko na rin) kung may mangyari sa kanila... I bet yung mga yaya ang lalaki ng biceps kakakarga sa mga bata.. grabe.. nakakangalay!!!! ok lang kung nasa tubig kayo kasi di sila gaano kabigat pero pag wala na kayo sa tubig naku! mas matindi pa sa weight lifting ang ginagawa mo! lalu na kung may kalusugan ang iyong inaalagaan... hahaY! at least ok na yung malusog kesa sakitin...
pero besides dun... bago kami umalis ng beach... siyempre kelangan may memorable na mangyayari... saka ako natusok ng sea urchin (lulusong na ako para makapagbanlaw nun!) kung kaya't... yep guys... kelangan buhusan ng ihi ang aking delicate foot...
for the record... i only went to that beach twice... i was also pricked by an urchin in that same beach... TWICE... so far 100% walang mintis ang mga lecheng sea urchin na yan sa pagtusok sa paa ko... siguro naman if I went there more often the statistic would go down naman no?... I sure hope so... mga lecheng sea urchins!
happy holidays everyone...
ok here's what happened to me during the break...
1) went to subic and spent christmas and new year (not chinese) with my family and other relatives...
2) shooting with cousins... mali! pamangkin pala! hehehehe had fun shooting, especially when I'm hitting something.. nyahaha.. i wonder how it would feel if i was shooting someone i thoroughly dislike.... *sigh* kahit siguro di ko tamaan pure ecstasy pa rin! heaven on earth kumbaga! hehehe as long as I know na namamatay yung tao sa kaba at nerbiyos.. that'd be enough for me... well... siyempre mas masaya pa rin ako if im going to brutally hurt him/her with my barehands and my booted feet... siyempre thoroughly disliked ko yung tao tapos tatakutin ko lang?! ano kaya yun... hehehhehe ... o well... tama na ang pagpapantasya...
note: lakas pala recoil ng 45... mas gusto ko yung 22mm.... kayang kaya ko pero makakapatay pa rin ako... pero siyempre mas astig pa rin 45... lalo na pag gamit mo yung bala na may korteng petal ung dulo... hehehe pag tumama sa mukha... wala na siyang mukha :D hehehe
3) siyempre pc games with my pamangkins AND pinsans... sarap makipagagawan sa mga KAEDAD ko... hehhehe (13yrs old and below!)
4)LUMAMON... op cors... lahat ng pinoy lumalamon pag christmas break
5) nanood ng fireworks... hehehe ang saya... yung pinsan ko (totoong pinsan), si Andrei (2 yrs old) takot sa fireworks kasi daw "falling!" (with matching takip ng mga mata at tago sa neck ng daddy niya).... grabe, sa tagal ng fireworks dapat nagdala kami ng folding bed saka nahiga at nanood... pagkatapos ng fireworks display... ANG SAKIT SA LEEg!!!!!
6) and op cors... ang walang kupas na... MAGIC SING! hahahaaha!!! at first I was afraid! I was petrified... hahaha pero siyempre humataw din sa dulo!
hay saya ng break.... sana parating ganun... sana totoo ang genie para pde ako magwish ng ganun... kasama ang wish na di kami maghihirap kahit parati kami nagpiyepiyesta sa bahay at ang wish na di kami tataba kahit parating nagpipiyesta sa bahay at ang wish na dagdagan pa niya ang wishes ko.... hehehhe