Saturday, August 27, 2005

ang pag-aantay ng ulan...

ako ay andito ngayon sa ateneo... nag-aantay ng ulan... problema? MALIWANAG ANG SIKAT NG ARAW!!!! demmit! kasi naman... uulan na nga lang schooldays pa talaga... MWF pa!!! dapat kasi umuulan TTh saka sabado!... hehehe...

... saka sana de remote yung clouds no? kung trip kong umulan papaulanin ko na lang...
... saka if ever de remote... hehehe sana mura battery saka ung remote mismo... wehehe...
... saka sana pag umulan di ako nababasa...
... saka sana yung mga tchr lang nababasa... hehehehe...
... saka sana... hehehe wala na akong maisip...

haay naku! ngayon nagiintay ako ng ulan for academic purposes... hehehe DATI nagaantay ako ng ulan for ANTI-academic purposes... hahaha!!!! takte! parati kong winiwish na umulan... ay! mali... di lang basta umulan kundi bumagyo! hehehehe para walang pasok...

ilang beses akong nangarap na umulan para sa ganoong mga rason... ok hindi lang ilan.. MARAMING BESES...

... noong gradeschool... konting ambon lang... tinatamad ka na bumangon... ang sarap kasi tingnan ng mga dahon at puno sa labas (habang nakahiga) na sumusunod sa ihip ng hangin... tipong hinihypnotize ka para makatulog ka ulit... bukod rin sa ayaw mong makita ang mga masusungit mong tchr... nagkakaroon ka ng temporary amnesia na may crush kang gustong makita sa araw na yun... kasi parang namamagnet yung buong katawan mo sa kama o sa sahig (depende san ka nakahiga...) tapos yung kumot parang ayaw na matanggal sa katawan mo... tipong kahit wiwing wiwi ka na eh titiisin mo na muna para di ka muna bumangon... at kung di na talaga kayang tiisin nakabalot ka pa rin ng kumot hanggang banyo... tapos pag-upo mo sa trono... oww!!! LAMIG! hahahaha!!!

... noong highschool... gaya rin nung sa grade school kaya lang mas matindi na ang tawag ng higaan kesa dati... nagpupuyat na kasi ako nun para mag-aral.... saka lalo na kung may CAT langya parang nadedetect ng katawan ko ung gagawin namin for later na tipong automatic na manghihina siya para feeling ko me sakit ako para sa utak ko di ako maxadong guilty kung magpapadala ako ng excuse letter kasi may sakit ako kunyari... kaya lang since wala rin naman talaga akong sakit... at... hehehe nakakahiya rin naman sa tita at tito* ko... ako ay mapipilitang bumangon...

... ngayong college... nag-aaply na sa akin at sa higaan ko ang kasabihang: "absence makes the heart grow fonder" bihira na kasi kaming magkita (lalo na nung 3rd at 4th yr ako) at kapag nagkita kami ay tila ayaw ko na itong iwan pa... EVER! hehehehe... pero ngayong 5th yr... so far ha... hehehhee parati kami magkasama to the point na nagooversleep ako... pero may times rin naman na di kami nito nagkakasama... halimbawa na yung overnights namin sa faura... hehehe... kung kaya naman parating welcome ang BAGYO sa buhay ko! hehehehe....

pero ung pinakamemorable na pag-aantay ko sa ulan ay naganap noong 4th yr kami... nagovernyt kami sa bahay ni PiA nun para mag-aral kasi may exam kami sa quantum mech the next day... tapos sobrang di pa talaga kami ready... 3AM umaambon na... gising pa kami at nag-aattempt intindihin ang aming lessons nun (hehehehe gusto ko sana mag-cite ng something "quantum-mechanic-sounding" terms para naman nakakaWOW kaya lang hehehe... ksama na ata sila sa repressed memory ko...)... kami ni jeleen, isa ko pang kaklase (3 lang kaming nag-ovenight that time)... sobrang grabe na ang pagwiwish na umulan... grabe sobrang SINIRA ko na ung singing voice ko para lang UMULAN... kung kilala niyo ako, alam niyong mahirap gawin yun.... kasi innate sa akin ang SOBRANG GANDANG BOSES hahahahaha!!!! =)) anyway... sa tulong ng panalangin... at ng mga boses na rin namin siguro**... by 5AM grumabe ang lakas ng ulan to the point na bumbagyo na... around 7AM... inannounce na sa TV stations na walang pasok ang grade schools and high school at selected colleges... by 730AM CONFIRMED... NO CLASSES SA BUONG ATENEO!!!! postponed ang classes!!!! yeah!!!! hehehehe... since we had time to kill (Thursday kasi nun at Tuesday pa yung next possible exam namin... wehehhe)... nood na lang kami ng THE NOTEBOOK... wehehehe... gwapo ni ryan gosling kahit payatot!... ANG SAYA!!!!! grabe!!!!

hehhehee... kaninang 1230 ko pa sinimulan to kaya lang dami kong ginawa in between.. kain, laro PC games, check mail, and other extra stuff... like makipagtsismisan.... hehehe kung kaya naman ngayong alas dos... medyo madilim na ang kalangitan... nakikinikinita ko na ang ULAN!!!! YEHEY!!!!!! kaya lang ako na lang mag-isa... ala na akong groupmate na kasama... 5 PM pa balik niya... huhuhu... OK LANG.. BASTA umulan... KAYA KO TO!!! hehehe...

* wala na ako sa bahay ng 12 yrs old ako... huhuhu... hehehe... wag kayong mag-alala di naman ako pinalayas sa bahay namin... malayo na kasi school ko kaya kinailangan ko makitira sa aking dear tito and tita...

** hindi naman sa natutuwa ako at winish ko na masalanta yung mga taga-QUEZON... uhmm.. un rin ata kasi ung time na nagkaroon ng kalamidad dun eh... hindi ko naman alam na ganun pala kalala ung epekto sa kanila nun... anyway... ung naisip ko lang nun ung mga taga-espanya... hehhehe at since alam kong magaling naman ata ang mga tagaron na lumangoy at sa tingin ko meron na namn ata silang bangka for baha purposes... di ako maxadong naguilty sa pagwiwish na umulan...

7:42AM... and it's saturday morning....

oh my gulay!!! ako ba to?! baka impostor lang tong nagsusulat ng post na to?! shocking!!!! gising na siya this early*?!!!*!@#$%^& WATDA?! teka... sabado ngayon... walang exam sa lunes (although may ipinapapasang program...DUH as if gagawin ko yun ngayon!? crammer ako remember?!)... wala rin namn akong sakit.... hmmm....

hehehehe.. andito kasi ngayon ang aking dear parents... at kaninang 6:30 dumating ang aking dear ama... bumili na ng hot pandesal... kaya naman nagising ako ng ganun kaaga.. paano ba naman ang ingay... hehehe kinulit pa ako ng makita sa TV ung wall climbing na prinopromote kasi nga nagclclimb ako** ... grabe ang kulit... ayun tuloy napilitan akong bumangon at kumain na lang ng pandesal na may butter ANG SARAP! hehehe i wonder magkano ung pandesal.. ang laki eh... dati sa amin (catbalogan) 1 piso ang cute cute ng pandesal.... kaya mo ata lunukin kahit di mo na nguyain eh... at meron nang palaman na itlog yun ha!

o well... siya siya gawin ko muna yung mga dapat kung gawin gaya ng TOOT TOOT!
*** at maligo... hehehe

note: hehehehe grabe 12 minutes ko to sinulat? weird!... ay oo nga pala nanood pa ako tv while writing...

* natulog kasi ako... kung hindi ako natulog hindi shocking...
** hindi ako expert... baka akalain niyo isa ako sa mga taong hindi na nanangailangan ng lubid pag umaakyat... hehehe WISH KO LANG DI BA?!! nanginginig na nga arms ko 2nd climb pa lang.. wehehhe di ko pa natututunan ung sa legs ibibigay yung stress...
*** gago! eebak lang! baka ano na namn iniisip niyo! tsk tsk tsk!

Friday, August 26, 2005

8088 assembly lang, 3GP, si pia... at ang ULAN ulit...

langya gagawa pa ako ng prog gamit ang assembly lang ng 8088 na processor na due at 1230pm tom... takte... google galore na naman to! hehehehe di pa ako nagsisimula kasi tinatapos ko pa tong post na to...saka dito pa ako... me dinodownload pa... hehehe... di kasi maplay yung 3GP file sa windows media player saka sa real player... me kelangan pa raw ako idownload na kung ano man para maplay yun...

o well... alis na nga pala sa sunday ang aking dear friend na si piatot... punta na xang pransiya... well 10 months lang naman xa dun... ay siya!!!... next time ko na nga lang ikwekwento... matatagalan ako nito kung ikwento ko pa lahat... basta ayun... dinner kami kanina... share share KUNO about our experiences with pia... hehehe at since alang videocam na dala ang mga tao... ang aking handy dandy celfon ang naging videocam... kaya naman naubos ang memory space kanina... langya 9.5MB rin halos ang natake-up na space ng videos... at since 3GP ung file type ng video kaya ako nagdodownload ng nabanggit ko sa taas... hehehe gusto ko sana kasi makita sa PC ung mga video... pixelated kasi maxado sa phone eh...

hmmm... me bago pa bang happening bukod dun?... hmmm... wala naman... ay teka!!! meron nga pala.. langya... kanina... nang mga alas sais... ako pala ay nastranded sa jollibee katipunan... DAHIL SA LAKAS NG ULAN!!!! ok sana un kung ready kami para kumuha ng data di ba para sa thesis namin... but no!!! di kami kumuha ng data kanina kasi ala akong dalang laptop at kulang pa set up namin... hehhe saka nga... may dinner pa kami hehehe...

anyway... so ayun nasa jollibee ako... gutom na... (8PM pa dinner namin at di pa ako kumakain buong araw... ay kumain pala pero chicken strips lang un... konti lang...) at ang perang dala ko ay 60pesos (in bills) and 30pesos(coins) lamang!!! (nalaman ko lang na me 30 pesos ako in coins after ko na umorder ng pagkain na tinipid tipid ko pa dahil kala ko 60 pesos lang ang pera ko... ung coins nakita ko lang sa coin purse ko... kala ko kasi 5 pesos na lang... un pala marami nang tigpipiso at limang piso ang aking naipon dun sa coin purse ko kung kaya't umabot ng 30 pesos... saka ung iba pang barya na nakita ko sa mga bulsa ng bag ko nang ako'y naghahalungkat ng pera kasi mukhang lumalakas ang ulan nun at iniisip ko kung paano ako uuwi kung sakaling di ako makapagwithdraw sa mga atm dahil nasira na sila dahil sa lakas ng ulan [hehehehe worst case scenario ang nasa utak ko nun])... so antay antay ako sandali.. tapos biglang tumila ang ulan!!!! yehey!!!... so withdraw muna ako sa east west bank kasi un ang pinakamalapit na atm na pde kong pagwithdrawhan... then nang papunta na akong video city (me isosoli kasi akong vcd..) pagdating ko sa may shakeys... BIGLANG UMULAN NA NAMAN!!! great di ba!!! sa loob ng isang oras... dalawang beses akong nastranded sa dalawang kainan!!! tadhana nga naman... di na ata talaga ako papayat... wehehehe... o well.. pero yun sandali lang naman.. at ayun tumila rin ang ulan kahit papano... kaya masaya ang araw na to... ay mali... ang araw kanina... :D

hay naku... sana lang parating masaya no?

Wednesday, August 24, 2005

Rain gently falls....

isa sa mga paborito kong kanta yung (imagine me singing para mas maintindihan niyo kung bakit... hehehe)...
Strolling along country roads with my baby
It starts to rain, it begins to pour
Without an umbrella we're soaked to the skin
I feel a shiver run up my spine
I feel the warmth of her hand in mine

Oooo, I hear laughter in the rain
Walking hand in hand with the one I love
Oooo, how I love the rainy days
And the happy way I feel inside....

Ok. yun lang ang lyrics na memorize ko.... hehehe... wala lang. Gusto ko kasi melody... saka ok din lyrics... nung simula nagtataka pa ako bakit Neil Sedaka* daw ung kumanta tapos boses babae... hehehe... lalaki lang pala na tila boses babae... later lang na-accept ng tenga ko, when I listened to it hard enough (in short, hindi muna ako sumasabay sa kanta), na boses lalaki rin naman pala talaga siya... pero ayun nasanay din ako sa lalaki na boses babae sa unang dinig pero nagiging boses lalaki pag nakinig ka ng maigi... at ayun nagustuhan ko ung kanta... hehehe... feeling ko nga di ko magugustuhan kapag ibang version na eh... wala pa naman akong naririnig na revival nun... so... sana wala... at kung meron man... SANA DI NILA SINIRA!!!...

ano pa ba?... ayun! yung kantang:

RAIN RAIN GO AWAY, come again another day...

isa to sa mga nursery rhymes na di ko makakalimutan... ginagamit ko kasi parati tong line na to pag tila uulan na...

kaya lang ngayon... di ko na pdeng kantahin MUNA yan... takte kasi! Rain correlated performance of wireless links and optical free space ang aking thesis**... pano ko pa ba naman kakantahin yan!!! kelangan namin ng ulan!!! kung pde nga lang sana umulan hanggang disyembre eh... SANA LANG TALAGA UMULAN UNTIL THEN di ba?! syet, limited time kasi yung data gathering namin pag nagkataon... hay naku... kala nyo less work?! hindi!!! marami pang extrang gagawin pag di umulan!! sana nga umulan na lang parati kasi at least pag umulan... MARAMING DATA na pde i-analyze at pdeng madoktor... heheh jazzzzzzz kidding!!! lab data lang ang dinodoktor hindi thesis data... hehehe... basta mas masaya pag maraming ulan!

kaya lang sana naman tumayming yung ulan di ba?!!! sana umulan pero hindi naman sana during MWF 330-6pm... ayoko kasi talaga nagtratrain sa gym... MAS namamarginalize kami dun... bihira lang kasi kami magbatting pag andun kami... parati baseball nag-babat =(... takte naman rin kasi.. konti lang nagtratrain sa sopbol... ayoko na muna magrant tungkol dito... sa ibang post na...

SANA UMULAN!!!!! pero wag MWF! TTh na lang!!!

*di ko kilala si Neil Sedaka... ang alam ko lang, lumang tao siya... in other words... kapanahunan ng tatay ko (ATA)... hehehe hanggang ngayon di ko pa rin xa rineresearch... kaya di ako sigurado... basta! feeling ko lumang tao siya!

**lalim no?! hehehe kahit ako di ko pa gets ung silbi ng optical freespace gayong me wifi na rin naman...

Tuesday, August 23, 2005

on writing...

i want to write something... anything... my mind's not up to it... im just plain sleepy and depressed... I dunno why... woke up early at 5 am... did my HW, passed it online although it was due last 12Midnight... fine with me if i passed it late... at least i understood it... i didn't have my classmate do it for me unlike other people... hehehe... di nman binabasa ng mga kaibigan ko to so ok lang... anyway... baka sourgraping lang ako kasi nga late ako nagpass ng probset... well... anyway... i was fine til 8am... then... bigla na lang ako inantok at nalungkot, at the same time...

ok great! my eyes are drooping... i still have class later at 12... i can't sleep again... i'm oversleeping already... that's it! i guess im depressed because im oversleeping... i overheard/read somewhere that when you oversleep it affects your mood somehow... i forget how... i don't want to sleep anymore!!! but my eyes want to!!!!

shit! my brain is not functioning well... GUYS!!! coordination naman please!!! kung inaantok ang mata! pumayag naman sana ang utak!!! and vice versa! sige i'll sleep till 10 then i'll work on my progress report... shit bolahan galore na naman to... sabi nga ng isa ko pang kaibigan na sawang sawa na rin sa progress report gaya ko... "kapag nagsusulat ako parang AB CREATIVE WRITING ang kurso ko!" langya puro fiction laman ng progress report... sige later ulit...

Monday, August 22, 2005

langyang parser yan...

hehehe langya.. me comments sa prev post ko.. sa tingin ko program lang ang nagpopost nun... pero rineplyan ko pa rin... in case totoong tao.. though I DOUBT IT... parser ang me kasalanan...

parser?ano nga ba yun... hehehe di ko lam exactly di kasi ako nakikinig maxado sa report ng mga kaklase ko... pero sa tingin ko un ung nagiidentify ng certain inputs then mag-eexecute siya ng something (e.g. post a comment) when it encounters that certain input... basta parang ganun... check niyo na rin sa google... baka kasi mali sinabi ko... hehe siya labrep na muna talaga ako.... TOTOO NA TO...

Sunday, August 21, 2005

sleeping in ateneo...

tatlong araw at dalawang gabi akong nasa ateneo... masakit katawan ko kahapon.. di ko lam kung sa training to o dahil sa sahig ng lab... sa tingin ko sa sahig... wala naman kasing maxadong bago sa training at ang naalala kung sumakit ang katawan ko sa training ay yung unang araw ko ng training 4 yrs ago...

anyway... ayun nakatulog ako last, last night di ko maalala kung anong oras... tumigil kasi ako sa pagkuha ng RGB(color components) para sa project namin kasi sumasakit na yung right temple ko... o di ba! hindi lang basta buong head ko ang masakit.. hehehe specific ang pain! takte! di ko lam bakit sa kanang side ang masakit... basta MASAKIT! kaya natulog ako habang inaantay ang iba kong kaklase na bumili ng pagkain dun sa 7/11... kaya lang sa sobrang antok ko... SABI NILA... pero di ko talaga maalala, ginigising daw nila ako habang sinasabing MAY ICE CREAM!!!MAY ICE CREAM!!! kaya naman nagdududa talga ako kung ginising nga ba talaga nila ako... kasi pag sinabing ICE CREAM ay nagigising talaga ako!!! makakatulog na lang ako ulit pag nalaman kong me marshmallow o kaya buko ung ice cream... pero di talaga ako nagising!!! o well... baka di na talaga kaya ng powers ko ang magising after 3 days and 2 nights in ateneo... hehehe... well AT LEAST this time marami na kaming pagkain at nakakatulog ako ng matagal tagal..

unlike last year... ok, reminisce muna ako...

...pebrero nun... hindi gaya ng iba naming ka-course ... napaaga nang 3 araw yung thesis defense naming mga students na under kay Fr. Jett... sabi kasi ni sir... ok daw un kasi at least we have more time daw to prepare for the FINALS... kaya lang... para sa akin na mag-isa lang sa thesis... medyo... (medyo lang naman since eto naman ako at nalampasan yun... pero nung time na yun... hindi medyo kundi TALAGANG...) hindi ok yun! saka isa pa, dumating yung gas (pure methane) na "centre and heart" of my thesis, more or less, 1 week na lang bago ang defense namin...

GREAT DI BA?! so... if i remember it right... i had 3 days to get the data na kelangan kong i-analyze, and 4 days to write yung buo kong thesis paper... ok... hindi naman talaga yung BUONG THESIS kasi nasimulan ko na yung intro saka yung theory... pero STILL... APAT NA ARAW??? to gather the data and analyze it... then finalize everything!!!!???!!! hello!!!!?! (by the way, ang isang set ng data ay more than a hundred data points!!! at ang isang point takes about 30 secs to a minute to obtain with me running around the room to adjust the settings of the laser diode driver, clicking the mouse to get the data, copying the data in excel, and writing it on my logbook for SAFE KEEPING in case mag-crash ang lahat ng PC na may hawak ng lahat ng files ko) ... dapat nga ibibigay ko ata yung paper ko sa adviser at panelist ko 3 days before my defense... but no!!! naibigay ko lang yung paper ko sa adviser ko at sa aking impromptu panelist (yung dalawa kong panelist ay di pde sa sched ng defense namin.. buti na lang andun si SIR G!) on the day of the defense itself...

so ayun apat na gabi kami (ako at ang iba under ke Fr. Jett minus Patrick... ang valedictorian namin... hehehe di na kasi kelangan mag-overnight nun... di ata nagcrcram un eh...) sa CSD... (CSD... CLIMATE Something[hehe di ko maalala] DIVISION... yung bldg na nasa likod ng Manila Observatory... un ang pinakaBAT cave namin)... yung iba... kumukuha sila ng data while writing the paper... ako naman sulat lang ng paper kasi ung set-up ko nasa faura... kumukuha ako ng data sa araw... i actually spent a night in faura kaya lang pinalayas ako ng guard nang mag-e-11pm... hehehe kwento ko na lang in another post... newei... ayun, we spent those nights in CSD writing our thesis papers... kaya lang lugi ako nun sa tulog kasi nga ako lang mag-isa sa thesis ko... ung iba kasi dalawahan sila...

so nangyayari...
  • 8PM kami nagkikita kita dun sa CSD... simula na ng research (may mga PC rin dun na may net na kahit supeeer slow ay nakakaraos rin naman kami...) at pagsulat ng paper... (dala ko lang ang aking kopong kopong laptop.. hehe labyah laptop... para di na ako makikipag-agawan sa iba dun sa mga pc.. saka kahit kopong kopong na tong dakilang laptop ko.. eh hamak naman na mas mabilis to kesa dun sa ibang pc... wehehe..)....then sometime in the middle of the night.. kape muna kami pag medyo antok na... hehehe astig kasi dun kasi may dispenser ng tubig... baso, plato, kutsara, at tinidor... hehehe kumpleto!!! kulang na lang saingan!... tapos around...
  • 2AM matutulog na ang isang partner ng mga kasama ko habang yung naiwang gising ay itutuloy ang pagsulat... (ako forever gising at gumagawa ng paper kasi alang partner... huhuhu...)... tapos mga...
  • 3AM ata... gising at gawa naman ung natulog tapos tulog naman ung gumawa... (ako gising pa rin at nakasimangot na kasi inggit na inggit sa sarap ng tulog ng mga natulog...)... tapos around...
  • 4 am (tulog na sila lahat.. kasi they have the luxury to do so... kasi 2x ang manpower nila)... around...
  • 5AM... manhid na at gasgas ang utak ko kaya matutulog na rin ako... isasara ko na ung mga ilaw... makikitabi ako dun sa iba kong kaklase sa sahig... hehehe kahit papano me sleeping bag naman kaming matutulugan.. ako nagdala ng sleeping bag... si ces naman, ung isa sa mga kaklase ko, ang nagdadala ng blanket... 3 kami dun sa sleeping bag... ung isang group me sarili silang sleeping bag at sariling mundo... hehehe ung 3rd floor kasi na PC ng CSD ung gamit nila... kami nila Ces at Jan (ung isang group) nasa second floor gumagawa... pero kaming 5 (3 groups kami... hehe isang grupo rin ako!) sa second floor lahat natutulog...
  • 6AM... gising na ung isang group...
  • 7-730 AM... magigising na ang unang maliligo sa amin nila Jan at Ces... sunod na magigisng ang next in line sa banyo... pero ako kadalasan ang huling naliligo kasi nga ako ang last na natutulog... hehehe kanya kanya dalang toiletries... minsan hingi-an ng shampoo at toothpaste...
  • di ko na exactly maalala kung 830 ba o 930 yung pasok namin basta mga 8-830AM... layas na kami sa CSD para pumasok sa mga klase namin... iwan namin dun sa CSD ung mga gamit namin na di namin kelangan sa klase for the next night... (e.g. sleeping bag at mga damit...)
  • repeat 4X.... except ung sa 4th night sinubukan kong matulog ng 1AM para magising ng 2AM kasi di na talaga kaya ng powers ko ang 3 araw na sched na nakasulat sa taas... KAYA lang... hehehe... hindi umepek ang paggising nila sa akin sa sobrang antok... 6 na ako nagising... at saka lang naituloy ung ginagawa ko..
resulta? PUMAYAT AKO!!! yeah!! hehehe yung isa kong pantalon na di na kumakasya sa akin biglang KUMASYA!!! with more room for bilbil! hahaha! pero pakingshet naman kasi na diet yun!... di lang utak ang ngarag sa akin nun kundi buong katawan at ang aking pinakamamahal na sikmura.... hehehe yung kain ko lang nun yung take out o kaya padeliver sa jolibee ng mga alas otso ng gabi.... hehe nakalimutan ko mabanggit sa taas... minsan kasi nakakalimutan ko na rin kumain ng lunch at breakfast kasi nga either pumapasok ako sa class namin during the day, o kuha ng data sa faura, o kaya naman ay... nasa library at naghahanap ng sources at ng iba pang pdeng pampahaba sa thesis... wehehehe....

yung 2 overnights ko last friday and saturday night ay wala sa kalingkingan ng overnights ko sa CSD... hehehe.. BUTI NAMAN... di ko pa trip MAULIT MULI ang nangyari last year.... pero sa tingin ko mauulit un... pero AT LEAST.. ngayon anim na kami sa THESIS NAMIN.. YEHEY!!!!

on the other hand.... hehehehe I also spent one night inside the ateneo not for academic reasons... hehehe sa halip ay... pumila kami ng boardmates ko, si Ate Jeng and Ate Iyang, at ng isa kong blockmate, si Pia, for ATENEO-LASALLE UAAP tickets... hehehe second year ata kami nun... at may exam kami ni P sa SA21 (Socio and Anthro)the next day... sabog kami ni Pia nun... nakauwi kami ng boardmates ko ng alas otso ng umaga.... ang nakuha namin na ticket... SA BLEACHERS!!! gahreat di ba!!! pumila pila pa kami!!! actually di ko maalala kung nanalo ateneo nun... feeling ko talo ata kami nun eh.. hehehe the next yr ata kami nanalo... syeters di ba? so ayun... sa Exam namin sa SA21... nakatulog ako... wahahah!!! syet talaga yun... buti na lang nasa likod kami... at buti na lang... sinagutan ko muna yung exam bago ako naglean sa table ng parang ganito (see pic below)... kasi kung hindi... bagsak ko sa exam na yun...

hehehe... ako yung nakajacket... si aldrich ung isa kong kaklase na tulog din... sana di xa magalit na nadamay siya dito sa blog na to... hehehe kasama ko rin yan sa CSD... kasama siya dun sa isang 2-member group na nasa 3rd floor ng CSD gumagawa.. hehehe.. sa tingin ko isa to sa mga araw na nag-overnight kami... o baka hindi... hehehe tulog lang talaga kasi kami pareho sa specific na class na to ni Sir M... sa PS 142... ito pa isang pic namin na tulog... hehehe ung isa kasing abnoy namin na kaklase, si LORENZO, gusto ata i-document yung pagtulog namin sa class...

wehehe buti na lang parating di kita mukha ko.... at buti na lang... di tumutulo laway namin... wehehehe.... btw.. o ha! kitang kita naman ung attempt kong magnotes... meron ako parating hawak na ballpen... kaya lang di talaga kaya ng mga mata ko... hehehe pumipikit sila ng di ko nalalaman... kaya naman ang gulo ng scratch notebook ko... (rinerewrite ko kasi notes ko dati)

paxenxa di ko na isinali to sa pikchur blog ko... hehehehe di ko naman kasi alam ng sinisimulan ko tong post na to na isasali ko pala ung pics above... o well... hehehehe

ayan.. siya.. gawa na ako ng mga dapat ko gawin for tom... isang assignment at isang labrep... haay.. labrep na naman...

Friday, August 19, 2005

3 am and gising pa rin

ok nasa lab ako ngayon at di makatulog... hehehe kakagising ko lang at nag-attempt ako magsagot kunyari ng problem set na due on monday.. kaya lang mukhang tulog pa rin ang utak ko at di niya naproprocess ung mga nakasulat sa notebook... anyway.. wala lang trip ko lang magsulat since wala rin naman akong magawa... at kahit gusto ko matulog ay tila ayaw naman ako lapitan na ng antok kasi nga kakagising ko kani-kanina lang...

ano ba pde kong sabihin... ayun! naiihi pala ako kaya lang ayoko mag-CR ng mag-isa kasi ayaw ko i-tempt ang mga multo na magpakita sa akin na di pa pinapakita-an ng kung ano man... ang dami pa man din paniki sa labas... (nasa 3rd flr kasi kami ng faura, engineering bldg dito sa ateneo at may di kalakihan na puno sa labas ng room na tinutuluyan namin) di naman ako kagaya ni batman na takot sa paniki (wish ko lang di ba! para naman may chance akong maging batwoman o batgirl) at although alam ko'ng mga demonyong nakakalat na nagpapanggap bilang multo yang multong yan... di ko pa rin sila trip makasagupa sa ganitong oras ng madaling araw na kilala rin bilang "witching hour"... hehehe dito raw nagsisilabasan ang kung anu-anong laman lupa... hehehe bka magsilabasan rin ang mga amoy lupa... siyets korni.. ito ata epekto ng utak na gustong matulog pero di makatulog... hehehe

o well... pag malapit na talaga pumutok ang pantog ko... hihilahin ko na lang bigla ang isa sa mga kaklase ko at papasama akong banyo... syet sana di niya ako dun pagbanyuhin sa cr ng mga tchr kasi kakatae pa lang dun ng isa kong kaklase... wehehe... at although kaninang mga 11pm pa yun... baka may masagap pa rin akong tira-tirang amoy... ok lang sana kung halimuyak ng ebs ko ang maamoy ko dahil AKIN un... pero ang sa iba ay gross talaga... tama na nga tong pinagsusulat ko gross na... hehehe this is what you call SHIT talk!

siya siya... maya na lang ulit pag di na inaantok ang utak ko at di na trip lumabas ng ihi ko mula sa pantog ko... adios...

Thursday, August 18, 2005

USB chipsets!

follow up info to dun sa isang tangang post ko... nalaman ko lang no'ng wednesday na kaya ayaw madetect ng laptop ko ung portable HD ko eh dahil sa di compatible ung USB chipset nila...

ang mga chipset na nakakadetect sa HD ng APACER (so far ha? trial and error kasi to...) ay ang sa Intel at sa VIA (VIA... di ko lam ano 'to... hanapin niyo na lang sa Google)... eh yung sa laptop ko pala ay gawa ng NEC kaya ayun! takte naman kasi! pero sabi nga nila Thank GOD for small blessings.. buti na lang Intel ung chipset ng desktop ko dito sa bahay... at buti na lang ung flashdisk ko ay nadedetect nung HD.. haay... kahit papano pde ko pa rin ilipat music files ko sa HD gamit ung flash disk ko... kahit na paputol putol OK lang basta malinis ko lang mga computer ko... masaya na ako...

hehehe ayan! me alam akong bago! again... totoo talaga ung NOT KNOWING leads the way to KNOWLEDGE! hehehe kakatuwa!!

ako ay bigo!

shetpak!... di ko nagawa ang aking resolution na di magcheck ng prenster for 1 week... huhuhu... ako ay isang mahinang tao!!! kasi!!! hmmm... excuse ko: may inaabangan akong msg from a prend kasi natutuwa ako sa pics na nakapost sa acct niya! at tamang tama ng buksan ko ang prenster acct ko ay kakareply pa lang niya! at hiniling niya ung feedback ko... KAYA OK LANG! wala akong pinagsisisihan gaano... alam ko kasi ung feeling ng nag-aantay ng reply ng isang msg tapos hindi magrereply ung tao... hehehe although guilty rin naman ako dun minsan... un naman ay dahil sa

KUNG SA TEXT:
  1. nakatulugan ko...
  2. di ko narinig fon ko dahil nakasilent ito kadalasan sa schl... at naalala ko lang i-check ung fon ko pagdating ko na sa bahay...
  3. WALA AKONG LOAD (kadalasang sitwasyon ko)
  4. walang load ang mga kaibigan ko kung san ako pde makitext
  5. walang computer na may net na malapit para makapagreply ako using chikka
  6. nasa bahay lang ako nang sobrang tagal at wala akong load sa cell at sa net kung kaya nakalimutan ko na lang replyan...
  7. hehehe... bihira to... pero... kapag nahiya na ako makitext sa kaibigan... sa sobrang pakikitext dahil sa tinagal tagal ko nang alang load...
KUNG SA EMAIL
  1. wala akong load sa net...
  2. walang malapit na computer na may net
  3. abnormal ang PCng nahawakan ko na ayaw magbukas ng yahoo, gmail, hotmail, o atenista
  4. WALA AKONG GUSTONG SABIHIN SA YO (kung peste ang nagemail)
  5. wala akong MASABI... walang update... kaya takot magparamdam....saka baka may maalala ang rereplyan na bagong ipapagawa gayong madami na akong ginagawa sa kasalukuyan (para sa thesis mentors and advisers...hehehe)
haaay... sige na nga tatanggalin ko na ang prenster sa DI ko ichecheck na acct.... ang gagawin ko na lang ay.... *drum roll*... INVISIBLE NA AKO SA YM for 1 week... starting now!!!... hehehe sana di mabasa ng mga tao to....

siya.. check muna ako mail... dami na naman fan mail eh ...hehehe...

Wednesday, August 17, 2005

nag-aantay mag-530

ok ok, sinabi ko na parati na ako magdadala ng pangtraining.. pero takte naman kasi!... kung dinala ko pa ung pangtrain ko baka nakuba na ako ng tuluyan.. dala ko kasi laptop ko, kasi ung thesis mtg namin nalipat from friday to wednesday. eh kelangan namin ipakita ung nakuha namin na data last week nang sinubukan namin ung wifi mula mateo ricci(bagong bldg para sa mga orgs sa ateneo) papuntang CTC208 (isa pang bldg sa ateneo... hindi siya chat lingo, ok?)... saka baka rin kasi kelangan namin ipakita pano namin ginawa so kelangan talaga magdala ng laptop para live na live ung pagkuha ng data... hehehehe mahirap na! wala pa man din akong ibang update bukod dun... hehehe at least kung dala ko ang aking handy-dandy laptop ay may maipagmamayabang naman akong nagawa... langyang laptop na yan.. tinuringang portable... bali naman likod mo after...

newei... at since yung lab namin sa friday ay nalipat rin ngayon... kaya ayun tuluyan ko na rin talagang di dinala ung pangtrain ko... haaay.... siyet! di pa umulan!!!! pakshet! at least kung umulan di maxadong nakaka-enganyo magtrain... but NO!!! hindi umulan!!!! ang sarap magtrain!!! demmit!... sa field ngayon ang teammates ko malamang! di ko na sinilip maiingit lang ako... haaay ulet!... o well.. at since alas kwatro na rin kami natapos sa lab, medyo nalate na rin ako sa training nun.. bihis pa... takbo pa... tapos alis rin akong 530 para sa mtg with advisers ko... so mga isang oras na lang ako makakapagtrain kung sakali... o well... ok fine fine... hanap na naman ako excuse para di ako nanghihinayang sa di ko pagdala ng pangtrain... haay buhay naman kasi talaga o! kung me kotse lang talaga ako! langya magdadala na ako ng isang bag na puno ng damit na pangtrain! saka magststock na rin ako ng rubber shoes at spikes ko dun para kahit SURPRISE training sa gym man o sa field ay pdeng pde ako pumunta... hehehehe... SURPRISE TRAINING? meron ba nun? hehehe parang surprise quiz eh no... haaay! wish ko lang talaga!!!...

napaisip na naman tuloy ako... materialistic ba ako? ang dami dami kung gusto na mga bagay for my convenience... masama ba ang maghangad ng mga bagay para mapadali ang buhay mo? di ko alam... siguro depende na rin kung ano ang mangyayari sa yo pag nakuha mo na ung bagay na un... siguro kung makakapagdulot un ng pagbabago sa pamumuhay mo (e.g. tuluyan ka ng magiging tamad... hehehe well sa kin naman di maxadong problema un kasi tamad naman ako matagal na... o kaya siguro kung magiging EVIL ka [di ko lam pano mangyayari to] o kaya kung ma-aatach ka na sa mga bagay na to) saka lang siguro to magiging masama... ewan di ako makapag-isip ng matino... so far ung mga bagay na ginusto ko na, salamat sa Diyos, naibigay rin naman sa akin after some time ay di pa naman ako na-hook dun ng tuluyan...

halimbawa... kahit maiwan ko ung cellphone ko sa bahay ay di pa naman ako naprapraning ng tuluyan... (hehehe dati: OO, nprapraning ako... pero NGAYON: di na! hehehe papasalamat pa nga ako kasi at least walang maxadong makulit na magtetetxt sa akin tungkol sa kung san san... pero di ko rin naman sasadyaing iwan ang cellphone ko no! di naman ako martyr din.. mahalaga pa rin siya kahit papano)... ok, ok... sa flash disk ko naman ako naprapraning pag naiwan ko... hehehe di lang kasi andun yung importante kung files para sa school... hehehe nakakabit kasi un sa ID ko... hehehe meaning pag naiwan ko ung flashdisk... sabay sila ng ID KO! at since ako ay sobrang sipag nung summer.... isang huli na lang sa kin (nang wala akong ID) ng guard dito sa school ay.... mapupublic reprimand na ako! kasi major offense na! hehehe... syet... dpat di na ako mahuli ng guard till next year... naubos ko na kasi ung dalawang huli nong summer... demmit! hehehe... isa lang ang naiisip kong advantage kapag napublic reprimand ako... hehehe ulit... un ay: SIKAT NA AKO SA BUONG SCHOOL! hehehe nakapost ang pangalan ko sa lahat ng departments ng school! biruin niyo! kalevel ko na ung valedictorian namin pag ganuN!... hehehehe opposite nga lang ung rason.... o well.... ano ba yun nawala na ako sa topic ko... anyway...

kaya lang naman kasi ako andito.. kasi gaya nang dati nang di ako nagdala ng pangtrain.. nag-aantay ulit ako mag-530 para sa mtg namin mamaya... haay sana naman di ulit kami magmukhang tanga dun... syet.. BAKA mamya ay di na ako makapagnet kasi may long exam pa kami bukas... kelangan ko mag-aral.. kaya lang kelangan ko humarap sa Pc kasi Verilog programming ang aaralin ko at kelangan ko ng PC para makita kung tama ang pinagsusulat ng tchr namin... hehehe fine fine kelangan ko ng PC kasi programming aaralin ko PERIOD... syet mapapanet na naman ako nito... di bale pipigilan ko ang sarili ko ang mapatagal sa pagbabasa ng blog ng iba, kelangan ko talaga mag-aral tonight! siya siya... basa na muna ako ng blog ng iba... :D

ayan 520 na.. punta na kong ctc para dun mag-antay sa advisers ko at groupmates... at dun na rin magbasa ng blog... hehehe OK talaga ung me internet sa lab... sana OK ung mtg... babu!

ok isang araw na ang nakalipas...

hehehehe 6 na araw na lang ang aking aantayin bago ako makapagcheck ng prenster acct ko.. tanginangtakte! ang hirap pala hehehe... may alam pa man din akong magrereply sa kin dun sa prenster... putris naman... dapat inantay ko muna yung reply bago ako nagsabi na di ako magchecheck ng prenster ko eh... kasi!!! yan! mag-isip muna kasi bago magsulat/magsalita!!!.. demmitt!!!

newei... ibang bagay nman ang pagusapan natin! hehehe... tuwing MWF ay 830 ang pasok ko ng umaga.. kaya lang... dahil sa sobrang kasipagan kong bumangon ng maaga ay kadalasang alas nuwebe ako dumarating ng school.. hehehehe... last monday saka kaninang umaga ay alas nuwebe ulit ako dumating... gahreat di ba?! ang MAGANDANG BALITA AY.... FREECUT nung lunes saka kanina!!!! yehey!!!! hehehee wala pa akong late this week sa CE170 ko na class!!!! yehey!!!! hehehe... matagal tagal na rin kasi akong di nakakapasok on time pag MWF... ang dagdag magandang balita.... na nabanggit ko na rin ata sa isa kong post... WALANG PASOK SA FRIDAY!!!! yehey!!!!!!! hehehehe!!! saya talaga ng holidays... kahit pa pumunta akong school for training and other projects OK LANG! basta wag lang alas otso ng umaga ung assembly time... hehehehe ibig sabihin nito ay... *drum roll* WALA AKONG LATE THIS WEEK for my CE170!!! yehey ulit!!!! hmmm... kelangan ko na talaga bumawi sa class na un... PRAMIS NEXT WEEK gigising ako ng alas 7! para 8 pa lang andito na akong school! yeah!!!! ayan meron na akong goal for next week...

siya siya! me quiz pa ako mamyang 1030... aral muna ako.. shet may exam pa pala ako bukas.. sige sige baka di na ako makapagpost mamya...

for the record... hehehehe di ako nagnet kagabi!!! sarap matulog! 10 pa lang tulog na ako biruin mo!!! hehehehe SAYA!

Tuesday, August 16, 2005

change for the better...

fans... sori medyo madrama tong post na to...

well, napansin ko kasi na medyo malaking parte ng oras ko ang nasasayang sa net... maraming salarin...

1) andyan ang mga demonyong tchr na hindi na lang sumunod sa normal order of things (high school style kumbaga) na i-paphotocopy ang files nila at ibigay na lang sa amin, during class, ang files... kelangan pa talaga nila maki-uso at magpagawa ng e-groups sa iilang tulad kong nagpapaka-beadle* kunyari at dun na lang sa egroups isinesend ung soft copy ng files! demonyong technology talaga to! PAHAMAK! yan tuloy kelangan mo magcheck ng mail hanggang ala-una ng umaga at the latest kasi may mga adik na tchr na akala ung ibang students walang buhay gaya nila!!!!

2) YM... madami online... mapipilitan ka makipag-usap para kahit matagal na kayong di nag-uusap nang personal ng iyong dear friends ay parating may komunikasyon....

3) blog ko... eh nakakatuwa magsulat eh!!!

4) blog ng iba... eh sa nakakatuwa basahin eh... hehehe masarap tumawa out loud (oo! kahit mag-isa ka! masarap tumawa! kahit mukha kang baliw, ok lang!)

5) friendster... fine fine! di xa ganun kahalaga!! pero andun isa ko pang blog eh!!!

6) tantra and other pc games... DUH! kung buong araw kang nakaharap ng pc at nagbabasa! di ka ba naman mababanas nun! siyempre kelangan pagulungin mo rin eyeballs mo ng kaunti hindi yung tipong left-right left-right lang saka up-down up-down... hehehe kelangan merry-go-round ung eyeballs mo para naman ma-exercise ng kaunti! (hehehe yeah! yeah! rationalization is the key!)

... yan ang mga salarin na naiisip ko sa kasalukuyan.... ung iba di ko na maisip... pero anyway... dahil sa sobrang oras ko online... napapahamak ang aking acads ng kaunti... hehehe late ako naggising... late na ako sa first class ko parati... di na ako nakakapagnotes ng matino... kung kaya naman at naisipan kung hindi na muna gawin ang nakalista sa numbers 5 and 6 (langya matagal ko inisip yan ha!!!)... para sa friendster blog ko... pasensiya muna.. sana di ka magtampo... pramis 1 week lang akong mawawala... until i catch up on my readings lang talaga... at since di ko kayang i-give up ang blogging, as of now, ito muna ang immaintain ko... syet bakit kailangan umabot sa ganito!... demmit!... anyway siya siya sige yan na muna... PROGRESS rEPOrT NA AKO!!! pakshet na MIDGE (code name sa tchr ko na nagpapagawa ng progress report... dahil sa height niya... hahaha!) yan!

sana kayanan ko tong sariling pagdidisiplina ko... SANA!!!

siya siya... later ulit...


*BEADLE (di ko lam kung uso 'to sa labas ng ateneo... pero sa tingin ko uso rin, iba lang binyag sa kanila...) = ito ung parang assistant ng tchr sa class. Sila ung me hawak ng number ng tchr niyong praning na ayaw ibgay sa buong class ung number niya...

(dahil: ...una, feeling niya cute siya at ittxt siya ng mga students niya kahit sobrang panget niya at makapal talaga pagmumukha niya;
...pangalawa, mabait yung tchr kung kaya't madaling mauto ng mga estudyante niya kung kaya't iniiwasan niyang ibigay ung numero sa buong class para bihira lang siya mauto ng klase niya;
...pangatlo, tchr na abnormal na sobrang labong kausap, at alam niya rin kugn gano siya kalabo kung kaya't para hindi siya mapeste ng mga estudyante niya ay ang beadle lang ng class ang bibigyan niya para ung beadle lang ang kukulitin ng class at angbeadle lang ang pdeng mangulit sa knya na pag maasar naman siya ay ang dali dali lang pagalitan, murahin, ibagsak, o kaya naman ay simpleng hindi pagreply na lamang)

= sila rin ung kadalasang binibigyan ng tchr (na high school style) ng mga files na pdeng ipaphotocopy ng buong class
= sa kanila ka magbabayad kung may ipinapakolekta na pambayad sa kung ano man ung tchr; o kaya naman ay kung talagang OC lang sila, sila na rin ang magpapaphotocopy ng lahat ng files para sa buong class (kung tamad ka magpaphotocopy... bilib na bilib ka sa beadle na to)
= taga-gawa ng e-groups ng class
= in short, siya ung president, secretary, auditor, at treasurer natin ng grade school rolled into one! siya ang class system-in-1! kung maganda siya (gaya ko hehehe)... pde na ring muse... kung war freak siya (gaya ko rin).. pde na rin ung ... siyet di ko maalala ung tawag sa peace keeper nong grade school... basta ung taga-sapak sa magugulo at palaaway! hehehe...

anyway....kung beadle ka, ikaw ay maaring kabilang sa isa, o maaari ring higit pa, sa mga klase ng estudyante na inilalarawan sa baba (kung me idadagdag pa kayo pakidagdag na lang sa komento):
  • sipsip sa teacher... magprepresenta kang maging beadle para good shot ka sa tchr.
  • OC ka lang talaga, gusto mo organized ung files mo... wala kang tiwala sa mga kaklase mo na magagawa nila ng tama ang mga tungkulin ng isang beadle kung kaya't ikaw na mismo magprepresenta na maging beadle para sure na ok ung kalagayan ng beloved files mo
  • naging beadle ka once, sa di mo na maalalang dahilan, tapos biglang nakasanayan na lang ng mga kaklase mo na ikaw ung beadle kung kaya't parati ka nilang iprepresenta sa bawat class na maging beadle... na hindi mo rin matanggihan (di ko lam kung ala ka lang backbone, tries-to-please-everybody kind of person, o kung adik ka lang talaga)
  • may perks minsan na kakabit ang pagiging beadle (hal: dagdag 1 step higher sa grade, exemptions sa isang exam, gwapo tchr at malalaman mo number niya sakaling praning din siya for the right reasons!)... gusto mo makalamang sa mga kaklase mo!
  • gaya ko, napilitan magbeadle kasi walang gustong magbeadle at mukhang nabuburat na yung tchr... at para di magalit ang tchr sa grupo at pumunta sa impyerno ang grades niyo... magprepresenta ka! FOr The gREATER GOOD.... demmit!

Monday, August 15, 2005

Bilog ang Mundo!

ok kanina pa akong 6pm dumating dito sa bahay pero ang nagagawa ko pa lang ay:

1) maligo... (ayan mabango na ako! di na ako amoy lupa! naglaro po kasi ako ng sopbol! di ako matanda!!! literal na lupa ang sinasabi ko!)

2) magpalaba ng damit... (hehehe nabawas bawasan rin tambak ko dito sa bahay... hehehe at least pag nagtanong si mama msasabi kong: MA, nakapagpalaba na ako! hehehe kala mo kung anong accomplishment eh no!)

3) bumili ng tuna para palaman sa sandwhich ko... (kasi sayang ang binili ni papa na tinapay baka mag-expire na, di ko pa rin nakakain... mahirap ang walang palaman kasi walang lasa... unless mamatay ka na sa gutom... pero since di pa naman un ang sitwasyon ko... hehehe with palaman na muna)

4) magcheck ng mail... (may exercise na naman na sinend ang isang tchr... na malamang di ko gagawin kasi di naman ipinapapass... hehehe)

5) magcheck ng friendster... (hehehe kakatuwa kasi may new msg ako dun na bihirang mangyari)

6) magbasa ng blog ng ibang tao... (tawa na nman akong mag-isa)

7) maglaro ng pc games... (la lang trip lang...)

8) makipag-usap sa YM... (hehehe may nanghihingi sa kin ng YM ng crush niya... wahahaha... kaya lang di ko naman alam... pero ayun in-add din niya sa friendster niya ang mokong kasi friendster ko naman hehehe... sana di mabasa 'to ng people involved... malamang naman hindi... IM SAFE hehehe)

9) mag-msg sa mga kailangan i-msg... (balitaan ang mga taong kelangan balitaan ng kung ano ang aking bagong nadiskubre or whatever...)

10) at syempre gawin ang blog na to... (sayang naman dito na ako net, e di sulat na rin ako di ba?)


note: kakatuwa ung side comments ko PINK color... hehehe yaaaxxx! ayoko ng pink pero kakasawa na ibang kulay eh... kaya subok muna pink...

siyet... kanina pa ako dpat kumain pero takte naman kasi tong files na to! ang gulo! dapat ayusin kaya napatagal ako dito sa harap computer... hehehe bwisit kasi dapat di na ako nagbubukas ng playlist ko para di ako na-O-OC kakaayus ng music files... demmit...

may progress report pa akong dapat atupagin kasi ipapass yun bukas... at since wala pa naman nagagawa ung group namin... hehehehe bola na naman to! o well.. sabi nga sa commercial ng ginebra... BILOG, ang mundo!

Sunday, August 14, 2005

pikchur...

hehehe before i log out for the day... may i just say... makukuha ko na yung 80G HD ko!!!! yehey! binigyan na ako ni papa ng moolah for the HD... hehehehe...

also... meron na rin po akong pic blog... check niyo na lang link sa side bar, kung trip niyo tingnan... kung hindi... EH DI WAG! di kita pinipilit! (abnuy!) hehehe wala lang.. trip ko lang gumawa kahit mga alang kwenta ang pics na andun... okay, not necessarily walang kwenta... pero kahit di ganun ka-super preeety ang pics dun... hehehe wala lang just another way of remembering stuff... ang pics kasi sa file ko ay sobrang kalat kalat... hehe this blog is another way of organizing my pics.. YEHEY!!! hehehehe ayoko na ipost ung ibang lumang-luma na... hehehe... or maybe I will... depends on how bored I am again...

lunes na naman bukas...

syeters... may pasok na nman tom... damn... I can't wait till friday, hehehe no classes na naman, yehey!!! quezon city day kasi...

ok ano bang meron tom? i have to set my alarm later to 7AM so I can wake up by 730AM... hehe.. yeah typical snoozer ako... sandamakmak na snooze muna bago ako talagang bumangon sa kinahihigaan ko... hehehe... sana marinig ko ung snooze!

...830, I have class, sana di ako malate at sana di ko i-cut dahil sobrang late ako...
...930, break muna... malamang kakain kami'ng caf... haay naku! malamang chicken strips na naman kakainin ko.
...1030, pasok ulit... syet baka nga pala may quiz... fine fine... aaral na ako mamaya...
...1130, break ulit... malamang thesis na naman aatupagin ko nito... shets... hehehe oo nga pala kelangan ko kumuha ng bagong resistor ke mang sonny... hehehe nawala ko ung isang kinuha ko sa kanya...
...1230, pasok ke ice, syet me assignment pa dun...
...1330, break til 1530... haay sana walang ibang gagawin para I can catch up on my readings...
...1530, the best part of the day... TRAINING! yehey! hehehe at least dito di ko kelangan mag-isip maxado...
...1800, uwi na kung di magyaya si jel na kumain...

TEKA... babayaran ko pa pala si pia dun sa HD na inorder ko... hehehe YEHEY!!! may 80G na akong HD!!! yehey ulit!!!!
OK pupunta pa pala ako nitong centrepoint!!! demmit... babayad pa ako bills huhuhu!!! pera na naman!!! ano pa ba nakalimutan ko? ok di ko na maalala hehehe.. duh malamang! kaya nga nakalimutan eh.... hehehe

siya! siya! nood muna ako tv... luto ng pagkain ko for dinner after... aral ng kailangan aralin pagkatapos... and den... check fan mail ulit hehehehe... baka kasi me freecut na naman tom, di natin alam... hehehe ASA! newei... siya! siya! later na ulit...

things to do:

1) clean the house
2) throw the trash out
3) study
4) check fan mail (hehehe)
5) read online comics...
6) post on my blogs
7) read my/others' blog


ok... everything looks upside down from here...

Thursday, August 11, 2005

BAKIT ANG SAKIT!!! DATI NAMAN HINDI!!!

bakit ang sakit sakit!!!??!!!

dati pag dumarating siya parang wala lang... andiyan siya pero halos di mo na nga mapansin... mapapansin mo na lang kasi kailangan mo na siyang asikasuhin... dun mo lang mararamdaman ang presensiya niya... o kaya pag nauubo o natatawa ka...

pero ngayon...
malalaman mo na lang na anjan siya kasi sobrang sakit na! hayop sa sakit! alam mo yung mapipilitan ka talagang mapansin siya dahil sa sobrang sakit, kahit ayaw mo siyang pansinin wala kang magagawa kasi nararamdaman mo na ang sakit!

walanghiyang dysmenorrhoea yan! ang sakit sakit!!!!

Tuesday, August 09, 2005

antanga tanga ko!!!!

syet! dapat kasi sinubukan ko muna yung forward biased bago ko tinanong ke sir! pakshet kasi! malay ko bang itatake into consideration na ng bnc ung biasing ng PD! syet! kakahiya!!!

hahaha! tapos habang kinakausap ako ni doc T...

doc T: blah.. blah...
isip isip ko: HUH?
aktuwal na sinabi ko: uhh... ok!
doc T: ah.. that was a question...
ako: it was? ah.... sir what i did was... blah blah blah (kung anu-ano pang kunyari me sense kahit wala naman kung kaya't di ko na talaga maalala)
doc T: ok let's try them again tomorrow, let's see if it'll work this time...
ako: Ok sir! (YES! lusot na naman! may oras pa para magresearch kung ano sinabi niya!)

haay! at least kahit parang tanga ako kanina napagana rin namin ung PD after, thanx to sir G hehehe... newei, AYAN me progress na kaming irereport bukas kina Sir J at Doc T... haay! at least may effort! A for effort dapat grade namin sa dulo!

syet!

Monday, August 08, 2005

sorry i'm busy....

hehehe matagal na ako di nakakablog!... i'm kinda busy eh! hahaha! as if! newei, nakakamiss magsulat ng kahit ano lang! langya ilang araw lang ako nagbakasyon sa blogging wala na akong maisip isulat... o baka ganito lang kaboring ang buhay ko ngayon?! HINDI!!! interesting ang buhay KO!!!! o well subukan ba raw iconvince ang sarili... wala ngang nangyayaring bago except hehehe sa thesis... hehehe kahit papano may ginagawa na ako..

hindi naman sa sinasabi kong me kwenta ang nagawa ko na... pero ang point dito ay.. MAY NAGAWA AKO! YEHEY!!! meaning may nangyayari sa buhay ko! YEHEY ULIT!!! hehehe syet parang ang nerdy-sounding naman ng post na to... siya siya! titigilan ko na at magpapakabusy na naman kunyari ako...

Monday, August 01, 2005

in a concert...

short version to... ung long and detailed version... di ko alam!!!! kinain na ng web monsters!!! kanina ko pa kasi sinusubukan magpost kaya lang sa di ko malamang dahilan, kanina pa rin nawawala yung mga ipinopost ko! grrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!!!!!!

note:

written here are conversations made and overheard by yours truly... im not a concert person pero I went to the said event because only in this type of events am i able to meet up with my HS friends and catch up with the tsismises (hehehehe... tama ba? o plural na nga ba ang tsismis as is?)

intro MUNA:

last friday, after training (xempre naligo muna ako di ba?!), i went to a HALE concert a.k.a. I LISten concert (daw) in UPDil. I went first to Rodick's to meet Jeanz* (my bespren)... kain ako... natapos ako kumain... Dennis** (boypren ni Jeanz) arrived... kain siya.. natapos siya... diretso kami dun sa bahay ng alumni... kaya lang since FASHIONABLY LATE KAMI! last song na lang ng sponge cola naabutan namin... andun pala sa concert yung (i already mentioned sponge cola) MYMP, CAMBIO, and op cors, HALE! saka siyempre other less known (ayoko naman sabihin unknown... parang ang sakit hehehe) college bands that played in between the better known bands...

eto na yung sinasabi kong conversations:

1) MYMP was playing... FYI (in case di niyo alam) JURIS ang pangalan ng vocalist (ung babae)

kid beside me (while holding up his camera - enabled phone to get a picture of the band) hollers: I LOVE YOU JURIS!!!!

the stupid guy in front of him or was it his kuya behind him (they looked like brothers to me) asked: Huh?! JOROSS***?! bakit JOROSS?! andiyan si Joross?! (TANGA! ano gagawin ni JOROSS DUN! maglilinis ng sahig?!)

2) Nakatayo si dennis dun sa likod ng mga taong nakatayo rin na pinakamalapit sa stage to save us some space for when HALE gets on the stage, gets? newei... we were sitting a few steps behind him... umupo muna kami... di pa naman mga sikat ung tumutugtog at sobrang masakit na mga paa namin (hmm... well ako msakit na paa ko.. ewan ko ung mga kasama ko, basta nakaupo rin sila kasama ko). Ganito yung set-up: si dennis (nasa likod ng iba pang taong nakatayo pa rin)-->mga taong di namin kilala na nakaupo sa likod ni dennis --> some space na pdeng lakaran --> KAMI (nakaupo)

text msg from Dennis to jeanz: "BATS! I made utot to the person sitting behind me!"

ipinabasa sa akin ni Jeanz yung msg...

sabay kaming tumingin sa kinaroroonan ni Dennis... ang nakita namin: isang lalaki na nakaupo sa likod ni dennis whose face was directly in front of his [Dennis'] ass! hahaha!!! mukhang nalasing yung lalaki sa utot ni dennis!!! right on!!!

3) Hale was performing... we were moving with the music... dapat sasabay kami sa kanta kaya lang di namin alam lyrics... so move with the music na lang...:D

ako: ang gwapo ni champ! (FYI, again, vocalist ng HALE)
juani****: (di ko maalala verbatim pero the gist was she agreed completely!)
ako: kaya lang mukha siyang matanda...
juani: oo nga eh, pero college pa lang yan...
ako: huh?! talaga? college? anong year?
(di ko alam kung sinagot niya ako... wala akong maalala...)
champ turns....
ako: ay may panot siya sa likod ng ulo...
juani: oo nga eh...
ako: ok lang gwapo pa rin...
juani: (agrees again)

ang point ko lang naman dito ay... kapag nasa concert... WAG PAGUSAPAN ANG FACE VALUE NG VOCALIST! makinig ka sa music! dahil para dun kayo nagbayad!!! (o dun nga ba?!) anyway gaya ng sabi ko.. i'm not a concert person... so WHAT DO I KNOW?! hehehe...
cute talaga ni champ...

footnotes:

*Jeanz - i met her in HS, hehehe magkasama kami parati nun (except yung isang year na di kami nag-usap dahil sa sobrang babaw na rason) to the point na pinagkakamalan na kaming magkapatid (Jeanz wag kang magfeeling mas cute pa rin ako sa yo! hahaha! o baka gaya nga ng sabi mo sa akin ng first year college tayo... maxado lang generic pagmumukha mo hehehe.... labyah!!!) It is universally known that girls go to the powder room a.k.a. BANYO nang magkakasama, we also adhered to that law! Pupunta kaming banyo not only to weewee, to tsismis, to change for PE, to change back to our schl uniforms, but also to brush our teeth! However, when we brush our teeth, we would usually confine ourselves dun sa last cubicle (ung para sa mga lagayan ng panglinis na stuff) to FLOSS after we brush our teeth!!! not to do anything pervy! di naman namin trip i-gross out yung mga kaibigan namin by flossing in front of them di ba?! ayun tuloy napagkamalan kaming TIBO! hahahaha! dumi talaga kasi magisip ng ibang tao! (if im not mistaken ung taong masama yung tingin sa amin after namin makalabas ng banyo ay ang unang nabalitaan namin na napreggy from our schl... o well... no comment na lang)

**Dennis - ang living proof na di kami tibo! (oo isasali ko na sarili ko! wag ka na makialam)kamukha niya yung isang eco tchr namin sa pisay! bwahahaha! idagdag mo pa ang teacher-y get-up a.k.a. uniform niya dati (mukhang pangtchr ung uniform niya, 4th yr siya nun tapos kami 1st yr, linalait pa siya nun ni jeanz na mukha siyang tchr, actually kahit ngayon ipinapaalala pa rin sa kanya minsan yung times na yun [ngayong college lang naging sila ng aking prend]) teacher na teacher talaga!!! (may excuse siya dun sa uniform niya but I forget! WHATEVER DENNIS!!!)... anyway.. ngayon kamukha niya na si THE THING ng Fantastic 4, ung tao!!! hindi naman ung batong THE THING! mainly because of his round head.. hehehe peace dennis!!!

***JOROSS - isang jologs na actor (kung pde nga bang itawag sa kanya ang titulong yun) na idol na idol ng kapatid ko, na hanggang ngayon di ko talaga magets kung bakit! maputi... HINDI GWAPO!... WALANG TALENT!!! (para sa mga fans ni Joross na nagkataong nabasa tong blog ko... WAG KAYONG MAKIALAM DAHIL WALA KAYONG PAKIALAM!!!! mga abnormal!!!!) ewan nabuburat talaga ako sa taong to! ang yabang ng dating!

****JUANI - one of my best friends din nung highschool. the writer and the singer of the group (along with gail). one of the shortest sa group (again, along with gail... hehehe love you friends!!!). the dvd ripper! (that is, until no'ng sinira ng boardmates niya ung PC niya!!!)