Monday, August 14, 2006

gahrreaaaaaat!!!

kung kelan ako pdeng magcheck ng friendster.. ngayon naman sya nagtopak di ba? gaaaaaaahhhhhrrrrrrrrrrrrreeeeeeeeeeeeeeaaaaaaattttttt!!!!

hahay! kawawa naman yung nag-add sa akin... di ko pa sila ma-aadd kaagad.. poor them... hahahaha!!!

teka teka! dapat pala tipirin ko ang aking Ingles... kasi sa Miyerkules babalik na akong Subic at naroon ang aking tiyahin na galing NY at ang kanyang dakilang 3 anak na di marunong mag-WARAY o mag-TAGALOG... baka maubusan ako ng mga salitang maari kong gamitin... at tuluyan nang dumugo ang aking pagkaganda gandang ilong.. bwahahahaha

ikwekwento ko na lamang ang aking naging experyensiya (nasa dulo na ng dila ko ang katagang aking hinahanap pero tila hindi ko maibulalas! nyahahaha!) kasama ang tatlong nilalang na iyon...

ang panganay ay labingpitong taong gulang... kaedad ng aking nakababatang kapatid... ang pangalawa ay labin-apat na taong gulang samantalang ang bunso ay siyam na taong gulang lamang...

pagkatapos nilang kumain sa Gerry's Grill (kaming apat lamang ang magkakasama dahil ang mga matatanda ay may meeting na pinuntahan): hindi sila nagsasalita kung hindi ko sila kinakausap kaya naman para akong tuod habang kasama ko sila... hindi ko man lang mailabas ang aking tunay na anyo (ako pala si MAHIWAGANG KAY hahhaha iyon ay biro lamang.. nyahahaha baduy!) ang ibig kong sabihin ay, hindi ko mailabas ang aking tunay na sarili (ang baduy ulit)... eniwey (tagalog na rin yan, iba ang pagbaybay sa ingles na bersiyon), pagkatapos ko silang tinanong ng kung anu-anong kagaguhang tanong na alam ko naman ang sagot (halimbawa: your classes start in september right? o kaya naman ay the two of you are in high school and you're in grade school?(habang nakatingin sa bunso)DUH??!?!?!?!?!?! MALAMANG!)

leche! nasubok ang aking abilidad sa paggawa ng walang kamatayang small talk na yan! kulang na lang sabihin ko na dito sa Pilipinas ay walang niyebe samantalang sa America ay meron... o nasabi ko ba yun?... at saka nga pala... nagamit ko na rin ang walang katapusang topic ng klima kasi umuulan no'n at nakatanga na lang kaming tatlo kasi di naman sila naguusap kaya sabi ko... (with a sigh pa yun ha!) *insert sigh here*
"It's always raining.." kung saan ngumiti lang ang pangalawa, dedma ang panganay, at ang bunso ay nakatingin sa kawalan... ANG SAYA DI BA?!

sana sa susunod... magkaroon naman ng debelopment (hihi) yung paguusap namin di ba?! okey lang sa akin kahit malunod ako sa kalaliman ng aming paguusapan... ayoko na ng usapang puro tinginan sa kawalan para lamang makaiwas magsalita... pakshet! magkakabad breath ako pag parating ganun!

im in qc, not in subic...

for the meantime... hehehe actually until wednesday lang...

was able to get a break from the eternal vacation that I was having... hehe buti na lang Soluziona called me for the nth time...

hehe hindi naman ako nagyayabang... Soluziona did call me for the nth time because i kept missing my previous appointments on purpose... hehe BEFORE, I wasn't ready to start working just yet (and didn't realize it KUNO) so I kept saying YES to the appointments that they kept arranging for me... it was always only when I'm supposed to leave for QC that I decide not to go... hehe atake ng tamaditis....

NOW, I'm so sick of Subic and the non-traffic, always on time because of lack of traffic, and of course the greenery.... wait! mali... i love the greenery pala... i hate the lack of greenery in my wallet... so I decided to show up for the appointment tomorrow... Even if I don't get the job, it's ok... I'm in Metro Manila... and I'm doing SOMETHING besides exercise my fingers by switching channels on the television... YEHEY! maybe i'll watch a movie tom... NOT! hehehehe.. yeah yeah i'm in the city but that doesn;t mean I have the moolah to be able to live the city lifestyle once again like what I did in college (WOW! college! a thing of the past na siya! hahaha! as if!) anyway... so after the appointment, i'll grab a taxi (yep taxi, di ako marunong magcommute from LIBIS to Balara!), and maybe take a swim, watch a dvd, sleep, wait for my friends to call and tell me that they'll be in my place in an hour... hehehe gastos nila.. may trabaho na sila ako wala pa...

then... wait until wednesday for nong rod, anddddddddddd... back to subic again! hahahay