Sunday, January 14, 2007

Hello! HEllo!

Happy NEw YEar everyone!!!

Anyway, ang dami ko gustong isulat kaya lang ang gulo ng mga iniisip ko! gusto ko sana i-organize muna yung thoughts ko kaya lang habang sinusubukan ko sila ayusin sa utak ko.. tinamad naman ako lalo na isulat yun...

I'll write what I think anyway... I'm all for respecting somebody's opinion, depende kung tungkol saan actually... kung hindi ko rinerespeto opinion mo about something... well... malamang ang tingin ko sa opinion mo ay isang malaking BULL SHIT.

Sometimes kasi nakakapikon lang when you hear/read about people arguing about something, voicing their opinions about something, yung tipong obvious na obvious talaga na magkaibang magkaiba yung pinaniniwalaan nila about stuff and they say na their passionate about what they believe in tapos biglang sa dulo, pagkatapos nilang ipresent yung lahat lahat ng nalalaman nila at pagkatapos nila makipagdebate na with patalsik talsik pa ng laway sa sobrang "Passion" KUNO nila ... kung bakit sila naniniwala about something biglang: "You're entitled to your own opinion blah blah blah, and i respect you for that..." SHIT KA! ISANG KANG MALAKING PLASTIC SHITTY HEAD!!!

I'm so tired of compromise! I'm so tired of tolerance! Kung sa tingin mo walang kwenta yung paniniwala ng iba, sabihin mo: WALANG KWENTA YUNG OPINION MO! WAG KA NA MAG-ISIP! nasasayang lang Ang OXYGEN ng mundong to sa YO!

I mean, since you defended your belief in the first place, why don't you fight for that belief to the very end, Why do you have to go and stoop down to somebody's level just because you don't want to offend some people????!?!?!?! YEah, I know I know... I sometimes do compromise and I hate myself for it... Nakakapikon minsan na hindi ko madefend yung paniniwala ko because of what society dictates.... Nakakapikon minsan na hindi ko madefend yung paniniwala ko kasi kulang yung nalalaman ko para madefend ko fully yung kung ano man yung sa tingin kong tama... Nakakapikon kasi I allow what others might think about me stop me from saying what it is exactly I think and believe...


anecdote lang, sort of related sa sinulat ko sa taas...na parang hindi... heheh gusto ko lang mag-rant!
Once, sa trabaho, I was arguing with a friend of mine about something (friendly argument naman, hindi naman kami nagpapatayan) and I ended up insulting him to the effect na: "NARROW MINDED KA KASI KAYA GANYAN KA MAG-ISIP!" Tumahimik siya...
(superior ko pala yung kausap ko, in terms of position sa work) then from somewhere (malakas kasi yung boses talaga namin nung kausap ko, so naririnig talaga ng iba yung usapan namin)... may humirit: OK LANG YAN, hindi pa naman regular yan si Naomi no? (implying na pwede sila mag-power trip with me... in a joking manner naman, to be fair)... I shut up after that kasi di ko alam ano yung pde kong sabihin i-counter attack sa nilalang na yun pero nicely kasi superior ko rin siya, pero isip isip ko lang: WHOA! I'm sooooooo SCARED!!!!!! Syet ka! SAwsaw sa usapan! Wala ka nman alam na ibang ihirit kundi yun line na yan! (well she used that line na yun sa akin ata or somebody else na may ka-"argue" or ka-"joke" na permanent na)... nakakapikon kasi hindi ko masabi yung gusto ko sabihin outloud and put that person in place just because SUPERIOR ko nga siya sa work, hindi ko kasi kaibigan yung sawsaw sa usapan na yun eh, kaya di ko siya masabihan ng kung ano yung iniisip ko talaga... hay lecheng life minsan talaga oo... pero... sabi nga nila habang hindi pa happy.. hindi pa ending...

hehhe magiging happy din ako... nyahhehe... hindi naman sa sinasabi kong kelangan ko mang-insulto ng taong epal sa buhay ko para maging happy... pero parang ganun na rin.... ^__^

Thursday, November 23, 2006

BELATED HAPPY BERTDAY TO ME!

Hehehe I just ended my 22nd* year sa mundong to... Now I'm starting my 23rd year... hehehe I'm excited to see what's in store for me this year and the succeeding years to come!

Hehehehe... life may not be fair, MINSAN... pero at least na-eenjoy ko siya, MOST of the time...

ANG SAYA SAYA! kahit nakakastress minsan, kahit nakakabanas ang mga tao minsan, kahit me amoy mga tao sa paligid mo minsan, kahit halos liparin ka na sa sobrang hangin ng ibang tao minsan... OK LANG! MASAYA PA RIN BUHAY!!

THANK YOU LORd GOD for this wonderfully-made-roller-coaster life of mine =D


*I'm 22 yrs old na! this is My magic year! hehehe kasi my favorite number is my age! GO NAOMI! KAYA MO YAN! AJA!!! (hehe siyempre psinapsyche ko ang sarili ko di ba! power of cheering!)

Monday, November 20, 2006

Wala ulit akong maisip na title

Sa ngayon, wala akong gaanong oras magsulat... nagbu-busyhan kuno ako... hahay! nakakamiss na rin magsulat... ng kung anu-ano... ng mga reklamo sa buhay... nga mga hirit na wala lang... ng mga ka-etsosan...

Di ko alam kung bakit ako nag-eenjoy magsulat di naman ako writer... at wala rin naman akong skills ng isang writer... hehe nagwrwriter-writeran lng kunyari ako... hehe... wala lang.. nakakatuwa rin kasi basahin yung mga sinulat mo after ilang weeks, or months, or years... nakakatuwa mag-reminisce... hehehe

SIguro dahil na rin I put much value into memories... Sabi nga ng text na natanggap ko (di to verbatim, di ko na maalala exactly eh): When everything else is gone, you'll always have your memories to turn back to... kawawa nga lang yung may mga amnesia at yung me alzheimers...

Speaking of alzheimers, yun ang isang sakit na ayaw kung magkaron ang mga mahal ko sa buhay.... ang sakit kasi siguro nun... yung di ka man lang niya makilala o maalala... syete... kahit ako na lang magkasakit nun, wag lang sila... hehehe yep medyo selfish talaga ako pagdating sa ganyan... saka mababa ang tolerance ko sa emotional pain... mas kakayanin ko pa physical pain... emotional pain? patayan na lang! hehehehe...

Wednesday, November 01, 2006

buhay may trabaho

  • walang pera parati...
  • kung meron mang pera... kung umasta, parang WALANG PERA PARATI
  • at kung umasta man na me pera, kinabukasan... WALANG WALA NG PERA TALAGA
  • kahit holiday... pdeng i-require PUMASOK ng opisina kung me di natapos....
  • madaling mag-busy-busyhan dahil sa work KUNO
  • ang SICK LEAVE ay ginagamit hindi dahil sa SICK kundi dahil SLEEPY.. hehehe
hmmm.. yan lang muna.. mag-2mos pa lang ako sa work ko... hehe marami pa akong malalaman...

Saturday, September 02, 2006

about me....

hehe balita lang 'to tungkol sa kung ano ang bago sa akin... wag maxadong maexcite...

ANYWAY....

may trabaho na ako!!!! hindi na ako BUM!!!! hihihihihi!!! AT LAST nag-iisip na ako ulit!!!
newei... kakastart ko lang last mon at work ko ay from 8-12, 1-5... kaya lang alam niyo naman dito sa dakilang siyudad ng Maynila ay pagkatrapik trapik kung kaya naman alas sais pa lang... okey okey plus 30 minutes hehehe... 6:30 na nga fine!!!! 630 pa lang alis na ako ng bahay.. meaning 530+30 minutes gising na ako... hehehe...

kaya naman pag nakauwi na ako... 6-630pm usually dito na ako sa bahay... lamon lang ng konti... okay fine! lamon ng marami... then tumba na ako sa antok!

btw... ang trabaho ko pala... ay... tantananantanan!!!! programming!!! ang aking pinakasusumpang trabaho nong college ay naging trabaho ko na!!!!!!! gahrrrrrreat di ba?!?!?!?!??

pero ok lang yan... at least kahit papano... meron ng effort ang utak ko na mag-isip... saka remember!!! may sweldo na ako!!!!

hahahaha! kahit hndi kalakihan ok lang... basta makasave ako kahit pakonti konti lang.. ok na ako dun!

siya siya.. alas-onse na! gising pa ako! matutulog muna ako! sa isang araw lunes na naman magigising na naman ako ng maaga... siya siya!

next time ulit... another downside... walang net dun sa trabaho ko... isang site lang na-access ko... yung webmail ng office namin.. pero ok na yun kesa wala...

Thank God for small blessings! :D

phabol lang.. nagdridrive na pala ako!!! hehehehe!! YEHEY! di pa ako nababangga!!!! (hindi ako nagdadasal na mabangga ha!?!?! sabi nga ni el [ang aking isang prend na nakasakay na sa akin] kahit langgam pinapatawid ko! hahaha ganun ako kabagal at ganun ako kapraning magdrive!) di pa nga ako nababangga pero maraming beses na ako sumabit sa parking pero ok lang.. hehehehe... wala pang galos ang sasakyan dahil sa mga sabit na yun... me galos ang sasakyan pero hindi dahil sa akin.. nyahahahha!!!

that's all folks... for the mean time anyway.. hehe sana may net na sa pc ko next time...

hehe kaya lang ok na rin ang wala baka di na ako magtrabaho.. magblog na lang ako poreber..

siya! siya!

Monday, August 14, 2006

gahrreaaaaaat!!!

kung kelan ako pdeng magcheck ng friendster.. ngayon naman sya nagtopak di ba? gaaaaaaahhhhhrrrrrrrrrrrrreeeeeeeeeeeeeeaaaaaaattttttt!!!!

hahay! kawawa naman yung nag-add sa akin... di ko pa sila ma-aadd kaagad.. poor them... hahahaha!!!

teka teka! dapat pala tipirin ko ang aking Ingles... kasi sa Miyerkules babalik na akong Subic at naroon ang aking tiyahin na galing NY at ang kanyang dakilang 3 anak na di marunong mag-WARAY o mag-TAGALOG... baka maubusan ako ng mga salitang maari kong gamitin... at tuluyan nang dumugo ang aking pagkaganda gandang ilong.. bwahahahaha

ikwekwento ko na lamang ang aking naging experyensiya (nasa dulo na ng dila ko ang katagang aking hinahanap pero tila hindi ko maibulalas! nyahahaha!) kasama ang tatlong nilalang na iyon...

ang panganay ay labingpitong taong gulang... kaedad ng aking nakababatang kapatid... ang pangalawa ay labin-apat na taong gulang samantalang ang bunso ay siyam na taong gulang lamang...

pagkatapos nilang kumain sa Gerry's Grill (kaming apat lamang ang magkakasama dahil ang mga matatanda ay may meeting na pinuntahan): hindi sila nagsasalita kung hindi ko sila kinakausap kaya naman para akong tuod habang kasama ko sila... hindi ko man lang mailabas ang aking tunay na anyo (ako pala si MAHIWAGANG KAY hahhaha iyon ay biro lamang.. nyahahaha baduy!) ang ibig kong sabihin ay, hindi ko mailabas ang aking tunay na sarili (ang baduy ulit)... eniwey (tagalog na rin yan, iba ang pagbaybay sa ingles na bersiyon), pagkatapos ko silang tinanong ng kung anu-anong kagaguhang tanong na alam ko naman ang sagot (halimbawa: your classes start in september right? o kaya naman ay the two of you are in high school and you're in grade school?(habang nakatingin sa bunso)DUH??!?!?!?!?!?! MALAMANG!)

leche! nasubok ang aking abilidad sa paggawa ng walang kamatayang small talk na yan! kulang na lang sabihin ko na dito sa Pilipinas ay walang niyebe samantalang sa America ay meron... o nasabi ko ba yun?... at saka nga pala... nagamit ko na rin ang walang katapusang topic ng klima kasi umuulan no'n at nakatanga na lang kaming tatlo kasi di naman sila naguusap kaya sabi ko... (with a sigh pa yun ha!) *insert sigh here*
"It's always raining.." kung saan ngumiti lang ang pangalawa, dedma ang panganay, at ang bunso ay nakatingin sa kawalan... ANG SAYA DI BA?!

sana sa susunod... magkaroon naman ng debelopment (hihi) yung paguusap namin di ba?! okey lang sa akin kahit malunod ako sa kalaliman ng aming paguusapan... ayoko na ng usapang puro tinginan sa kawalan para lamang makaiwas magsalita... pakshet! magkakabad breath ako pag parating ganun!

im in qc, not in subic...

for the meantime... hehehe actually until wednesday lang...

was able to get a break from the eternal vacation that I was having... hehe buti na lang Soluziona called me for the nth time...

hehe hindi naman ako nagyayabang... Soluziona did call me for the nth time because i kept missing my previous appointments on purpose... hehe BEFORE, I wasn't ready to start working just yet (and didn't realize it KUNO) so I kept saying YES to the appointments that they kept arranging for me... it was always only when I'm supposed to leave for QC that I decide not to go... hehe atake ng tamaditis....

NOW, I'm so sick of Subic and the non-traffic, always on time because of lack of traffic, and of course the greenery.... wait! mali... i love the greenery pala... i hate the lack of greenery in my wallet... so I decided to show up for the appointment tomorrow... Even if I don't get the job, it's ok... I'm in Metro Manila... and I'm doing SOMETHING besides exercise my fingers by switching channels on the television... YEHEY! maybe i'll watch a movie tom... NOT! hehehehe.. yeah yeah i'm in the city but that doesn;t mean I have the moolah to be able to live the city lifestyle once again like what I did in college (WOW! college! a thing of the past na siya! hahaha! as if!) anyway... so after the appointment, i'll grab a taxi (yep taxi, di ako marunong magcommute from LIBIS to Balara!), and maybe take a swim, watch a dvd, sleep, wait for my friends to call and tell me that they'll be in my place in an hour... hehehe gastos nila.. may trabaho na sila ako wala pa...

then... wait until wednesday for nong rod, anddddddddddd... back to subic again! hahahay