Sunday, June 26, 2005

Guess who! :D


huwaaw!!! model with "shining shimmering splendid"-polo!
hint: read previous post... hehehe btw.. obviously hindi siya si christian bale... nor is he katie holmes (in case ur wondering)... hehehe
tantananan... tanan!!!

BATMAN BEGINS

langya... ang gwapo ni Christian Bale...!!! sa lahat ng Batman movies, dito ko lang naisip na sana wala ng mask si Batman... hehehe...

pakshet naman si Katie Holmes 'di convincing... dapat iba na lang... ung convincing naman sana na mag-act as isang astigin na lawyer yung kinuha nila... parang kasi siyang aktres na nawawala sa shooting ng Batman Begins...

di naman ganun ka-super duper extra astig yung batman pero OK siya kung ikukumpara sa mga naunang Batman... I went inside the movie house with no expectations kaya rin siguro nag-mukhang OK... hehehe... pero FUN din siya hehehe... yun nga lang di ako sure kung funny ba talaga dapat yung mga tinawanan ko na scenes... o baka weird lang tlaga sense of humor ko...

anyway plano kung bumili ng dvd nun kasi di ko masyado nagets yung ibang conversation kasi di ko narinig masyado yung sinasabi nung iba sa kakatawa... at yung iba naman sobrang roughed-up kasi yung boses ng ibang characters na tipong nag-grgrowl na lang ata sila kaya di ko naintindihan... at nung isang point me tumawag sa akin... grrrr.... pero no harm done... I enjoyed the movie :D

one more time... and please bear with me... ANG GWAPO NI CHRISTIAN BALE!!!

p.s. nakapanood na AT LAST si LORENZO ng Batman Begins (unlike me, nadisappoint naman siya... hehehe)

Saturday, June 25, 2005

MURPHY'S LAW at ang bagoong...

Buti na lang di sa akin nangyari to... at sana di siya mangyari sa akin anytime soon. Fine, scratch anytime soon, i'd rather hindi siya mangyari at all or kung nangyari naman sana hindi na maulit pa! Pero sa palagay ko naranasan ko na rin naman 'to kahit papano, kaya nga lang sa sobrang gulo ng buhay, at malamang, sa sobrang kapraningan ko siguro ng mangyari yun, ay baka rinepress na ng utak ko yung mga moments na yun... sort of subconciously self-induced selective amnesia.... bwahahaha... kala mo psych major ako eh no? ewan... isa lang naman kinuha kong psych at yun ay GEN PSY pa (PSY 101)... at summer pa yun 4 years ago!!! teka... tagal na nun... feeling ko tuloy tanda ko na... hehehe... yeah I know... subtle lang kahanginan ko no? hehehe... pag nabasa to ng mga kaklase ko I bet *IKAW SUBTLE?!* would be the reaction or something similar if not worse... anyway back to the topic...

hindi ko kwento 'tong irerecall ko, sa kaibigan ko to... tawagin na lang natin siya sa pangalang LORENZO... (hehehehe!)...
alam ng mga NBA fanatics, ng mga taong hindi fanatic pero exposed sa mga fanatics, at ng mga taong updated parati sa news (I fall in the middle category) na kanina yung game 7 ng Spurs-Detroit. Bago magsimula ang laro, supposedly may class kami sa oras ng game 7 mismo, pero si LORENZO kasama ang isa o dalawa pang kaibigan namin ay nagdecide na mag-cut ng class at magsimula ng mag-abang at manood sa isang kainan na may TV somewhere in Katipunan... kaya lang biglang sarado pala yung kainan kasi wala pa daw ung cook... punta sila sa PIZZA HUT pero for some reason di ata pde dun... so inasikaso muna nila yung ibang dapat asikasuhin at bumalik dun sa unang nabanggit na kainan kaya lang... SARADO PA RIN! nang biglang nakatanggap sila ng text mula sa isa pa naming kaklase na may QUIZ daw sa class na dapat i-cu-cut nila... kung tutuusin may iba pa silang pdeng puntahan para mapanood yung game kaya lang since may quiz ay pumasok na lang sila (nAx! responsible students kunyari!)... sa SOBRANG SWERTE NILA!!! hindi natuloy ang QUIZ! bwahahahaha! sa tingin ko 4th quarter na lang ata naabutan nila... yan ang something that went wrong FIRST!

sabi sa akin ni LORENZO, hindi daw siya SPURS or DETROIT, pero mas gusto niya DETROIT... so pagkatapos nilang takbuhin ang dorm galing class namin... ALAM niyo naman siguro kung sino nanalo sa game 7... need I say more?

... kahit papano nagkaron naman siya I THINK ng respite mula sa mga kamalasan niya for a few hours... however, by quarter to 9PM (nalaman ko later na di pa siya kumakain...) I was playing Tantra in a cafe (LORENZO and another friend were with me just minutes before, but they went to another friend's place to decide what to do for what's left of the day) ng biglang nagtext si LORENZO na i-check ko daw ung sched ng BATMAN BEGINS sa gateway... since I was busy playing, I simply checked the time and not the corresponding cinemas since makikita rin naman nila yun when they get there... the times were 8:50PM (obviously, di na pde since quarter to 9 na), 9:30PM(malabo rin kasi travel time pa), and the best choice 10:10PM.
...akala ko tinanong lang sched para sila sila na lang manood, kasi nga naglalaro ako... nang bigla na lang nagyaya manood ng BATMAN BEGINS kasama isa pa naming kaibigan; libre daw kami pamasahe pag sumama kami... SO WHY NOT DI BA?!
....so yun sinundo nila ako sa cafe... Taxi kami papuntang Gateway... pagdating sa Gateway biglang wala kaming barya lahat, so NALAMANGAN PA SIYA ng Taxi driver kasi kulang panukli!

....dumating kami sa gateway mga 9:50PM, since trip rin niyang [LORENZO] panoorin yung trailers nagmadali siyang umakyat para makabili agad ng tickets... habang kami ng isa pa naming kasama ay "walking leisurely"... hehehe... Nang maabutan namin siya sa ticket counter... DUN namin nalaman na sa Cinema 10 yung 10:10PM na LFS... at ang Cinema 10 ay may LA - Z BOY (tama ba?) which means we would have to pay 100% more ( I THINK) than the usual amount... WALA AKONG LUXURY na gumastos ng GANUN para lang sa BATMAN BEGINS!!!... nung start di ko alam kung matutuwa ako o hindi ng malaman namin na 2 seats na lang available... (ngayon natutuwa ako kasi at least di ako gumastos!) at since di kami KUPAL enough na iwan ang isa sa aming tatlo sa labas para lang makapanood ng BATMAN BEGINS... OBVIOUSLY DI KAMI NAKAPANOOD....

....so ayun... let me renumerate yung mga nangyari ke Lorenzo so far...
1)pumasok siya sa class na akala niya may quiz pero di natuloy
2)tumakbo siya at pinagod sarili niya para maabutan ang 4th quarter ng game 7
3)TALO DETROIT
4)nalamangan siya ng Taxi driver
5) again, nagmmadali siyang pumunta sa ticket counter PERO di pa rin siya nakapanood ng Batman Begins
6) habang nangyayari ang 1-5 ay walang laman ang tiyan niya!

... so nagdecide na lang kami na kumain muna... at sa huling pagkakataon kanina... ay minalas siya...
7) akala niya may drinks yung inorder niya, nalaman na lang niya P30 more binayaran niya for the drink
8) sobrang liit ng ulam na ibinigay sa kanya...

...consolation... sabi niya kahit papano masarap naman daw yung bagoong na side dish...

Friday, June 24, 2005

my first blog...

... for blogspot... :D
hehehe... wala lang natuwa naman ako... pde mo kasing kalikutin lahat... wehehehe... problema na lang... kung tama ba ginagawa mo... as for me, I'm planning to learn slowly... but surely... :D PARA SA MGA HTML gurus na nakataas na ang kilay sa ka-ignorantehan ko... 'T*** I*A niyo! pasensiyahan tayo! eh sa ala akong alam eh!
hehehe... the beginning of knowledge is when you acknowledge that you don't know anything di ba? hmmm... i can feel knowledge (and power)^ surging through me... hahaha!!! I WISH!!!
anyway... this is my first blog for this particular blog provider... (nabasa niyo naman siguro TITLE ng post na to di ba?! duh!) hehehehe spent most of my time tinkering those stuffs which can be edited... WTF!!! mag-aalasdos na ng umaga and I still have a HW due later at 8AM! GAHREEEAAT!!!
... nakaka-adik nga pala talaga mag-blog!... sabi nga ng Pringles... "ONCE YOU POP, YOU CAN'T STOP! hehehe!!! siya siya! gagawa na nga ako ng HW...
au revoir!!!

^... KNOWLEDGE is POWER