Saturday, May 27, 2006

sige na naman hayaan mo na sanang may mangyari!

isa yan sa mga lines sa isang kanta ng parokya... hehehe... yan ang pinapakinggan ko ngayon...

nagkataon naman na yan parati yung dasal ko... well, hindi naman exactly the same pero yan yung gist ng dasal ko... sort of...

hahay... mayo na at wala pang nangyayari sa buhay ko... wala pa rin akong trabaho at malamang lamang... wala pang sweldo di ba? in short mayo na... umaasa pa rin ako sa mga magulang sa pang-araw araw kong panlamon...

ba't nga ba wala pang nangyayari sa akin? kasi ganito yun... plano ako ng plano di naman natutuloy... kaya from now on... DI NA AKO MAGPLAPLANO!!!!

whatever will be, will be! sabagay... kelan nga ba naman natuloy yung mga plano ko?kahit nga sa mga outing na lang mas natutuloy pa yung mga outing na biglaang yayaan lang kesa yung sa pinagusapan talaga eh...

kaya lang kung di ka naman magplaplano baka naman kasi isang araw, di mo man lang namalayan, you're in deep shit na! pero sabagay di ka naman mapupunta sa sitwasyon na ganun kung di ka mag ga gago... o well... although tatanga tanga ako paminsan minsan.. nagiisip rin naman ako kahit papano at sa lahat naman ng butas na kinalalaglagan ko, so far, ay nalulusutan ko pa naman... pailalim man o pataas ang daan... basta lusot! ok na yun!

hahay... o well... ayoko na magplano pero susubukan ko na kahit man lang maging organized... kahit yun na lang.... hahahahhaha!!! as if?! organization?! moi?! AsA! pero di naman bawal sumubok so ok lang... hehehe... sana may mangyari...

buhay!!! dati ang hirap... ngayon naman ang gulo! life o life!

No comments: