Monday, December 19, 2005

wait... don't congratulate me muna...

hehehe... about the exam that I supposedly passed... Canon is still asking for my transcript... hehehe... I wasn't able to give them my transcript on the day of the exam because our (ECCE dept) secretary was not in that day... sa kanya ko lang kasi makukuha yung grades ko or sa registrar... tinatamad naman ako kunin sa registrar kasi you have to wait for 3 days before they give it to you... buti na kay Sir Paul ko kunin... hehe parang instant noodles!

so I still have to get my grades from Sir Paul and send it to Canon...

and once they see my grades... hehehe... I think dun na nila ako i-rereject.. bwehehehehe....

o well... you just can't have everything in this life... =)

pero... NATATAWA PA RIN AKO!!! hahahaha! pumasa ako!

speaking of tsamba...

nyahahahahahaha!!!!!

guys remember my post about the canon exam... and how I was sour graping kasi I was really sure how I was going to totally fail it?!

o well, my psychic powers didn't seem to be working all that well... kasi... PUMASA ako.. hahhahahahaahahhahaahha!!!! until now... i'm not exactly sure how I passed it... although, I have a theory...

kasi di ba, the last part had 3-5 point value per question? eh yun ung ginawa-gawa ko lang dahil sa gutom... hahaha dun pa ata ako nakasabit! o well...

grabe ata talaga tsamba ko that day... not only did I do well, I think, in my quiz that day... I also passed the freakin' exam... which I didn't really expect.. AT ALL!!!

hmmm... or maybe it was too much tsamba that it really wasn't tsamba at all... isa lang ang sa tingin ko dapat ko pasalamatan...

SALAMAT sa DIYOS...

what i got for christmas...

hehe christmas party ng sopbol/beysbol last sat night...

sa exchange gift... I gave a spongbob slipper socks... pero mas priceless yung wrapper nun kasi pinaghirapan ko.. with crumpled design pa! inulit ko pa yun! (crumpled design, i.e. i crumpled the shiny paper, then uncrumple it, then voila! crumpled paper design!)

ang nakuha ko naman... guess what! BODY FROSTING... waaaaaawwwww!!!! hahha so now what do i do with it? kutsarain ko na lang... at papakin... hehehehe... syet... i was aiming for the e-heads cd... o well... tsambahan lang...

Thursday, December 15, 2005

lesson for the day...

ang paper... pde i-cram 1 day before deadline... pde pa nga kahit 3 hours before deadline eh...

pero ang report... (lalo na't kung wala kang maxadong alam tungkol sa topic...)


HINDI...

sa labing-anim na taon kong pag-aaral... ngayon ko lang narealize yan...

hehehe... kasusubok ko lang kasi kanina... =D

ok so pumasok ako...

nyahahaha buti na lang pumasok ako!!!

one of a kind yung tsamba ko sa quiz namin! isa lang ata mali ko dun (not including the "essay" part) hehehehe saka siguro naman kahit gano ka-bano yung sagot ko dun sa last part me partial points naman siguro ako...

newei... di na ako nagtrain... nagbasa na lang ako for my report... na hanggang ngayon di ko pa rin gets... gumagawa na ako ng presentation ng report ko pero tinatamad na naman ako kasi nasa part na naman ako na di ko maintindihan... ANYWAAAYYYYYYY.....

about dun naman sa Canon exam... NYAHAHHAHAHAA! yun! YUN ANG KAGAGUHAN! hehehehe.. teka, teka explain ko muna baka may maoffend... ganito kasi yun: yung laman ng exam? parang exam rin sa ibang subjects namin before... when I say before... it means WAY WAY BEFORE... A LONG LONG TIME AGO... in short... sa sobrang tagal... di ko na maaalala... o kaya ay narepress ko na... nyahahha... syets... well... meron din naman ako nasagutan kahit papano... KAHIT PAPANO... siguro pag naka-sampung tama ako dun... sobrang saya ko na... nyahahaha!!! takte... o well.. gaya ng sabi ko di naman ako ganun ka-excited magtrabaho para sa Canon... (hehe kasi nga alam ko di ako matatanggap...)...

ANYWAAAYYY ulit... hehe sabi nga nila PAST is PAST.. wag na natin buklatin ang alam kong nakakahiya kong mga sagot dun... nyahaha... ang magandang napala ko lang dun sa exam... may libreng tsibog! haaaaay.. hehe sa sobrang gutom ko na.. yung dulong part ng exam... last 10 qstns ata na 3 or 5 pts each... ginawa gawa ko na lang... hehhe.. buti na lang multiple choice... pde pa gumana yung tsamba factor... kung di yun multiple choice.. naku! wala silang maasahan sa akin... hehehehe... saka... HELLO?! kung gusto niyo kasi sagutan ko yung exam ng matino... wag niyo naman sana ilatag yung pagkain sa harap ko habang nag-eexam ako... wala na, di na nakapagisip ang utak ko ng maka-amoy ng fries... hehe 715PM ba naman at wala pa akong kain... tapos may fries na humahalimuyak sa harap ko... kung di ka ba naman magmadali sa exam...

o well... yun ang naging araw ko kahapon... at ngayon.. eto nagpapanic para sa report... ay di pa pala.. pero mamaya alam ko... siguro... pero sana hindi... magpapanic ako...

Wednesday, December 14, 2005

papasok ba ako ngayon o hindi?

kanina ko pa iniisip ang sagot jan... kaya lang mukhang kelangan ko pumasok... dahil...

una... me quiz kami sa isa kong class... PERO... quiz lang naman kasi yun kaya di maxadong crucial ang effect kung di ko kunin...

pangalawa... me training ako... hanggang 430 rin lang ako pde dahil sa 3rd reason ko.. (see below)... so medyo ala rin ako mapapala kong magtratrain ako ng ganun kabilis.. lalo pa at kalimitan sa mga tao ay late...

pangatlo... kukuha kami ng exam sa Canon... speaking of which... di ko pa napriprint yung resume ko... importante ba yun o hindi... di ko rin alam... di naman ako excited magtrabaho para sa Canon... alam ko big company siya... pero ewan ko ba... parang di ako meant dun... hehehe (waw! manghuhula kuno ako!) ewan... bat di ako naeexcite... hehe siguro nakikinikinita ko na na di ako matatanggap dun dahil sa aking transcript of records na kahiya-hiya.. wehehehe...


ayoko naman pumasok kasi... d pa ako tapos paghandaan ang report ko bukas... kaya dapat mag-aral na lang ako instead na pumasok for the 3 reasons above...

well... hirap talaga crammer... daming pinagdedesisyunan... haaaaaay...

ayoko muna magdecide... mamaya na lang... balita ko na lang kung papasok ako o hindi...

Tuesday, December 13, 2005

quote5

There is a computer disease that anybody who works with computers knows about. It's a very serious disease and it interferes completely with the work. The trouble with computers is that you 'play' with them!
-Richard Feynman

I completely AGREE!!!.. langyang games yan!!!! pahamak....

FYI... if i'm not mistaken... Feynman Seminar (a.k.a. Undergrad Physics' Thesis class) in the Ateneo was named after Richard Feynman's seminars... la lang... fyi lang...

procrastination... uso na naman...

ok nagsisismula na naman maramdaman ang school load...

nagsisimula na naman ang aking pagkacrammer...

nagsisimula na naman ang pag-uso ng procrastination...

syeeeeeeeeettttttt!!! report ko na sa thur.. di pa rin ako sure sa magiging topic ko!!!! dapat nagbabasa na ako pero... hmmm.. well.. ala pa ako sa mood.. hehehe...

ewan bat ganun.. pag di ko talaga trip pa magbasa... wala pumapasok sa kukote ko... (nagiging in the mood lang ako pag KELANGAN NA TALAGA at no room for procrastination na... in short pag cramming mode na...)

yep guys... thur na ang report ko... tuesday na ngayon... di pa to cramming time.. bukas ng gabi ang cram time... syets... but dont you worry.. di naman ako ganun ka... lapastangan? tama ba? ewan... newei di ako ganun kagagu para bukas na talaga maghanda... o... pde rin.. kelangan may script na ako before I sleep... '

siya siya.. umaandar na naman pagkanerbiyosa ko... makapag-aral na nga... natatakot na tuloy ako sa pinagsususulat ko... syet thur na pala yun.. at wed na pala bukas.. sige sige aral na ako... vavoosh!!!!!

Friday, December 09, 2005

MY YAHOO ACCOUNT WAS HACKED... !@#$%^&*

As of now, I am not using the email:
budlot22@yahoo.com.hk
If you need to contact me, you can do so by using this email address: nkbpalabrica22@yahoo.com


FOR the other members of my yahoogroups:
Please tell the moderators and/or the owners to add my yahoo account to the group.

P.S YM ko pala.. di ko na rin ma-access, so ung nkbpalabrica22 na rin gamit ko... pa-add na lang
ako...

SALAMAT

PS ulit: MAMATAY SANA NAGHACK NUN! MADUROG KA SANA... MASAGASAAN KA SANA NG PISON AT MAGSILABASAN UTAK MO SAKA IHI-AN ANG REMAINS MO NG ASO....


----> ito yung template na sinend ko sa networks ko... siyempre medyo mellow naman at respectful ung sinend ko gamit yung other emails ko... baka kasi may teacher na kasama.. may hiya pa naman ako kahit papano...

pero takte talaga!!! sobrang nakakagalit... ayoko na magmura... sawa na ako sa kakamura... gusto ko sana magbagong buhay kasi alam ko hindi maganda pakinggan yung taong mura ng mura.. pero takte naman... bakit nangyayari tong mga bagay na to... ang hirap talaga kontrolin ang sarili pag ganito nangyayari.. buti na lang sulat to.. pde mo maexpress yung mura in terms of special characters gaya nung nasa title ng post na to...

eh pano na kapag nagsasalita na ako? ang hirap naman siguro banggitin ung bawat character na yun di ba? saka para naman akong abnuy nun... pero ang sarap talaga magmura... kaya lang.. the thing is.. di ko rin naman kung sino nag-hack o kung ano man dun sa account ko... so wala rin akong mamumura ng malutong sabay sampal at tadyak sa parte ng katawan niya na alam kong mapapaluhod siya sa sakit...

grrrrrrrrrrrr.... di ko man lang maexpress ng matino yung galit ko.. wala akong mapagbuntunan ng galit.. takte... alanganaman magwala ako dito sa bahay.. sino fan ko? kapitbahay namin? ano gagawin ko? guguluhin ko mga gamit ko? ano ako sira?! ako rin naman mag-aayos nun so wag na lang.. takte.. ang sarap mangalmot, mangagat, mangsuntok, mangsampal, mangtadyak, at kung anu-ano pa... nakakabwisit talaga.... takte ang dami pa naman laman ng acct ko na yun... from start pa ng college... TAKTE TALAGA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! di ko lam kung mura ba talaga ang takte pero siya na yung pinakamellow na word na alam ko na parang mura na parang hindi mura...

ewan... nakakabwisit...

nakakasira ng araw...

Tuesday, December 06, 2005

nakakabwisit ang mga taong makikitid ang UTAK!

nagtanong ako kanina sa reporter sa isang class kasi may gusto akong malaman...

then.. later... narealize ko participation pala ung ginawa ko... eh alam kong ni-nonotedown ng teacher namin kung nagpaparticipate kami sa class so natuwa ako at sinabi ko sa isa kong kaklase: Yey! may participation na ako...

biglang reply niya sa akin: NAGYAYABANG KA LANG KANINA...

putris! anong klaseng pagiisip ba yun?!

i dont need to take that crap from anyone.. so lumayo na lang ako... sabi ko na lang: HUH?!

isip isip ko lang.... putang ina mo! kung di ka nakikinig at ayaw mo magrecite wag mo ko idamay sa kakitiran ng utak mo.... fine fine.. alam ko kasalanan ko rin naman bakit kelangan ko pa banggitin sa KANYA specifically yun... pero bawal ba magshare ng katuwaan?!?!... kung di niya trip.. malunod siya sa inggit! madurog sana utak niya!

alam ko di ko na dapat iniisip ung mga ganyang komento.. pero nakakabwisit talaga! ewan!

alam ko mayabang ako minsan.. minsan nang-gagagu lang ako minsan di ko lam na nagyayabang na talaga ako... pero ung kanina... putek! yun ang silbi ng reporter! ang tanungin siya tungkol sa kung ano ang rinereport niya!... hindi ako tulad ng iba na magtatanong kahit alam na ung sagot... kung ganung tingin ng taong yun sa bawat nagtatanong... MAMATAY SIYA SANA SIYA SA KAIISIP NA LAHAT NG TAO MARAMING ALAM KESA SA KANYA!

Sunday, November 27, 2005

BELATED HAPPY BDAY TO ME!

hmmm... haay... its been so long...

ano ba bago sa akin .. besides sa... PUMASA AKO!!!! YEHEY!!!!!!!!!!!!!!! WALA AKONG BAGSAK LAST SEM!!!!!

hahahaha.. parang late rxn maxado hehe.. ngayon ko lang kasi nasabi dito... hehe maxado kasi ako naaliw lately maglaro ng tantra.. di ako nakakapagblog na...

sana GRUMADUATE AKO!!! YEAH! one last sem na lang!!!!!

ay oo nga pala... IM @! years old na!!! (hanapin niyo na lang sa keyboard kung asan ung nums na yun ^________^) di ko trip isulat hehe... im shy...

belated happy bday to me!!!!

nyehehe...
siya ito na nga muna...

Wednesday, November 02, 2005

quote 4...

I hate mankind, for I think myself one of the best of them, and I know how bad I am.
-James Boswell

simpleng yabang no? pero OK sabihin... hehe... stiggggggggg!!!

Tuesday, November 01, 2005

my life for the past week

wehehe... ang tamad ko talaga!!!!! forever!!!! haha! i had grand plans for this break pa naman... I was supposed to clean up my place... arrange my computer files... go to subic... learn how to drive... and live like a baboy... wehehehe...

kaya lang wala akong nagawa ni isa sa mga plano ko! ay meron pala!!! hehe live like a baboy pero not the way I wanted... when I said live like a baboy, i meant, eat sleep gising eat sleep gising etc... kaya lang nangyari yung "live like a baboy" ko ay naging: tumira sa super duper duming place...

hehe kasi nga nagkasakit ako di ba (wahaha excuses!!!) eh yun di pa ako nakakapaglinis ng bahay... at siyempre nakakatamad bumangon sa higaan... tapos... ok wala na akong maisip na acceptable na excuse... TAMAD talaga ako kaya di ako nakapaglinis... ayan nasabi ko na.. di pa rin ako nakakapagpalaba kaya 2 malaking tambak na ung labada ko...

di naman ako makapunta ng subic dahil sa putris na thesis na yan... ayoko na magthesis!!!!.... sawa na ako sa thesis ko!!!! di ko na xa gusto! ewan... nakakawalang gana talaga... yung dati ko naman na thesis di naman ako nawalan ng gana maxado... ewan di ko lang trip ung natirang adviser namin sarcastic kasi... di nakakaengganyo gumawa... buti pa yung umalis na adviser namin nag-eencourage ng maigi tapos tinutulungan pa kami with instruments na wala kami...

yung natira namin na isa pang adviser.. tinutulungan naman niya kami pero ang sarcastic niya nakakaasar.. porke't di niya kami nakikita nagtratrabaho ina-assume niya na wala kaming ginagawa nakaktamad tuloy mag-update sa kanya... basta nakaka-asar!!!

alam ko tamad talaga ako maglinis ng bahay pero di naman ako tamad gumawa sa thesis ever no!... naapektuhan lang ako ng katamaran sa thesis kapag wala kang tulong na nakukuha sa taong tumutulong supposedly sa yo...

ewan kasi pag jinudge kasi ako ng tao na ganun ako... ung tendency ko kasi is not to prove him/her wrong.. nangyayari mas umiinit ulo ko tapos ipapakita ko na ganun nga ako according sa kung ano iniisip niya sa akin kahit in reality hindi ako ganun... ipapakita ko sa kanya na ako nga yung kind of person na iniisip niya pag andun siya pero pag wala na siya.. back to being me again... basta nakakabwisit!! halimbawa kahit gumagawa naman talaga ako... iniisip na ng nakakaasar na adviser namin na hindi ako gumagawa kasi sa tuwing pumupunta siya dun sa workplace namin wala ako (iba kasi yung sched namin)... kaya tuloy pag nagmmtg kami akala niya ako pinakatamad sa group eh hindi naman... (my thesis mates can testify to that) pero since iniisip niya na tamad ako.. di na ako naguupdate... tumatahimik na lang ako, ung kasama ko na lang pinapasabi ko sa kung ano man ginawa ko... nakakabwisit kasi siya kausapin...

pero di naman super nakakaasar... nakakataas lang ng kilay pag nagsimula na siyang maging sarcastic.. tapos parang ang sarap sigawan.. IKAW KAYA GUMAWA!!! grrr.....

haay naku... sa ngayon nabwibwisit pa ako sa tchr na to dahil sa nangyari sa defense namin... siguro lilipas din tong pagkabwisit ko sa kanya kelangan ko lang i-clear ung utak ko with the nakakabwisit expressions of his... pero kahit nakakabwisit siya... matalino naman siya... tapos minsan din mabait.. minsan...

teka nadistract ako... anyway.... wala na ako sakit masyado.. sipon at ubo na lang wala na rin lagnat yehey!... saka since 400% exp ngayon sa tantra... from lvl 45 ata sa start ng October (naglaro lang ulit ako ngayong sembreak and a little bit during the times na di pa kami busy, di pa October un...) nakalvl 60 na si Niobe22 yehey!!!!!!!

hehe sana before matapos sembreak umabot ako lvl 65 wehehe.. asa pa ako sa lvl 70... newei ulit...

bukas meet kami ni Luigi Cinco para sa thesis... haay sana maayos na yung di namin mapagana... then sa hapon... training... yey! sana kayanin pa ng katawan ko... wehehe... patay baka di ako makasama sa team outing.. no moolah ako this break eh saka no damit wehehe... sabi na kasi magpalaba eh... kulit kasi... siya siya... matutulog ako ng maaga ngayon maaga pa ako bukas... hehe... 9 kami meet Luigi... so ibig sabihin... 730-8 gising na ako... sana marinig ko alarm...

Saturday, October 22, 2005

sembreak na ba talaga?

sembreak ko na officially...

AT LAST...

officially? you may ask... kasi ganito un... last mon pa talaga pa yung start ng sembreak ng ateneo pero... kanina lang ako....
  • di na nagmamadali papuntang school...
  • saka wala na ung feeling ng dread na may nakalimutan akong req't kasi natapos na at last yung last req't namin kagabi... rather... di namin natapos so ipinass na rin namin... consequence? baka may bagsak ako this sem...
pero kahit sembreak na... di pa rin ako makapagcelebrate ng lubusan kasi...
  • una, dahil nga sa pinangangambahan kong bagsak ko...
  • pangalawa, masakit lalamunan ko... yung parang may tonsillitis ako pero hindi naman talaga... yung parang kinamot yung tonsil ko ng tinidor o kaya ng mahahabang kuko... yung tipong maya't maya gusto mong uminom ng mainit na tubig para ma-wash away yung plemang ramdam mong nakakapit dun sa tonsil mo... yung tipong takot kang kumain o uminom ng malamig at/o matamis na pagkain o inumin dahil masakit pagkalulon mo nun... un...
  • pangatlo, may sipon ako... (nauna lang yung sa tonsil ko...) mahapdi na ilong ko sa kakasinga... feeling ko basag basag na yung eardrums ko sa kakasinga... at kaya ako sumisinga ng madalas kasi feeling ko kahit nakasinga na ako ng maigi ay meron pa ring natirang uhog dun sa loob ng ilong ko... basta yung feeling mo lang na meron pa...
  • pang-apat, lalong masakit yung lalamunan ko dahil sa kasama pa nitong ubo... di naman siya ganun kalala.. saka di naman ako madalas umubo pero pag umubo ako yung tipong lalabas na yung baga ko... kaya tuloy.. amoy plema ang hininga ko... yuuuuuuuccccccccckkkkkkk grossssssss
  • last but not the least, dahil sa mga sakit ko na to di ako makaalis ng bahay para makasauli ng vcds na rinent ko o kaya makarent ulit ng bago o kaya naman ay makapaglaro ng... hehehehe... tantra... (lunes pa naman training sana magaling na ako by then kaya di ko muna irenireklamo un...)... ayoko naman kasi isubject ang mga tao around me sa sipon at ubo ko no... ayoko naman mangdamay ng ibang tao sa sakit ko... saka sobrang nanghihina yung mga kalamnan ko... feeling ko konting tulak lang sa akin matutumba na ako... nanghihina yung joints ko grabe... ang kaya ko lang gawin ngayon ay ayusin ang hinihigaan ko, magnet, maligo (takte kahit nga maligo nanginginig ako.. hindi dahil sa lamig pero parang ang laki kasi ng kailangan na effort para makapaglinis ako ng katawan ng matino...), saka maginit ng tubig na iinumin ko... haay ayoko na mag-attempt magluto baka kung ano pa mangyari... BUTI na lang me pera pa ako dito... kaya padeliver na lang ako...
sana makasimba ako bukas pero parang malabo... nanghihina talaga ako... ayoko naman pumuntang simbahan at umubo lang ng umubo at suminga ng suminga... makakaistorbo lang ako...

(patalastas lang.. nanonood ako or rather Jack and Bobby yung palabas ngayon dito sa likod ko, Studio 23, hehehe ang gwapo ni Jack.. di ko kilala kung sinong artista yun... basta gwapo.. kaya lang too maputi for my taste... pero gwapo...)

ok kakasinga ko lang at narealize ko paubos na ang tissue ko dito sa bahay... kelangan ko talagang lumabas tom or tubig tubig na lang wehehee...

siya pahinga na muna ulit ako... sana by tom or mon ok na ako para naman maappreciate ko tong sembreak na to kahit di ako makapag out of town or makauwi sa amin...

ayan dumating na rin yung order ko.. kain muna ako...

Thursday, October 20, 2005

sembreak.. but not quite...

gaya nga ng sabi ng kaklase ko... habang yung ibang students nag-bobora na, o kaya naman nasa sarili na nilang mga probinsya o kaya naman ay nagplaplano na mag-out of town... kami naman... andito pa rin sa lab... well sa ngayon ako lang andito sa lab kasama ang ibang 5th yr na di ko kaklase... yung mga kaklase ko kasi umuwi muna at naligo... dun kasi kami sa bahay natulog kagabi at biglaan lang yun so wala silang mga dalang damit papunta sa amin... hehehe ako lang ang fresh na umalis ng bahay...

newei... ayun nanood lang kami ng D'anothers kagabi... para naman makapag-unwind kahit papano... 3 araw na kaming sunod sunod na andito lang sa Faura lab.. well at least di na kami natutulog dito di ba.. pero naku naman.. mga 10AM-12NN ata kami pumapasok dito sa lab tapos aalis kami mga 10Pm na.. kasi pinapalayas na kami ng guard.. wala na kasi yung teacher naming kaklase.. di na kami pde mag-overnight ng basta basta... buti pa sa MO(manila observatory) ok lang kahit wala kaming faculty na kasama... well para naman kasi sa thesis yun... at ito namang ginagawa namin ngayon ay final project lang sa verilog... ang subject kung san ako IN GRAVE DANGER... buti nga magagaling kagrupo ko.. langya wala akong alam sa project namin... ok meron pero sobrang insignificant... general description lang ang alam ko...

buti na lang mababait tong mga kagrupo ko... langya actually kahit bagsak yung grade nila sa final project B or B+ pa ata grade nila... 2 na lang kami ng isa ko pang kaklase ang nangangailangan ata ng at least 60 sa final project para pumasa sa buong subject...

since nagkatopak topak yung hardware na ginagamit namin para maiplement yung project ayun at natigil kami sa paggawa kahapon... pero ganun pa man gabi pa rin kami nakauwi kasi sinubukan KUNO namin ayusin yung FPGA... takte 100,000 pesoses pala ang halaga ng bawat isa nun tapos nasisiraa lang namin.. syets... pero hindi naman namin sinasadya at hindi naman dahil sa katangahan... ang naiisip lang namin na dahilan kung bakit biglang umiinit na lang yung mga yun ay ayaw na rin nila na magprogram kami... or rather si pancho... wehehe... siya lang naman actually yung gumagawa ng entire program... konting tulong sa pin assignments saka sa wiring lang ang naitulong ko talaga dun... when I say konti... I mean KONTI...

ayun nagpadala kami ng working code kagabi kay sir... kaya lang kelangan niya pa i-rate yun... kung pasado na kami sa grade na ibibigay niya.. tapos na kalbaryo namin.. kung hindi pa rin.... ayoko nang isipin... sana naman pumasa ako....

kaya eto ako ngayon nagaantay ng email ni sir... habang yung iba naglalaro na... (gusto ko na rin magtrain!!!!!! pero takte.. hangga't hindi to naaayos feeling ko wla akong karapatang magpakasaya)....

SANA pumasa ako...

kaliwang pinky ko? nabebend na siya pero hindi pa rin siya as sexy ng kanang pinky ko... tabatchoy pa rin pero di na kasing lala ng dati.... sana MAKAPAGSEMBREAK NA AKO!!!!


Thursday, October 13, 2005

SEM BREAK HERE I COME!!!!

hehehe... sarap sabihin ng phrase na yan... kaya lang before that... sangkatutak pa ang kailangan kong gawin....

  • una... defense namin sa ce180 bukas... yung pinagdedelikaduhan ko na subject... sana makasagot ako ng matino...
  • pangalawa... another defense... bukas rin... ce160 naman... sana OK bukas... hehehehe ibinubugaw na nga namin si Jeleen sa teacher namin.. wehehehhe may pagka-ano kasi yun...you knowwwwww.... hehe sabi nga namin magsuot siya ng tube saka miniskirt para di kami maxadong karnehen sa defense... hehehe syet hindi pa gaanong modular ang aming project kasi pare-pareho kaming di marunong gumawa ng header files... saka yung html files namin meron mga capital letters yung ibang files... eh maarte pa naman yung dakilang tchr na yun at ayaw pala ng may capital letters yung filename gusto small lahat... kaba kaba kaba kaba!!!!
  • pangatlo... proposal defense namin sa lunes.... di ko pa rin gets gaano yung thesis namin!!!! sobrang big picture lang ang medyo gets ko... yung details... AKO AY LOST...
  • last but not the least... sa wednesday due yung final project namin sa verilog.... kung saan nakasalalay ang aking final grade sa subject na yun!!!! kelangan ko kahit 64 dun para maka-D sa subject!!! sana sana sana!!!!! kahit D OK LANG!!! wag lang talaga F...
sembreak!!! bilisan mo na!!! ay.. wag pala... slowly lang para matapos namin ng matino yung projects at defense namin.. wehehe.....

naku sana this sem ends right... in fairnessssss nakakapagblog na naman ako...

Tuesday, October 11, 2005

pinky update pa pala ulit...

di ko lam bakit.. pero hanggang ngayon... MATABA pa rin yung kaliwang pinky ko... matagal na ako na-injure.. sobrang isang week na pero di pa rin siya bumabalik sa dati... pag ikinukumpara ko yung kanan kong pinky dito sa kaliwa parang ang seksi seksi ng kanan... hehe yung kaliwa naman ang tabatchoy... parang namamaga pa rin siya.. pero naigagalaw ko na naman siya kahit papano... naibebend ko na siya pero hindi pa fully.. takte.. nanginginig pa rin siya kapag ina-attempt ko na ibend siya na nakatouch na sa palm ko... haay ang hirap tuloy magshampoo...

grabe kahit pinky lang ang injured sa akin medyo apektado pa rin ako kahit papano... isipin niyo na lang yung walang kamay di ba? haay count your blessings talaga.... at least kahit hirap ako magshampoo... nakakapagshampoo pa rin ako di ba? at may shinashampoo pa ako... at may pambili pa ako ng shampoo! ayan napadrama pa tuloy ako.. siya! mag-aaral na talaga ako.. totoo na to.. di na ako magnenet sa bahay... temptation lang kasi ng internet para hindi mag-aral eh... ehhehe... para sa mga tulad kong madaling matempt.... wehehe... ^_____^

ang gulo...

... ng utak ko... ng buhay ko...

grabe ngayon lang ulit ako naka-update... kahit gusto ko magblog for procrastination purposes talagang di pde... kung nakaharap man ako sa PC na may net.. sobrang search for sources lang ang nagagawa ko, upload ng files to be submitted sa mga adik na tchrs at magcheck ng mail for updates of grade and other assignments from the said tchrs... syete... hehehe ay nakakapagcheck pala ako ng friendster kahit papano at nakakareply rin naman ako sa mga emails... pero hanggang dun lang yung extent ng procrastination ko ngayon... grabe!!!!

pero nakastart lang ata ako magreply sa mails kahapon o kahapon ng hapon, prior to that sobrang pag nagchecheck ako ng mail ko... okay... scan for mails from blockmates and teachers... open the mails then scan yung mails nila kung me mahalagang announcement.. minsan nga di ko na binabasa kasi sinasabi rin naman ng mga kaklaseng kasama ko pag may bagong announcement...

... kahapon ng mga 12 hanggang kaninang mga alas dos rin ng hapon... sobrang di ako mapakali sa sobrang kaba... syete delikado kasi ako sa isang subject... as in delikado! masaya na ako pag naka-D ako sa subject na yun... bakit kasi ang bano ko sa programming... takte... dapat kasi kakausapin ko yung tchr ko kahapon para tingnan kung kelangan ko pa i-coerce yung mga kaklase ko na mag3rd long test kami this friday or thursday o kung papayag siya na ako na lang maglongtest... nakausap ko siya sa phone kaya lang policy raw niya kasi.. optional yung last long test pero the catch is... everyone will take the test or walang kukuha ng test... eh dahil nga sa nakakapanggilalas (hehehe wala lang trip ko lang gamitin yung word) kong standing... kelangan kong magtake ng long test.. yung mga kaklase ko.. ok naman sa kanila na magtake pa ng long test kahit ok na standing nila at may risk sa kanila (bait nila no?) kaya lang yun nga nahihiya naman ako na pilitin sila magtest kasi nga ang dami dami naming gagawin this week... sobrang wala na talagang time para mag-aral for another test.... so sabi ko sa teacher namin kung wala na ba talagang ibang paraan na di na madadamay yung iba kong kaklase... sabi niya kausapin raw niya ako at pupunta siya ng school at 6PM... kaya ako naman sobrang kaba na sa confrontation kasi di ko alam kung ano pa masasabi ko sa kanya kasi feeling ko nasabi ko na ata lahat ng kelangan ko sabihin sa kanya dun sa phone conversation namin... pero kelangan ko pa rin siya iconvince na kelangan ko maglong test na hindi na damay mga kaklase ko... kaya lang ng mga 6 na... ayun nag-aabang na ako sa labas ng office niya para naman pag dumating siya nakikita niyang inantay ko talaga siya at may paki-alam ako sa grade ko kahit papano... kaya lang... langya 630 na wala pa rin siya.. sobrang yung puso ko tatalon na mula sa dibdib ko sa sobrang kaba... tapos wala pa rin siya... so tumawag ako sa office nila... biglang sabi... sorry daw kasi may di siya natapos na gagawin so sabi niya bukas na lang raw after lunch... (meaning kanina after lunch..).. so ako.. ok lang at least napostpone muna yung kaba ko kahapon para sa ngayong araw na to...

so yung araw ko kahapon after nun medyo ok lang wala naman masyadong happening besides sa napagsarhan kami ng guard ng mga 10pm dun sa ctc at di kami nakapagsynthesize ng project namin... kaasar nga eh.. pero ok lang at least ginagawa nung guard yung trabaho niya di ba?

so pag-uwi namin sa bahay.... kasama ko si Jeleen, kaklase ko, sa bahay kasi dapat gagawa kami ng documentation ng isang project namin... kaya lang sa sobrang pagod dahil sa panic at stress kahapon... natulog na lang kaming dalawa... (nung Saturday hanggang Monday ng umaga pala nasa condo unit kami ng mga kaklase namin kasi gumagawa rin kami ng documentation ng isa pa naming project para sa isa pang subject... umuwi lang ako ng Sunday para kumuha ng damit para sa MOnday... na kahapon pala... hanggang ngayon nalilito pa ri ako sa mga araw... akala ko wednesday na ngayon.. tuesday pa lang pala....)

anyway... ayun kaninang mga noon naman inaabangan ko ulit yung tchr ko sa labas ng office niya dito sa faura.. mula 1230 hanggang 130 ng hapon palabas labas ako dito sa lab para icheck kung dumating na siya.. langya 130 wala pa rin siya so tinawagan ko siya ulit... ayun may ginagawa pala siya so pinapunta na lang ako sa XanLand (hehehe kanina ko lang nalaman na ganun pala spelling niya... kala ko SUNLAN hehehe di ko kasi binabasa yung label ng lugar...kahit na araw araw ko siyang dinadaanan since nasa harap lang naman siya ng ateneo.. hehe ang abnuy ko talaga minsan...)... hehehe sinamahan ako ni Jeleen, siya kasi yung beadle namin sa class na yun... para makausap niya na rin si Sir kung me exam ba talaga kami O wala... ayun nakausap ko naman siya ng matino... naku buti na lang mabait yun kahit papano... basta sabi ni sir tiningnan naman daw niya yung standing ko... di ko naman raw kelangan magtake ng 3rd long test(at ng mga kaklase ko na willing magtake ng long test, kahit ayaw na nila, para lang matulungan ako...) as long as Ok yung project namin... grabe... nawala rin kaba ko kahit papano.. so yun.... ayusin na lang namin project namin.. kahit ma-D pa ako sa final standing OK LANG! di na ako takot sa D noh! na-immune na ako dun... basta wag lang F sayang sa pera... ayoko na kumuha pa ulit ng elective next sem... gastos lang sa pera at panahon...

ngayon.. dapat nag-aaral na ako para sa final exam ko bukas sa Communication Systems ko na subject pero hehehe nagpost muna ako ng blog ... newei... grabe kung kelan may final exams kami.. saka naman kami naglaro ng baraha... ayun at least nakapag-unwind naman kami ng konti kahit papano.. at least mamayang gabi pag umuwi ulit kami ni Jel sa bahay mag-aaral na lang kami.. tapos na kami mag-unwind... weheheh... siya siya... aral na ako... nakakatamad na magkwento... wala na akong maikwento... hehehe... actually marami pa akong ikwekwento kaya lang ang dami daming nangyari at alam kong marami pang magyayari... di ko lam kung ano ang uunahin kong ikwento... wehehe... siya aral na ulit ako...KUNO.... ^____^

Sunday, October 02, 2005

pinky update...

yey! nabebend ko na yung kaliwang pinky ko!

problem is... di ko naman siya ma-straighten.... hehehe

kahapon mukha talagang sausage yung pinky ko... para siyang isang longganisa na tumubo sa kaliwang kamay ko... kakaasar... masakit na nga di ko pa maigalaw... kung ngayon naibebend ko na at di ma-straighten, kahapon naman straight lang siya at di ko mabend.. ganun kalaki yung swelling... at least ngayon medyo lumiit na siya konti... saka slight discoloration...

sobrang kakaiba talaga siya... pero at least medyo mas nagmukhang daliri na siya ngayon kesa kahapon... kahapon talaga, my pinky was sticking out like a sore "PINKY" wehehe (naks, i was trying to play with words lang naman)...

hehehe... saka at least ngayon di na siya nakaangat forever... kalebel na niya yung iba ko pang daliri...

haay buhay... sana bukas OK na siya ng tuluyan... lunes na kasi at may training.. mahirap naman magtrain na namamaga yung daliri mo di ba? at kaliwang kamay pa yung ipapasok sa mitt.. syet naiimajin ko lang ang sakit, nakakawee wee na...

siya wee wee muna ako...

Saturday, October 01, 2005

mali!

scratch what I said last post... I am having fun... hindi nga lang all the time...

pero im having fun most of the time... hehehe except yung times na minumura ko yung mga hinayupak kong tchrs...

newei.. hehe nakipaglaro kami kanina with PUP... hehe talo kami pero ok lang masaya...

newei ulit... ang hindi masaya... nasapul yung kaliwang pinky ko! syete... ang SAKIT!!!!! with capital SAKIT! nung tinamaan siya hindi gaanong masakit... naramdaman ko lang kung gaano ksakit nung sinusubok ko isara yung glove ko... takte nawalan ako ng grip!!!! as in! sinubukan ko isara yung kaliwang kamao ko pero nanginginig siya na parang ewan! ito pa... tinamaan siya nung unang inning... ng unang bola na dumiretso sa akin... langya namali yung pagkuha ko ng bola... at ito pa ang masakit di ko pa nakuha yung bola! gahreat di ba?! at ito pa ang mas masakit... di ako nakapagpasub kasi wala kaming extra players.. saktong siyam lang kami nung start...

kaya andun ako sa field... nanginginig ang kaliwang kamay (na may hawak ng glove!)... buti nga nakapalo pa ako eh... syete talaga... wala akong grip.. di ko lam pano ako nakapalo... hehehe mind over matter na lang siguro yun...

kaya ito... hirap ako sa pagtype... yun index finger lang (sa kaliwang kamay ko) nakakapindot ng keys dito sa laptop.. kasi kapag nagagalaw yung ibang finger... nahihila at/o nagagalaw rin yung pinky ko... at... MASAKIT SIYA!!! kaya ambagal ko medyo...

newei.. OK LANG.. MASAYA PA RIn...

another extra news... hehehe naka-2nd job na yung main char ko sa tantra! yehey!!! SATYA ako.. defensive na pdeng kalahating pang-OFFENSE... hehehhe astig!!! yun lang... saka

MASAKIT DALIRI KO!!! takte... sabi ko nga... para akong sosyalerang ewan na nakaangat parati ang pinky.. putris...

Thursday, September 29, 2005

soggy brain...

... that's the condition of my gray matter right now...

... it is so overused, i don't think it has any essence left...

ARAY! OUCH! pakingshet!!! masakit na utak ko kakaisip!!! (o nagrhyme!)

for the day:
one more exam, one more project... then... another set of projects and exam to look forward to... then... SEM BREAK!!! yeah!!!

I hope time flies even if i'm not having fun...

Monday, September 26, 2005

back to school.. back to hell...

the weekend is gone...

the new week is here...

back to our torMENTORs...

back to learning and unlearning...

back with classmates, blockmates, and teammates...

pressure (not FORCE over AREA, btw...), again, is pushing our minds to the edge of insanity...

frustration builds up...

longing for the near-yet-so-far 2 weeks ahead...

singing... "wake me up when the semester ends..."

messes up own mind by panicking with or without reason a few hours before the deadline of a requirement...

calms down... after each requirement is met... (back to statement above... the cycle goes on...)

dragging the names of useless/inefficient/abnormal/alien teachers through the mud or vomit or piss or whatever becomes convenient to make one feel better...

swearing/cursing, again, becomes our outlet...

F*CK! DIE B*RNS DIE!

Sunday, September 25, 2005

quote 3...

Always dream and shoot higher than you know you can do. Don't bother just to be better than your contemporaries or predecessors. Try to be better than yourself.
-William Faulkner

sobrang true!!! if you compare yourself to others, the only thing you'll accomplish is frustrate yourself... i won't be a hypocrite and say that i don't compare myself to others... of course, there are times that i do, sometimes its really difficult not to. How would I know that frustration is the only thing you'll get if Ihaven't done it myself, right?

Sometimes, I just tend to forget to remind myself not to look on others... that's the time when I attempt to be better than them... then the frustration and envy sets in... saka ko lang naaalala na mali na naman ung ginagawa ko...

Pero gaya nga ng sabi nila... TAO lang!!! nakakalimot at nagkakamali...

Buti na lang the frustration doesn't get to me, to the point na di ko na kayang magcope with the situation that I'm in...
Buti na lang at di ako PRANING with a capital P R A N I N G.... buti na lang praning lang ako with small letters (wehehe...)


Thank God for 2nd, 3rd, 4th... and nth chances...

quote 2...

You will stay young as long as you learn, form new habits and don't mind being contradicted.
-Marie von Ebner-Eschenbach


hmmm... kaya siguro "young" pa rin ako hanggang ngayon... wehehe...

quote for the day

got this idea from another blog... since I'm subscribing to a "quote for the day" mailing group (Arcamax) and since I also delete these mails immediately after reading them, unless I find a quote which I can relate to... might as well write this quotes down... here goes...

I think all great innovations are built on rejections.
-Louise Nevelson

rubbing shoulders with doctors...

note: wrote this in my multiply account first... kinopy paste ko na lang kasi gusto ko rin ikwento dito... this was edited to fit the date now, kasi sinulat ko to kahapon :D


nasa PICC kami kahapon ng hapon to attend the oath-taking of my cousin, isa siya sa 1000+ PMA (Phil Med Assoc) board passers... in short... doctor na siya...

after the event, binigay na sa mga newly inducted doctors ung papers nila sa kanila... so ayun... ang mga doktor... tila typical pa rin na mga estudyante na nakapila para sa tiket ng isang UAAP game... kaibahan lang, mga papeles nila ang pinipilahan nila... and as usual... ang gulo ng pila... maraming nagcocongratulate sa isa't isa.. kakamustahan.. etc.. basta parang graduation rin yung oath taking event... andun pa rin ang number one supporters ng bawat nilalang.. ang mga dakilang parents... and of course.. picture-taking here.. picture-taking there... picture-taking everywhere... hehehehe..

natatawa nga ako while I was making my way across the audi...eh di ba nga ang dami daming nakakalat na doktor? tapos sobrang sikip sa harap ng audi... so, while I was making my excuses, isip-isip ko... aba! big time ako! im rubbing shoulders with doctors... LITERALLY!

newei...grabe.. shocking... most of the newly inducted doctors were so young... basta karamihan sa mga nakita ko, mga mid 20s... mas matanda lang sa akin ng ilang taon... hehehe naiisip ko kasi parati sa mga doctors, ung tipong ka-edad na ng tatay at nanay ko...

nyahahaha!!! damn! tumatanda na nga ata talaga ako... sabagay kung iisipin ko nga naman meron akong kaklase (kajamming ko nung grade 3... hehehe way back in '93) na dalawa na ang anak (pakingshet!) at ung highschool classmate ko naman na isa, expecting na next month... (takte!)...

pero... immature pa rin talaga ako... bakit kasi?! gragrad na ako FOR GOOD this coming march (SANA!) pero di ko lam if im ready to face what's beyond college life... syete!!! ayoko rin naman magmasteral (MUNA)... dapat siguro nag-doctor na lang ako para kunyari no choice... hehehe... tanong... do I have what it takes? hehhe ok too late... am graduating next march... so... let's see what happens... *nginig* *nginig* syeteeeeeeeeeee!!!! AYOKO PA GRUMADUATE!!! pero... AYOKO NA RIN MAG-ARAL!!!!

maturity!!! magpakita ka sa akin! i need you!!! and i need you now!!! when o when ka ba magpapakita sa akin!?!

Saturday, September 24, 2005

i survived the week with a minute to spare...

SUPPOSEDLY, our long test should have been long finished this morning(as in YESTERDAY morning)... we studied for it last (last) night till around 0230H... then we woke up as EARLY as 0500H to be able to go to school early and continue studying there with the help of our other classmates... our exam was scheduled at 0800H...

On our way to school... around 0700H... a phone rings... LO AND BEHOLD! our exam wasn't to be an in-class exam! instead we have to download the questions and pass our answers before 1200MN... This was fine with us... Even if we also had another laboratory report due at 1630H, which we haven't started answering yet... still, that was fine....

Around 1300H, I was partially through with the 3rd question... I decided to stop answering the exam to start on my laboratory report...

Around 1600H, I was able to pass my lab report... Since I only had 3 and a half questions left to answer... which were decidedly easy since we already answered some problems in our book and 2 of the questions were the same questions which we answered... and since I had training... and since the deadline of the exam was still a way off from 4PM... I decided to stop answering the exam to train and just answer it later...

I WAS HAPPY while I was training... I can already see the night ahead of me... with me sleeping through it... I assumed I would be done by 2100H... and boy... was I wrong... BIG TIME! (obviously!)

BY 1900H... I wasn't even done encoding the answers for problem 3 yet (F*cking equations!)... By 2000H I decided to write the answer to problems 4-6 in longhand and just scan the paper... BY 2300H... I was done... only thing left to do was...

ATTACH the files... and send the mail...

AROUND 2315H... I was attaching my files when...

I GOT disconnected!!!!! I decided to turn off the lap top so that when I turn it back on, it would be faster... (the laptop was switched On since 1800H)...

Around 2330H.. the F*ucking network was messed up and wouldn't connect me... I tried till...
around 2350H... alleluia! I was connected!!!!

since the total size of the files was around 1.8MB and my speed connection was 54.6KB which was not consistent!... I was able to send my files at exactly 12:06AM using my Gmail account...

Around 12:08 AM... my long test was acknowledged by our tchr in my Gmail account...

Around 12:10AM... I checked my Yahoo account... I got a message with the subject below from our teacher...

Submission to LE3 is now closed - Time Stamp 12:07am

damn! just 1 more minute... and i wouldn't be enumerating these things now...
just 1 more minute and I would be cursing my tchr to hell and back... (hehhe kala mo di ko ginagawa even without provocation...) o well... pasalamat siya... kundi... naku! wala.. di ko rin alam gagawin ko... iiyak siguro ako! naku palsamat talaga siya!

a minute to spare for my week... tomorrow doesn't count... because tomorrow... I SLEEP!

bonne nuit!

Friday, September 23, 2005

patalastas muna...

may exam kami bukas kaya andito kami sa bahay at nagssagot ng problems sa book... our way of pag-aaral... pause muna sa pagsagot ng problem...

naisip ko lang habang kumakain kami ng Nagaraya...

di ba yung Nagaraya ay may mani... at ang mani ay food for the brain...
so food for the brain ang Nagaraya...
eh pano kung Bar-B-Q yung flavor nung Nagaraya...

ibig ba sabihin nito mababar-B-Q yung utak namin?
(at least 'di FRIED yung flavor...)

toing ninoing ninoing!

ok aral ulit.....

Wednesday, September 21, 2005

aray!!!

syet! masakit na mata ko kakaharap sa computer!!!!

kaninang alas onse pa ako nakaharap sa computer... siguro i only had an hour or so respite from facing the PC thean balik ulit ako sa harap nito...

bakit?

kaninang alas onse.. may long test ako... typewritten ung pinass kong sagot... so gets na kung bakit nakaharap ako sa PC kanina...

then... yung 1 hour respite ko... after ko magprint at magpass ng paper, kinausap namin thesis advisor then nagwithdraw ako, then umuwi... YUN NA YUN!

pagdating ko sa bahay... bukas ng laptop... check mail... post ng blog... chat konti... then gawa ng webpage! hanggang ngayon! pakingshet! dalawang pages pa lang nagagawa ko! ang tedious kasi!!!! pakingshet! ayoko na! pero kelangan makagawa ako at least hanggang sa discussion part.. pakingshet!... bakit kasi di ako magaling....

newei if trip niyo icheck ang aking nagawa so far.. na leche pa... hehehe... click niyo to:

ABNOY SI MIDGE!

hehehe author page pa lang saka home page gumgana sa links! yun pa lang nagagawa ... btw, siguraduhin niyong nakaminimize yung sponsored links sa gilid para naman di sabog tingnan... hehhee.. di pa kasi marunong gumawa ng frames eh...kaya daya pa yung "navigation" part KUNO diyan... hehhe.. siya gawa na ulit ako... sana matpos ko to!!!

anong nangyari!!!!

ok naleche ang sched na sinet ko kagabi para sa araw na to...

  • gising on or before 0700H... (DAPAT) ->> alas 10 ako bumangon...
  • go to school on or before 0800H (DAPAT)->> gaya ng nabanggit sa taas.... alas 10 ako bumangon...
  • pumasok sa 0830H class ko on time (DAPAT)->> again... alas 10 ako bumangon...
  • after class, kain sa caf ng chicken strips nang MABILIS...(KELANGAN)->> la na akong oras para kumain
  • continue studying for exam at 1030H... (KELANGAN)->> continue? paalis pa lang ako sa bahay sa mga oras na to...
  • answer questions the best way I can till 1230H (hindi in-class ung exam, buti na lang) ->> 11 na ako dumating pero nagawa ko to kahit papano...
  • go to 1230H class (SANA)->> panic galore na ako kaya di na ako pumasok...
  • continue the exam and pass the exam on or before 1530H (KELANGAN)->> namove ung deadline to 4PM kaya hanggang 4PM ako nagpapanic...
  • training kung me mahanap akong jogging pants mamaya... kung wala naman ay training pa rin pero palo na lang... at kung papayagan magfield eh di magfiefield:D (SANA!) ->> kinausap pa namin thesis advisor kaya di ako nakatrain.. pakshet...
  • meeting with thesis advisor (EWAN...) ->> di na ako pumunta sa mtg kasi nakausap ko na ung advisor namin earlier... at least nakalusot....
  • withdraw ng pera para magbayad ng bills (meralco, pldt, labada, at H20... takte! daming babayaran!(KELANGAN)->> yan! me pera na ako!
  • uwi agad... (SANA!)->> andito na ako sa bahay!
  • kunin labada para naman may choice ako sa isusuot ko kahit papano... mangyayari lang to kapag di makalusot ako sa thesis mtg... syet wala na akong damit! (SANA!)->> hehe pinahatid na lang namin sa bahay.. me damit na ako para bukas!!!
  • tapusin ang webpage ng group namin (KELANGAN)->> pagkatapos nito sisimulan ko na...
  • maghanda para sa defense kinabukasan... pano? hehe tatapusin ko nga dapat ung webpage... inulit ko lang for emphasis!!!!! (KELANGAN)->> kpero procrastinate muna kahit sandali.. hehehe...
kahit papano me nasunod naman ako sa schedule ko KUNO...

3 out 15... pde na siguro yun.. kesa naman wala...

sched for tom...

hehee.. post muna before i study FOR GOOD (meaning, nang di nakaharap sa PC)...

  • gising on or before 0700H... (DAPAT)
  • go to school on or before 0800H (DAPAT)
  • pumasok sa 0830H class ko on time (DAPAT)
  • after class, kain sa caf ng chicken strips nang MABILIS...(KELANGAN)
  • continue studying for exam at 1030H... (KELANGAN)
  • answer questions the best way I can till 1230H (hindi in-class ung exam, buti na lang)
  • go to 1230H class (SANA)
  • continue the exam and pass the exam on or before 1530H (KELANGAN)
  • training kung me mahanap akong jogging pants mamaya... kung wala naman ay training pa rin pero palo na lang... at kung papayagan magfield eh di magfiefield:D (SANA!)
  • meeting with thesis advisor (EWAN...)
  • withdraw ng pera para magbayad ng bills (meralco, pldt, labada, at H20... takte! daming babayaran!(KELANGAN)
  • uwi agad... (SANA!)
  • kunin labada para naman may choice ako sa isusuot ko kahit papano... mangyayari lang to kapag di makalusot ako sa thesis mtg... syet wala na akong damit! (SANA!)
  • tapusin ang webpage ng group namin (KELANGAN)
  • maghanda para sa defense kinabukasan... pano? hehe tatapusin ko nga dapat ung webpage... inulit ko lang for emphasis!!!!! (KELANGAN)

LEGEND:
  • DAPAT = malaki ang possibility na hindi mangyari...
  • SANA = 50% not sure...
  • KELANGAN = no choice...
  • SANA! = di ko pa lam hanggang ngayon... pero gusto ko...
  • EWAN = susubukan ko pang lusutan...
note: habang nangyayari lahat ng nabanggit... malamang minumura ko sa utak ko ang mga nagpapahirap na tchr sa akin... pero pde rin naman outloud as long as wala sa vicinity ung minumura ko...

OK ARAL NA!

Tuesday, September 20, 2005

life... parang buhay...

pag nakakabasa ako ng post ng ibang tao parang ang korni ng buhay ko kung ikukumpara sa kanila... syete.. ang daming me problema sa buhay... habang ako... easy easy... hehehe...

fine. hindi naman ganun ka-easy easy... pero sobrang ang petty ng problema ko kung ikukumpara sa iba... kahit pa nagkakandaleche-leche na ang acads ko, all in all masaya pa rin naman ako kahit papano...

ito pa. isa pang ikinakakaba ko... parang di ko kelangan ng other-half, if you know what i mean... masaya na akong nakatambay sa bahay ng mag-isa, nanonood ng tv, kumakain... o kaya naman kung trip ko manood ng sine, eh di manonood ng mag-isa din... yep nanonood akong mag-isa kapag trip ko palabas o kaya kapag req'd sa schl at iba iba sched naming mga magkakaklase... unless yayain ako ng kapatid ko o ng mga kaibigan ko... o kaya pag ako naman nagyaya... hehehe...

bakit ako kinakabahan?... kasi karamihan ng mga kaibigan ko... either attached... o kaya naman... actively looking... tapos ako... hehehe... AYOKO! sagabal kasi sa buhay ko.... hehhe normal ba yun?... siguro sa ibang mga FEELING STRONG and FEELING INDEPENDENT and all, normal un... eh di naman ako ganun... hehehe... konting problema lang gusto ko na umiyak... ok mali! gusto ko na sakalin ung taong nagcause sa akin ng kapraningan... o kaya naman magmumuni-muni na lang kung talagang malalim ung problema...

pero salamat talaga sa DIYOS na ganun kapetty ung problems ko so far... di naman kasi ako humihingi na big time problems... "humbling" (tama ba term ko? di ko maisip appropriate term at wala naman shift f7 dito sa blogger...) lang kasi ung fact na other people are going through much worse problems than I am and they're still hanging there and doing the best they can... and better... they're doing good... despite those problems... iniisip ko minsan kung ako nasa kalagayan nila... actually minsan di ko maisip at ayoko isipin... pero alam ko mahihirapan ako big time... and MALAMANG i won't be handling those problems gracefully the same way that these people do...

haay kelan kaya ako magiging graceful... sabi ko na kasi ke papa.. dapat nagballerina na lang ako... hahahaha.. syet.. di bale na nga... ok na ako sa sarili ko... hahaha!!! ballerina?! ako?! hahhaha!!! nababaliw na nga talaga ata ako....

Sunday, September 18, 2005

ang magulong utak at ang di paggamait ng backspace key....

hehehe... actually matutulog na ako dapat kasi medyo inaantok na ako...
i'm here simply because i like the sound of the keys in my laptop being tapped by my fingers... what better way to hear that sound than type something which may or may not make sense... and of course the best place to write that sensible/non-sensible anything would be nowhere else but in my online journal... right?

napansin ko lang mahilig ako sa salitang. OK... well... pakingshet... syet... syete... watda!... saka hehehehe(di kasama ung "saka")

wala lang (isa pa sa mga kadalasan kong sinasabi).... trip ko lang... (another thing to add to the list)

astig sana kung dre-drecho ung sulat ko kaya lang mahirap naman di ka tumigil siyempre kelangan mo rin naman mag-isip kahit papano saka kahit naman mabilis ka mag-isip di naman pareho yung speed ng utak mo saka ng limbs mo di ba? (in fairness habang isinusulat ko ang paragraph na to iilang beses lang ako nagbackspace dahil sa mistyped keys... wehehhe...)

mula dito di na muna ako magbabackspace tingann ko kung may sens e yung msisusulat ko... wehhehe ang gulo gulo.. ang kulit ko talaga magtpe anboy ako matype ang gulp.. angdami kong kulag na salitaat ketrra dumudla s lang kasi nag akin gmga daliri sa keyboad wehhehe ang julit nakatuwa naman ung sinulat ko akulang kulang at spobranaman minsa n sa letra eehehhe....

try agiana another paragraph where i wontbe sing the backspacekey.. nacnakman improbving ba? wahaha.. an mas langong gumulo.. pakshet ang bagal; talaga ng u daliri ko minsan pa nga napapabackspace alko sisnusulat ko lang utli ung letra... ang gulod ko..

nyahaha.. sige ito last try...

one last try before i leav eit all behind... hahaa kanta na nga lang kasi un ang pinakamadaling usilat... ang gulo ko talaga magtype buti na lang me backspace key.. ayan di na gaanong magulo ang tinatayp ko,.. medyo me sensena kahit di pa ako nagbabakcspac.e.. ijust doung found na mas mabalis ako magtype mas less error ung nga lang sobrang mali grapmmar at spelling.. wahaha.. sige sige subukan ko magtooe ok mali pa la ang finding ko ganun pa rin... depende pala pag alama ko ko na ung sasabihin ko saka pala less error pero kapag iniisip ko pa rin ung sasabjin ko saka angdami daming erros kasi eean.... translate ko na lang siguro sa next post ko....

Saturday, September 17, 2005

natapos ang araw ko kahapon kaninang 0630 ng umaga...

ok nakapagpost na ako dapat sa kung gaano kasaya ang araw ko kahapon... akala ko kasi yun na yun... di ko alam may further happenings pa pala...

hehe.. bday kasi kahapon ng isa kong gradeschool pren.. si RIKA.. happy bdays kariks!(in case mabasa mo to)... dapat di na ako pupunta sa kanila kasi sa guadalupe pa siya tapos ako ay nasa balara... (di ko trip mwala ng alas diyes ng gabi kakahanap ng bahay nila para lang maki-celebrate)... eh si redgie (isa pa naming gradeschool pren) ay biglang tumawag at imeet ko raw siya sa mcdo katipunan para sabay na kami papunta kina rika... isip ko... ayan less hassle na papunta... saka sayang naman kung di pa ako pupunta... habang di pa rin naman ako nag-aaral para sa exams namin next week... might as well sulitin ko yung free night ko with my friends di ba? so ayun bihis ako... ayos ng gamit... after 10 minutes... txt ulit redgie asan na ako... hehehe eh nasa bahay pa rin ako... sabi niya sunduin niya na lang ako sa may gate... kaya ayun YEY! libreng PAPUNTA (take note ung emphasis)!

so ayun kita kita kami ng other grade school prens namely: desiree, emman, jay, rossa lee, redgie at rika (siyempre), rikka (high school kaklase nila rika na nakilala ko kagabi lang)...
after ng kainan... mga alas tres ng umaga balik kami dito sa bahay para magswimming... (ayun siningil ako ni redgie ng pang-gas ng dumaan kami sa gas station which reminds me... hati kami ni emman dun... hehehe *evil grin*) pero kaming mga girls lang nagswimming... si redgie umuwi kasi cinderella yun... si emman naman naginternet na muna... di ko lam.. inaabangan ata yung iniibig niya... hahaha!

grabe... as usual... reminisce to da max kami! hahaha!

...yung mga tchr na abnuy
...yung mga kanta na pinapakanta sa amin
...yung mga cr na non-existent
...yung mga kaklaseng nabuntis na
...yung mga kaklaseng di na namin alam kung asan na... etc... etc...
...takutan naman ng konti...
...kwentuhan sa kasalukuyang buhay
...kwentuhan bakit masaya maging WARAY...
...laitan galore naman maya-maya...
... at marami pang iba...

may TAWANAN sa bawat pinag-uusapan... kung gets man naming mga tumatawa yung pinagtatawanan namin... di na yun mahalaga... minsan tumatawa para di naman kawawa yung nagkwekwento... sasabihin naman namin na napipilitan lang kami tumatawa na mag-iinduce naman ng tunay na tawanan kaya OK lang...

ang mga ganitong pagtitipon-tipon ang isang dahilan kung bakit masaya talaga makipag-reunion sa mga kaklase... di man kami nagkita-kita ng ilang taon... parang wala lang ang mga taong yun... tila di man lang kami nagkawalay...

sabi nga ni desiree... "ano ba yan?! wala man lang tayong awkward moment!"

basta! gaya nga ng sabi ko...

ANG SARAP TUMAWA! ang sarap kasama ang mga kaibigan...

Friday, September 16, 2005

ang saya ng araw ko!!!!

... kahit na di ako makapaglakad ng matino kasi masakit yung isang side ng heel ko sa kaliwang paa...
... at kahit na hindi namin mapagana yung base station (i.e. ayaw kumonek sa net! putris!) sa MO na nung isang gabi ko pa sinusubukang i-configure...
... kahit na tinamaan ako ng BASEBALL na pinalo ng isang guy...
...at kahit na SAPUL yung bola sa dalawa kong shins kasi nakatayo ako ng diretso...
...at kahit masakit ngayon ang mga pasa sa dalawa kong shins na idinulot ng bolang yun...

MASAYA ANG ARAW KO!
hehehe:D grabe... SAYA!

...ang sarap tumawa sa mga mali-maling lyrics kahit na nakikikanta ka na sa radyo...
...ang sarap tumawa kapag feel na feel mo ang kanta kahit mali-mali yung lyrics mo...
...ang sarap tumawa habang nakikipaglaro ka ng basketball kasama ang iba mo pang kaibigan na gaya mo rin na WALANG ALAM sa basketball...
...ang sarap tumawa kahit na sobrang sakit na ng panga at ng tiyan mo...
...ang sarap talaga tumawa ng galing sa puso...
...BASTA masarap tumawa...

ANG SAYA NG ISANG ARAW NA PUNO NG KATATAWANAN... kahit pa walang sense yung pinagtatawanan mo... well, hindi nga ba mga bagay na walang sense ang kadalasang pinagtatawanan natin? hmmm... kaya rin siguro ang mga bagay na walang sense ang kadalasang nakakapagpasaya sa atin...:D

bout the 'supposed' game last wed...

hehehe... ok di natapos yung game... takte.. umulan kasi! as usual wrong timing ang ulan... langya di man lang ako nakapaglaro... lapit na ako pumalo di pa nakapalo... asar.. syete.. sige ok lang... ulit naman kami next fri... sana lang di umulan then di ba?

pero ok lang.. at least umuulan pa rin kahit september na... sana umabot ang ulan hanggang sa december... para makarami kami ng data... tungkol naman sa thesis... ayun nakalipat na kaming MO! great balik na ulit ako dun... langya... pero ok lang me nakilala ako kahapon na ka-course ko pero grad na.. nagwowork siya dun sa room na gagamitin namin.. hehe... siya si Ate Mel.. kakatuwa nga eh.. tsismisan kami tungkol sa mga naging tchr namin sa physics... hehehe... great di ba! hehhehe... di naman kami nerd na mga tipong quantum mech... mathematical physics pag-uusapan namin... well.. pinag-usapan namin yun pero to the extent lang na tipong nahirapan kami dun... hehehe saka siyempre yung mga naging tchr namin sa mga subjects na dumugo utak namin...

siya.. dito na muna,.. baka dumating na taxi na pinatawag namin.. hehhe may pasok pa kami ng 1030... dito mga kaklase ko ngayon... overnight sila kagabi... you know... FOR ACADEMIC REASONS... yun nga lang natulog lang yung dalawa... langya kasing kuryente nagfluctuate kagabi... na-off yung ilaw pero yung TV naka-On labo! hmmm.. ano kaya reason nun... maitanong nga sa tchr...

ay siya! sige bihis pa ako...

Wednesday, September 14, 2005

in the lab... again...

note: this post was published a day later kasi... hehe nagstart na kami ng meeting namin... after i wrote a paragraph... heehee...

ok nasa lab na naman ako.. pero dito na sa ctc.. hindi na sa faura... our group is still waiting for our turn to talk with one of our advisors... yung isa kasi natrapik sa sobrang lakas ng ulan kanina... yung isa naman nasa states na ulit... sayang nga eh... yun kasi yung advisor namin na makulit... yung tipong mapipilitan ka talaga gumawa kasi mahihiya ka kapag wala kang matinong update sa meeting niyo.... di bale... i will endeavor (NAX! endeavor! as if!) to work even if nobody is encouraging me... hehehe.. kelangan eh.. hirap umasa... at least mga groupmates ko ngayon masipag magfollow-up sa mga kelangan namin ireserve kahit papano... hehehe kakatamad kasi magreserve ng stuff.. gusto ko lang kasi kuha data.. research... sulat paper... gawa (dito ako tumigil kahapon... di ko na nga maalala yung kasunod ng last word ko eh... hehhe....)

game... of life? softball na lang muna...

may game kami mamya!!!! hehehe.. nag-arrange ng tune-up game si coach kaya lang hanggang ngayon di pa namin alam sino kalaban namin... sana manalo kami....

kelangan nasa school na ako by two or 1430... sana everything goes well... sana di ako magkalat... shets.. parati talaga ako kinakabahan sa field...

ok acads ranting na nman muna...
di ako pumasok ngayon... walang kwenta kung papasok ako sa mga class ko... yung isang tchr namin walang alam... puro hangin lang na parang balloon... sarap paputukin sa sobrang hangin...
yung isa naman... ok lang... kaya lang di naman nagchecheck ng attendance.. babasahin ko na lang libro namin mas matututo pa siguro ako... yung isa pang tchr... me alam... di naman nagtuturo kadalasan... nakikipagtsismisan lang sa amin... so buti na di na lang ako pumasok... ayusin ko na lang muna req'ts ko para ngayong week... pinuputakte kami sa requirements ngayon eh... hay naku.. ok lang... malapit na naman sembreak... tapos pagkatapos ng isa pang sem.... REAL world KUNO here I come!!! hehehe sana ready na ako... takte! ni di ko nga alam next na game plan ko...

hay naku! tama na muna siguro na yang softball yung atupagin ko kesa sa magiging buhay ko pagkatapos ng college... one sem away pa naman siya... pero... NAKAKATAKOT!!!! di bale... eh kung ung iba nga nagsurvive... AKO PA KAYA! (hehehe kinoconvince ko lang sarili ko)... I WILL SURVIVE!!!

Sunday, September 11, 2005

kiddie movies...

the hills are alive with the sound of music... just imagine julie andrews singing this on top of a mountain in switzerland (which was made out to be in austria...) hay... memories...

this is one of my favorite movies when i was a kid... i think i was 3-4 yrs old then... I didn't know how to use the radio but I learned how to operate a BETAMAX because of this movie... hehehe.. OPO betamax! wala pang cd players, vHS, at lalo na ang playstation...

whenever I felt like it, I would just pop the tape of this movie in our betamax and then sing along with the characters when they begin singing... pero as usual... i still can't memorize the lyrics of some of the songs... which is why i have a soft copy of the lyrics... hehehe para I can sing along whenever I watch the movie...

hmmm... I'm not really sure but i vaguely remember a movie about EWOKS... i'm not even sure with the spelling (hehehe just checked google, got the right spelling). I just remember them as fluffy-bear-like creatures (im not sure if animal is the right word to describe them) which also appeared in Star wars... I'm not sure if they have a movie of their own, but i do remember that they have... i wasn't that interested in star wars when i was a kid so i know that it wasn't the movie which i played over and 0ver again... although... i was amazed with the clone troopers hehehe.. astig kasi mukha silang robot... (ok checked google again... hehehe and i'm right again... they do have a movie which was inspired from the ewoks in star wars)... sometimes my memories are so messed up that i even remember the ewoks in Annie (another movie i watched but didn't really like)... hehehe labo no! hope i can get a copy of the ewoks movies so i can watch them again... san kaya ako makakahanap nun...

hmmm... and ob cors! BIOMAN! hahaha! yellow four!!! hehehe naguunahan kami parati ni ate sa pink eh... kaya lang since matanda siya, siya prati yung pink ako prati yung yellow... hmmm.. maybe that's the reason why i came to dislike the color pink... hehehe... memories of being bullied (hehehe hope ate doesn't read this...) but later i decided yellow was better than pink.. hehehe nagkakataon kasi na maarte parati yung pink tapos astig naman parati yung weapon ng yellow! heheh yellow four!

tapos yung power rangers din! mighty morphin power rangers!!! let's morph! sabre-toothed tiger! hehehe astig tlaga yellow!

haay.. those were the days... uso na kasi ngayon reality tv shows o kaya naman telenovela na pakanta kanta... korni... wala ng pasigaw sigaw para magmorph... psindi sindi na lang ng kandila... masyado ng mellow......

Thursday, September 08, 2005

mali ang narepress...

teka... meron naman palang magandang nagyari...

yung verilog programs namin saka synthesis reports saka yung sa FPGA... namove ang deadline to tuesday! yey! ayan at least kahit papano... mayroon naman akong ikakatuwa...

pero para siyang isang tuldok ng kasiyahan sa 25pages na essay ng kabwisitan at kalungkutan...

my day...

... this is not...

yep... di ko araw to... i messed up...

in what? in my quiz... in my report... f*ck...

okay... maybe i'm exaggerating... i dunno... pero i really FEEL that i messed up...

i'm watching tv, but not really...
i'm listening to the music, but not really...
i'm writing, but not really...

syete... it started out so well... i mean... i felt that the day would be good when I woke up in school kaninang umaga... turned out... bad day pala...

well... at least hindi naman buong araw ko yung sira...only those that matter academically lang naman... damn... ewan ko nagkalat talaga ako...

shit... nadedepress na naman ako... di ko matanggal sa utak ko yung pagkakalat ko kanina... parang rewind siya ng philo104 orals ko... di naman ganun kalala kagaya yung sa philo orals ko na gusto ko nang lamunin ako ng lupa... (which turned out to be... OK naman pala) pero langya nagplaplay sa utak ko yung report ko kanina...

grrrrrrrrr.... ano ba!!!!?! dapat kasi repressed memory na siya... pero ayaw pa magpatulak sa likod ng utak ko... pinaglalabanan ng walanghiyang alaala na yun ang pilit na pagtulak dito ng aking mind power papunta sa likod ng aking almost empty brain ... hmmm.. which got me thinking... since almost empty nga ang utak ko... baka hindi enough ang laman para maitago siya mula sa harap kung kaya nananaig siya against my other thoughts and memories...

takte.. tama na nga to... sabog na talaga ako... andami pa gagawin... kelan kaya ako makakapagpost ng masayang post... yung hindi sarcastic.. yung hindi puro rants lang...

sa lagay na to... sa tingin ko matagal pa...

off to sleeping... off to dreaming... but not really...

morning in faura...

hehehehe.. kakatapos lang namin maligo dito sa 3rd floor... buti na lang wala maxdong tao kasi karamihan nasa classrooms na nila...

newei... andami gagawin ngayon..
1) presentation.... na kailangan ko pa pagpraktisan kung ano sasabihin ko kasi di ko pa alam lines ko... wehehehe... takte kelangan straight english to...
2) verilog na programs... di pa namin napapagana yung millisecond timer sa FPGA saka ung sa pagsynthesize sa VCS di pa namin nagagawa
3) QUIZ


one good day coming up!
takte...

Tuesday, September 06, 2005

c'est la vie

tagal rin ako di nakapagpost...
busy kasi...

nax! akala mo totoo... well... totoo naman pero kadalasan siyempre andyan ang walang kamatayang procrastination... di lang ako nagkaron ng pagkakataong magprocrastinate gamit ang blog na to...

sabi ko nga panahon na naman... panahon na naman ng pagpupuyat... pagmumura sa mga tchrs na akala mo kung sino pero kung tutuusin ay incompetent naman... hay naku...

ganito kasi un.... may tchr kami na nagpapapass ng long test online... ilang days ago... kaya lang GMAIL ang account niya.. eh may exe file na kasama ung ipinapapasa niya... PROBLEMA: HINDI TUMATANGGAP NG EXE FILE ANG GMAIL! kahit pa izip mo yan! magbobounce lang talga! ung isang account niya... nasa nip... kaya lang limited size so di pde dun kasi... HELLO! andami namin tapos ang average file size ng isusubmit ng bawat student ay almost 6MB.

ayoko na magmura... naubos ko na ata lahat ng alam kong mura sa hinayupak na tchr na yun... grrrr.... akala mo kung sino!!! di naman sumisipot sa klase! tapos akala mo kung magdemand ng excellence eh excellent rin siya... putris! mali mali naman ingles! nag-ingles pa!** sabi nga ng mga kaklase ko pano kaya pumapasa yung mga scientific papers ng abnuy na yun... o well... c'est la vie raw sabi ng iba...

pero minsann nakakaasar na talaga yung phrase na yan...

C'est la vie...
Ganyan talaga ang buhay...
That's life...
Asya it kinabuhi...

takte! hindi parating ganyan ang buhay... pede natin maiwasan ang ibang sitwasyon kung tutuusin... * pero sabagay... meron talaga mga pagkakataong kahit gaano ka kagaling umiwas sa mga bagay-bagay ay sadyang di mo talaga maiiwasan...

kung iisipin... di naman ganun ka nakakaasar yung tchr na yun... pero naku! yung mga sulat niya sa amin akala mo talaga minsan kung sino siya! at kung wala na siyang ibang mapuna... pati mga walang kwentang bagay gaya ng signature mo sa mail ay pupunahin! langya! pinakikialaman pa pati sarili mong tatak! nakakabwisit.. kung lagyan ko kaya ng "Sincerely sir gago ka, naomi" sa dulo ng bawat inquiry ko sa kanya.. ano kaya isipin nun? hehehe pero siyempre di ko gagawin yun... topak ako minsan pero di pa GANUN katopak... hehehe... di bale pag nagrade-an niya na kami... pagiisipan ko kung itutuloy ko yun...

*aaminin ko di naman talga lahat kasalanan ng tchr... oo nagcocontrubute rin dun limitations ng World wide web... pero takte namn! kung sa simula pa lang alam mo na di tinatanggap ung walanghiyang exefile! parang awa mo na gumawa ka ng ibang account! libre naman un at di mahirap gawin! putris! di kami lahat ay 100MBps ang speed ng net connection... after 10 yrs lang namin na-uupload yung 5-6MB na files... di kami lahat ay may oras para mag-upload lang parati ng files para sa convenience mo takte ka!!! meron kaming mga buhay at iba pang subject na prinoproblema...

**ok lang naman kahit mali mali ingles no! hello ako rin mali mali ingles ko! lalo na kapag orals... pero kung magdedemand ka ng excellence sa students mo please lang ipakita mo na may karapatan kang magdemand ng hinihingi mo!

Saturday, August 27, 2005

ang pag-aantay ng ulan...

ako ay andito ngayon sa ateneo... nag-aantay ng ulan... problema? MALIWANAG ANG SIKAT NG ARAW!!!! demmit! kasi naman... uulan na nga lang schooldays pa talaga... MWF pa!!! dapat kasi umuulan TTh saka sabado!... hehehe...

... saka sana de remote yung clouds no? kung trip kong umulan papaulanin ko na lang...
... saka if ever de remote... hehehe sana mura battery saka ung remote mismo... wehehe...
... saka sana pag umulan di ako nababasa...
... saka sana yung mga tchr lang nababasa... hehehehe...
... saka sana... hehehe wala na akong maisip...

haay naku! ngayon nagiintay ako ng ulan for academic purposes... hehehe DATI nagaantay ako ng ulan for ANTI-academic purposes... hahaha!!!! takte! parati kong winiwish na umulan... ay! mali... di lang basta umulan kundi bumagyo! hehehehe para walang pasok...

ilang beses akong nangarap na umulan para sa ganoong mga rason... ok hindi lang ilan.. MARAMING BESES...

... noong gradeschool... konting ambon lang... tinatamad ka na bumangon... ang sarap kasi tingnan ng mga dahon at puno sa labas (habang nakahiga) na sumusunod sa ihip ng hangin... tipong hinihypnotize ka para makatulog ka ulit... bukod rin sa ayaw mong makita ang mga masusungit mong tchr... nagkakaroon ka ng temporary amnesia na may crush kang gustong makita sa araw na yun... kasi parang namamagnet yung buong katawan mo sa kama o sa sahig (depende san ka nakahiga...) tapos yung kumot parang ayaw na matanggal sa katawan mo... tipong kahit wiwing wiwi ka na eh titiisin mo na muna para di ka muna bumangon... at kung di na talaga kayang tiisin nakabalot ka pa rin ng kumot hanggang banyo... tapos pag-upo mo sa trono... oww!!! LAMIG! hahahaha!!!

... noong highschool... gaya rin nung sa grade school kaya lang mas matindi na ang tawag ng higaan kesa dati... nagpupuyat na kasi ako nun para mag-aral.... saka lalo na kung may CAT langya parang nadedetect ng katawan ko ung gagawin namin for later na tipong automatic na manghihina siya para feeling ko me sakit ako para sa utak ko di ako maxadong guilty kung magpapadala ako ng excuse letter kasi may sakit ako kunyari... kaya lang since wala rin naman talaga akong sakit... at... hehehe nakakahiya rin naman sa tita at tito* ko... ako ay mapipilitang bumangon...

... ngayong college... nag-aaply na sa akin at sa higaan ko ang kasabihang: "absence makes the heart grow fonder" bihira na kasi kaming magkita (lalo na nung 3rd at 4th yr ako) at kapag nagkita kami ay tila ayaw ko na itong iwan pa... EVER! hehehehe... pero ngayong 5th yr... so far ha... hehehhee parati kami magkasama to the point na nagooversleep ako... pero may times rin naman na di kami nito nagkakasama... halimbawa na yung overnights namin sa faura... hehehe... kung kaya naman parating welcome ang BAGYO sa buhay ko! hehehehe....

pero ung pinakamemorable na pag-aantay ko sa ulan ay naganap noong 4th yr kami... nagovernyt kami sa bahay ni PiA nun para mag-aral kasi may exam kami sa quantum mech the next day... tapos sobrang di pa talaga kami ready... 3AM umaambon na... gising pa kami at nag-aattempt intindihin ang aming lessons nun (hehehehe gusto ko sana mag-cite ng something "quantum-mechanic-sounding" terms para naman nakakaWOW kaya lang hehehe... ksama na ata sila sa repressed memory ko...)... kami ni jeleen, isa ko pang kaklase (3 lang kaming nag-ovenight that time)... sobrang grabe na ang pagwiwish na umulan... grabe sobrang SINIRA ko na ung singing voice ko para lang UMULAN... kung kilala niyo ako, alam niyong mahirap gawin yun.... kasi innate sa akin ang SOBRANG GANDANG BOSES hahahahaha!!!! =)) anyway... sa tulong ng panalangin... at ng mga boses na rin namin siguro**... by 5AM grumabe ang lakas ng ulan to the point na bumbagyo na... around 7AM... inannounce na sa TV stations na walang pasok ang grade schools and high school at selected colleges... by 730AM CONFIRMED... NO CLASSES SA BUONG ATENEO!!!! postponed ang classes!!!! yeah!!!! hehehehe... since we had time to kill (Thursday kasi nun at Tuesday pa yung next possible exam namin... wehehhe)... nood na lang kami ng THE NOTEBOOK... wehehehe... gwapo ni ryan gosling kahit payatot!... ANG SAYA!!!!! grabe!!!!

hehhehee... kaninang 1230 ko pa sinimulan to kaya lang dami kong ginawa in between.. kain, laro PC games, check mail, and other extra stuff... like makipagtsismisan.... hehehe kung kaya naman ngayong alas dos... medyo madilim na ang kalangitan... nakikinikinita ko na ang ULAN!!!! YEHEY!!!!!! kaya lang ako na lang mag-isa... ala na akong groupmate na kasama... 5 PM pa balik niya... huhuhu... OK LANG.. BASTA umulan... KAYA KO TO!!! hehehe...

* wala na ako sa bahay ng 12 yrs old ako... huhuhu... hehehe... wag kayong mag-alala di naman ako pinalayas sa bahay namin... malayo na kasi school ko kaya kinailangan ko makitira sa aking dear tito and tita...

** hindi naman sa natutuwa ako at winish ko na masalanta yung mga taga-QUEZON... uhmm.. un rin ata kasi ung time na nagkaroon ng kalamidad dun eh... hindi ko naman alam na ganun pala kalala ung epekto sa kanila nun... anyway... ung naisip ko lang nun ung mga taga-espanya... hehhehe at since alam kong magaling naman ata ang mga tagaron na lumangoy at sa tingin ko meron na namn ata silang bangka for baha purposes... di ako maxadong naguilty sa pagwiwish na umulan...

7:42AM... and it's saturday morning....

oh my gulay!!! ako ba to?! baka impostor lang tong nagsusulat ng post na to?! shocking!!!! gising na siya this early*?!!!*!@#$%^& WATDA?! teka... sabado ngayon... walang exam sa lunes (although may ipinapapasang program...DUH as if gagawin ko yun ngayon!? crammer ako remember?!)... wala rin namn akong sakit.... hmmm....

hehehehe.. andito kasi ngayon ang aking dear parents... at kaninang 6:30 dumating ang aking dear ama... bumili na ng hot pandesal... kaya naman nagising ako ng ganun kaaga.. paano ba naman ang ingay... hehehe kinulit pa ako ng makita sa TV ung wall climbing na prinopromote kasi nga nagclclimb ako** ... grabe ang kulit... ayun tuloy napilitan akong bumangon at kumain na lang ng pandesal na may butter ANG SARAP! hehehe i wonder magkano ung pandesal.. ang laki eh... dati sa amin (catbalogan) 1 piso ang cute cute ng pandesal.... kaya mo ata lunukin kahit di mo na nguyain eh... at meron nang palaman na itlog yun ha!

o well... siya siya gawin ko muna yung mga dapat kung gawin gaya ng TOOT TOOT!
*** at maligo... hehehe

note: hehehehe grabe 12 minutes ko to sinulat? weird!... ay oo nga pala nanood pa ako tv while writing...

* natulog kasi ako... kung hindi ako natulog hindi shocking...
** hindi ako expert... baka akalain niyo isa ako sa mga taong hindi na nanangailangan ng lubid pag umaakyat... hehehe WISH KO LANG DI BA?!! nanginginig na nga arms ko 2nd climb pa lang.. wehehhe di ko pa natututunan ung sa legs ibibigay yung stress...
*** gago! eebak lang! baka ano na namn iniisip niyo! tsk tsk tsk!

Friday, August 26, 2005

8088 assembly lang, 3GP, si pia... at ang ULAN ulit...

langya gagawa pa ako ng prog gamit ang assembly lang ng 8088 na processor na due at 1230pm tom... takte... google galore na naman to! hehehehe di pa ako nagsisimula kasi tinatapos ko pa tong post na to...saka dito pa ako... me dinodownload pa... hehehe... di kasi maplay yung 3GP file sa windows media player saka sa real player... me kelangan pa raw ako idownload na kung ano man para maplay yun...

o well... alis na nga pala sa sunday ang aking dear friend na si piatot... punta na xang pransiya... well 10 months lang naman xa dun... ay siya!!!... next time ko na nga lang ikwekwento... matatagalan ako nito kung ikwento ko pa lahat... basta ayun... dinner kami kanina... share share KUNO about our experiences with pia... hehehe at since alang videocam na dala ang mga tao... ang aking handy dandy celfon ang naging videocam... kaya naman naubos ang memory space kanina... langya 9.5MB rin halos ang natake-up na space ng videos... at since 3GP ung file type ng video kaya ako nagdodownload ng nabanggit ko sa taas... hehehe gusto ko sana kasi makita sa PC ung mga video... pixelated kasi maxado sa phone eh...

hmmm... me bago pa bang happening bukod dun?... hmmm... wala naman... ay teka!!! meron nga pala.. langya... kanina... nang mga alas sais... ako pala ay nastranded sa jollibee katipunan... DAHIL SA LAKAS NG ULAN!!!! ok sana un kung ready kami para kumuha ng data di ba para sa thesis namin... but no!!! di kami kumuha ng data kanina kasi ala akong dalang laptop at kulang pa set up namin... hehhe saka nga... may dinner pa kami hehehe...

anyway... so ayun nasa jollibee ako... gutom na... (8PM pa dinner namin at di pa ako kumakain buong araw... ay kumain pala pero chicken strips lang un... konti lang...) at ang perang dala ko ay 60pesos (in bills) and 30pesos(coins) lamang!!! (nalaman ko lang na me 30 pesos ako in coins after ko na umorder ng pagkain na tinipid tipid ko pa dahil kala ko 60 pesos lang ang pera ko... ung coins nakita ko lang sa coin purse ko... kala ko kasi 5 pesos na lang... un pala marami nang tigpipiso at limang piso ang aking naipon dun sa coin purse ko kung kaya't umabot ng 30 pesos... saka ung iba pang barya na nakita ko sa mga bulsa ng bag ko nang ako'y naghahalungkat ng pera kasi mukhang lumalakas ang ulan nun at iniisip ko kung paano ako uuwi kung sakaling di ako makapagwithdraw sa mga atm dahil nasira na sila dahil sa lakas ng ulan [hehehehe worst case scenario ang nasa utak ko nun])... so antay antay ako sandali.. tapos biglang tumila ang ulan!!!! yehey!!!... so withdraw muna ako sa east west bank kasi un ang pinakamalapit na atm na pde kong pagwithdrawhan... then nang papunta na akong video city (me isosoli kasi akong vcd..) pagdating ko sa may shakeys... BIGLANG UMULAN NA NAMAN!!! great di ba!!! sa loob ng isang oras... dalawang beses akong nastranded sa dalawang kainan!!! tadhana nga naman... di na ata talaga ako papayat... wehehehe... o well.. pero yun sandali lang naman.. at ayun tumila rin ang ulan kahit papano... kaya masaya ang araw na to... ay mali... ang araw kanina... :D

hay naku... sana lang parating masaya no?

Wednesday, August 24, 2005

Rain gently falls....

isa sa mga paborito kong kanta yung (imagine me singing para mas maintindihan niyo kung bakit... hehehe)...
Strolling along country roads with my baby
It starts to rain, it begins to pour
Without an umbrella we're soaked to the skin
I feel a shiver run up my spine
I feel the warmth of her hand in mine

Oooo, I hear laughter in the rain
Walking hand in hand with the one I love
Oooo, how I love the rainy days
And the happy way I feel inside....

Ok. yun lang ang lyrics na memorize ko.... hehehe... wala lang. Gusto ko kasi melody... saka ok din lyrics... nung simula nagtataka pa ako bakit Neil Sedaka* daw ung kumanta tapos boses babae... hehehe... lalaki lang pala na tila boses babae... later lang na-accept ng tenga ko, when I listened to it hard enough (in short, hindi muna ako sumasabay sa kanta), na boses lalaki rin naman pala talaga siya... pero ayun nasanay din ako sa lalaki na boses babae sa unang dinig pero nagiging boses lalaki pag nakinig ka ng maigi... at ayun nagustuhan ko ung kanta... hehehe... feeling ko nga di ko magugustuhan kapag ibang version na eh... wala pa naman akong naririnig na revival nun... so... sana wala... at kung meron man... SANA DI NILA SINIRA!!!...

ano pa ba?... ayun! yung kantang:

RAIN RAIN GO AWAY, come again another day...

isa to sa mga nursery rhymes na di ko makakalimutan... ginagamit ko kasi parati tong line na to pag tila uulan na...

kaya lang ngayon... di ko na pdeng kantahin MUNA yan... takte kasi! Rain correlated performance of wireless links and optical free space ang aking thesis**... pano ko pa ba naman kakantahin yan!!! kelangan namin ng ulan!!! kung pde nga lang sana umulan hanggang disyembre eh... SANA LANG TALAGA UMULAN UNTIL THEN di ba?! syet, limited time kasi yung data gathering namin pag nagkataon... hay naku... kala nyo less work?! hindi!!! marami pang extrang gagawin pag di umulan!! sana nga umulan na lang parati kasi at least pag umulan... MARAMING DATA na pde i-analyze at pdeng madoktor... heheh jazzzzzzz kidding!!! lab data lang ang dinodoktor hindi thesis data... hehehe... basta mas masaya pag maraming ulan!

kaya lang sana naman tumayming yung ulan di ba?!!! sana umulan pero hindi naman sana during MWF 330-6pm... ayoko kasi talaga nagtratrain sa gym... MAS namamarginalize kami dun... bihira lang kasi kami magbatting pag andun kami... parati baseball nag-babat =(... takte naman rin kasi.. konti lang nagtratrain sa sopbol... ayoko na muna magrant tungkol dito... sa ibang post na...

SANA UMULAN!!!!! pero wag MWF! TTh na lang!!!

*di ko kilala si Neil Sedaka... ang alam ko lang, lumang tao siya... in other words... kapanahunan ng tatay ko (ATA)... hehehe hanggang ngayon di ko pa rin xa rineresearch... kaya di ako sigurado... basta! feeling ko lumang tao siya!

**lalim no?! hehehe kahit ako di ko pa gets ung silbi ng optical freespace gayong me wifi na rin naman...

Tuesday, August 23, 2005

on writing...

i want to write something... anything... my mind's not up to it... im just plain sleepy and depressed... I dunno why... woke up early at 5 am... did my HW, passed it online although it was due last 12Midnight... fine with me if i passed it late... at least i understood it... i didn't have my classmate do it for me unlike other people... hehehe... di nman binabasa ng mga kaibigan ko to so ok lang... anyway... baka sourgraping lang ako kasi nga late ako nagpass ng probset... well... anyway... i was fine til 8am... then... bigla na lang ako inantok at nalungkot, at the same time...

ok great! my eyes are drooping... i still have class later at 12... i can't sleep again... i'm oversleeping already... that's it! i guess im depressed because im oversleeping... i overheard/read somewhere that when you oversleep it affects your mood somehow... i forget how... i don't want to sleep anymore!!! but my eyes want to!!!!

shit! my brain is not functioning well... GUYS!!! coordination naman please!!! kung inaantok ang mata! pumayag naman sana ang utak!!! and vice versa! sige i'll sleep till 10 then i'll work on my progress report... shit bolahan galore na naman to... sabi nga ng isa ko pang kaibigan na sawang sawa na rin sa progress report gaya ko... "kapag nagsusulat ako parang AB CREATIVE WRITING ang kurso ko!" langya puro fiction laman ng progress report... sige later ulit...

Monday, August 22, 2005

langyang parser yan...

hehehe langya.. me comments sa prev post ko.. sa tingin ko program lang ang nagpopost nun... pero rineplyan ko pa rin... in case totoong tao.. though I DOUBT IT... parser ang me kasalanan...

parser?ano nga ba yun... hehehe di ko lam exactly di kasi ako nakikinig maxado sa report ng mga kaklase ko... pero sa tingin ko un ung nagiidentify ng certain inputs then mag-eexecute siya ng something (e.g. post a comment) when it encounters that certain input... basta parang ganun... check niyo na rin sa google... baka kasi mali sinabi ko... hehe siya labrep na muna talaga ako.... TOTOO NA TO...

Sunday, August 21, 2005

sleeping in ateneo...

tatlong araw at dalawang gabi akong nasa ateneo... masakit katawan ko kahapon.. di ko lam kung sa training to o dahil sa sahig ng lab... sa tingin ko sa sahig... wala naman kasing maxadong bago sa training at ang naalala kung sumakit ang katawan ko sa training ay yung unang araw ko ng training 4 yrs ago...

anyway... ayun nakatulog ako last, last night di ko maalala kung anong oras... tumigil kasi ako sa pagkuha ng RGB(color components) para sa project namin kasi sumasakit na yung right temple ko... o di ba! hindi lang basta buong head ko ang masakit.. hehehe specific ang pain! takte! di ko lam bakit sa kanang side ang masakit... basta MASAKIT! kaya natulog ako habang inaantay ang iba kong kaklase na bumili ng pagkain dun sa 7/11... kaya lang sa sobrang antok ko... SABI NILA... pero di ko talaga maalala, ginigising daw nila ako habang sinasabing MAY ICE CREAM!!!MAY ICE CREAM!!! kaya naman nagdududa talga ako kung ginising nga ba talaga nila ako... kasi pag sinabing ICE CREAM ay nagigising talaga ako!!! makakatulog na lang ako ulit pag nalaman kong me marshmallow o kaya buko ung ice cream... pero di talaga ako nagising!!! o well... baka di na talaga kaya ng powers ko ang magising after 3 days and 2 nights in ateneo... hehehe... well AT LEAST this time marami na kaming pagkain at nakakatulog ako ng matagal tagal..

unlike last year... ok, reminisce muna ako...

...pebrero nun... hindi gaya ng iba naming ka-course ... napaaga nang 3 araw yung thesis defense naming mga students na under kay Fr. Jett... sabi kasi ni sir... ok daw un kasi at least we have more time daw to prepare for the FINALS... kaya lang... para sa akin na mag-isa lang sa thesis... medyo... (medyo lang naman since eto naman ako at nalampasan yun... pero nung time na yun... hindi medyo kundi TALAGANG...) hindi ok yun! saka isa pa, dumating yung gas (pure methane) na "centre and heart" of my thesis, more or less, 1 week na lang bago ang defense namin...

GREAT DI BA?! so... if i remember it right... i had 3 days to get the data na kelangan kong i-analyze, and 4 days to write yung buo kong thesis paper... ok... hindi naman talaga yung BUONG THESIS kasi nasimulan ko na yung intro saka yung theory... pero STILL... APAT NA ARAW??? to gather the data and analyze it... then finalize everything!!!!???!!! hello!!!!?! (by the way, ang isang set ng data ay more than a hundred data points!!! at ang isang point takes about 30 secs to a minute to obtain with me running around the room to adjust the settings of the laser diode driver, clicking the mouse to get the data, copying the data in excel, and writing it on my logbook for SAFE KEEPING in case mag-crash ang lahat ng PC na may hawak ng lahat ng files ko) ... dapat nga ibibigay ko ata yung paper ko sa adviser at panelist ko 3 days before my defense... but no!!! naibigay ko lang yung paper ko sa adviser ko at sa aking impromptu panelist (yung dalawa kong panelist ay di pde sa sched ng defense namin.. buti na lang andun si SIR G!) on the day of the defense itself...

so ayun apat na gabi kami (ako at ang iba under ke Fr. Jett minus Patrick... ang valedictorian namin... hehehe di na kasi kelangan mag-overnight nun... di ata nagcrcram un eh...) sa CSD... (CSD... CLIMATE Something[hehe di ko maalala] DIVISION... yung bldg na nasa likod ng Manila Observatory... un ang pinakaBAT cave namin)... yung iba... kumukuha sila ng data while writing the paper... ako naman sulat lang ng paper kasi ung set-up ko nasa faura... kumukuha ako ng data sa araw... i actually spent a night in faura kaya lang pinalayas ako ng guard nang mag-e-11pm... hehehe kwento ko na lang in another post... newei... ayun, we spent those nights in CSD writing our thesis papers... kaya lang lugi ako nun sa tulog kasi nga ako lang mag-isa sa thesis ko... ung iba kasi dalawahan sila...

so nangyayari...
  • 8PM kami nagkikita kita dun sa CSD... simula na ng research (may mga PC rin dun na may net na kahit supeeer slow ay nakakaraos rin naman kami...) at pagsulat ng paper... (dala ko lang ang aking kopong kopong laptop.. hehe labyah laptop... para di na ako makikipag-agawan sa iba dun sa mga pc.. saka kahit kopong kopong na tong dakilang laptop ko.. eh hamak naman na mas mabilis to kesa dun sa ibang pc... wehehe..)....then sometime in the middle of the night.. kape muna kami pag medyo antok na... hehehe astig kasi dun kasi may dispenser ng tubig... baso, plato, kutsara, at tinidor... hehehe kumpleto!!! kulang na lang saingan!... tapos around...
  • 2AM matutulog na ang isang partner ng mga kasama ko habang yung naiwang gising ay itutuloy ang pagsulat... (ako forever gising at gumagawa ng paper kasi alang partner... huhuhu...)... tapos mga...
  • 3AM ata... gising at gawa naman ung natulog tapos tulog naman ung gumawa... (ako gising pa rin at nakasimangot na kasi inggit na inggit sa sarap ng tulog ng mga natulog...)... tapos around...
  • 4 am (tulog na sila lahat.. kasi they have the luxury to do so... kasi 2x ang manpower nila)... around...
  • 5AM... manhid na at gasgas ang utak ko kaya matutulog na rin ako... isasara ko na ung mga ilaw... makikitabi ako dun sa iba kong kaklase sa sahig... hehehe kahit papano me sleeping bag naman kaming matutulugan.. ako nagdala ng sleeping bag... si ces naman, ung isa sa mga kaklase ko, ang nagdadala ng blanket... 3 kami dun sa sleeping bag... ung isang group me sarili silang sleeping bag at sariling mundo... hehehe ung 3rd floor kasi na PC ng CSD ung gamit nila... kami nila Ces at Jan (ung isang group) nasa second floor gumagawa... pero kaming 5 (3 groups kami... hehe isang grupo rin ako!) sa second floor lahat natutulog...
  • 6AM... gising na ung isang group...
  • 7-730 AM... magigising na ang unang maliligo sa amin nila Jan at Ces... sunod na magigisng ang next in line sa banyo... pero ako kadalasan ang huling naliligo kasi nga ako ang last na natutulog... hehehe kanya kanya dalang toiletries... minsan hingi-an ng shampoo at toothpaste...
  • di ko na exactly maalala kung 830 ba o 930 yung pasok namin basta mga 8-830AM... layas na kami sa CSD para pumasok sa mga klase namin... iwan namin dun sa CSD ung mga gamit namin na di namin kelangan sa klase for the next night... (e.g. sleeping bag at mga damit...)
  • repeat 4X.... except ung sa 4th night sinubukan kong matulog ng 1AM para magising ng 2AM kasi di na talaga kaya ng powers ko ang 3 araw na sched na nakasulat sa taas... KAYA lang... hehehe... hindi umepek ang paggising nila sa akin sa sobrang antok... 6 na ako nagising... at saka lang naituloy ung ginagawa ko..
resulta? PUMAYAT AKO!!! yeah!! hehehe yung isa kong pantalon na di na kumakasya sa akin biglang KUMASYA!!! with more room for bilbil! hahaha! pero pakingshet naman kasi na diet yun!... di lang utak ang ngarag sa akin nun kundi buong katawan at ang aking pinakamamahal na sikmura.... hehehe yung kain ko lang nun yung take out o kaya padeliver sa jolibee ng mga alas otso ng gabi.... hehe nakalimutan ko mabanggit sa taas... minsan kasi nakakalimutan ko na rin kumain ng lunch at breakfast kasi nga either pumapasok ako sa class namin during the day, o kuha ng data sa faura, o kaya naman ay... nasa library at naghahanap ng sources at ng iba pang pdeng pampahaba sa thesis... wehehehe....

yung 2 overnights ko last friday and saturday night ay wala sa kalingkingan ng overnights ko sa CSD... hehehe.. BUTI NAMAN... di ko pa trip MAULIT MULI ang nangyari last year.... pero sa tingin ko mauulit un... pero AT LEAST.. ngayon anim na kami sa THESIS NAMIN.. YEHEY!!!!

on the other hand.... hehehehe I also spent one night inside the ateneo not for academic reasons... hehehe sa halip ay... pumila kami ng boardmates ko, si Ate Jeng and Ate Iyang, at ng isa kong blockmate, si Pia, for ATENEO-LASALLE UAAP tickets... hehehe second year ata kami nun... at may exam kami ni P sa SA21 (Socio and Anthro)the next day... sabog kami ni Pia nun... nakauwi kami ng boardmates ko ng alas otso ng umaga.... ang nakuha namin na ticket... SA BLEACHERS!!! gahreat di ba!!! pumila pila pa kami!!! actually di ko maalala kung nanalo ateneo nun... feeling ko talo ata kami nun eh.. hehehe the next yr ata kami nanalo... syeters di ba? so ayun... sa Exam namin sa SA21... nakatulog ako... wahahah!!! syet talaga yun... buti na lang nasa likod kami... at buti na lang... sinagutan ko muna yung exam bago ako naglean sa table ng parang ganito (see pic below)... kasi kung hindi... bagsak ko sa exam na yun...

hehehe... ako yung nakajacket... si aldrich ung isa kong kaklase na tulog din... sana di xa magalit na nadamay siya dito sa blog na to... hehehe kasama ko rin yan sa CSD... kasama siya dun sa isang 2-member group na nasa 3rd floor ng CSD gumagawa.. hehehe.. sa tingin ko isa to sa mga araw na nag-overnight kami... o baka hindi... hehehe tulog lang talaga kasi kami pareho sa specific na class na to ni Sir M... sa PS 142... ito pa isang pic namin na tulog... hehehe ung isa kasing abnoy namin na kaklase, si LORENZO, gusto ata i-document yung pagtulog namin sa class...

wehehe buti na lang parating di kita mukha ko.... at buti na lang... di tumutulo laway namin... wehehehe.... btw.. o ha! kitang kita naman ung attempt kong magnotes... meron ako parating hawak na ballpen... kaya lang di talaga kaya ng mga mata ko... hehehe pumipikit sila ng di ko nalalaman... kaya naman ang gulo ng scratch notebook ko... (rinerewrite ko kasi notes ko dati)

paxenxa di ko na isinali to sa pikchur blog ko... hehehehe di ko naman kasi alam ng sinisimulan ko tong post na to na isasali ko pala ung pics above... o well... hehehehe

ayan.. siya.. gawa na ako ng mga dapat ko gawin for tom... isang assignment at isang labrep... haay.. labrep na naman...