napagalaman ko kasi (dito sa Ateneo ha?) na meron mga Pilipino na di marunong lumangoy... rason kung bakit? (sarili kong pagmumunimuni to...)
- una, baka di mahilig maglakwatsa kung saan saan (i.e. kutong bahay) o kaya walang masabayan sa pagkakalat dito sa Pilipinas, o kaya walang pera panglakwatsa, o kaya sa sobrang bihira niya magpunta sa isang matubig na lugar, di siya nakakapagpraktis!
- pangalawa, siguro hydrophobic... (kagaya ng kaklase ko na di naliligo... hindi to exaggeration... fine.. hindi siya hydrophobic, pero talagang hindi siya naliligo... bakit? kasi nahihiya siya sa mga kasambahay niya sa kuryenteng gagamitin niya sa pagiinit ng tubig.... HINDI SIYA NAHIHIYA SA AMOY NIYA... ikinakahiya kong may Pilipinong ganyan mag-isip... SOBRANG LABO! MAS MALABNAW PA KESA PUTIK ANG UTAK!)
- pangatlo, siguro bulag... (di ko sinasabi na ang bulag di pdeng matutong lumangoy) no need to explain... unless malabo kang tao...
- pang-apat, sobrang bigat di na niya kelangan matutong lumangoy... either, kahit anong gawin niya lumulubog siya o kaya lumulutang talaga siya...
siyempre di rin naman nawala sa pagswiswimming ang pag-aalaga sa mga bata naming pinsan (yep pinsan... yung mga pamangkin ko {thru a cousin ha? la pa akong pamangkin sa kapatid ko... hehe baka sapakin siya ni papa pag nagkaganun... ok di naman siguro sapak... sampal siguro} di na kelangan alagaan.... kung malunod sila kasalanan na nila yun.. hehehe.. malalaki na sila... siyempre di na nila kasalanan kung talagang linunod sila... newei, I digress...)
nakakapagod mag-alaga ng bata!!!! kelangan mo habul-habulin kung san nila trip tumakbo... you have to wait on them hand-and-FEET! kung ayaw mong masisi ka ng matatanda (i.e. mga tito at tita at siyempre ng sariling parents ko na rin) kung may mangyari sa kanila... I bet yung mga yaya ang lalaki ng biceps kakakarga sa mga bata.. grabe.. nakakangalay!!!! ok lang kung nasa tubig kayo kasi di sila gaano kabigat pero pag wala na kayo sa tubig naku! mas matindi pa sa weight lifting ang ginagawa mo! lalu na kung may kalusugan ang iyong inaalagaan... hahaY! at least ok na yung malusog kesa sakitin...
pero besides dun... bago kami umalis ng beach... siyempre kelangan may memorable na mangyayari... saka ako natusok ng sea urchin (lulusong na ako para makapagbanlaw nun!) kung kaya't... yep guys... kelangan buhusan ng ihi ang aking delicate foot...
for the record... i only went to that beach twice... i was also pricked by an urchin in that same beach... TWICE... so far 100% walang mintis ang mga lecheng sea urchin na yan sa pagtusok sa paa ko... siguro naman if I went there more often the statistic would go down naman no?... I sure hope so... mga lecheng sea urchins!
No comments:
Post a Comment