Last Oct 1, isang maulang araw ng Ramadan, instead of humilata ako sa bahay at mag-DVD ULTRA-marathon... ay nagpauto ako kay Marko na sumama sa bikeout. Eto ang history via text:
Marko: oi bikeout, La Mesa, Oct 1
Naomi: gusto ko pero ala akong training
Marko: yun na training mo
Naomi: okies! ^_^
Dapat tandaan na ang aking bike activities ay limited sa may baba ng bahay pag di ako makatulog at ang huling Multo Sports Race, ilang buwan na ang nakalipas, kung saan isinumpa ko ng maige ang bike ni Joie (na akin na pala, hehe nabili ko kasi juntis naman si Joie-yo at malamang lamang ay di niya gagamitin in N months (di ko na maalala kung kelan ko binili at kung kelan ko nalaman na buntis si Joie hehehe))
At dahil magkasundo naman kami noong bike during stroll-in-the-park-bikescapades, naisip ko, okay lang naman siguro na sumama ako sa bikeout. Isip ko lam naman ni marko na di ako supah fit so baka nai-take into consideration niya na yun noong nag-text siya. So, la la la la la (sing to the tune of kung ano man ang cool song mo ngayon) hepi hepi pa ako at excited.
Although kinakabahan na ako sa thought na mag-bi-bike ako from Balara to La Mesa... kasi di pa ako nakakapag bike sa highway, kasi... OO... DUWAG AKO! DUWAG AKO SA MGA TRUCK!!! naiimagine ko parati sarili ko na nag-sp-splat and crackle with my bike sa ilalim ng mga letsugas na mga truck na yan! (leche kasing mga email ng mga nasagasaan sa highway, at leche rin kasi napaka-curious-george ko at tinitingnan ko pa talaga ang mga pics. Selective ang memory ko at pag sinelect niya ang memory na yun... MATAGAL bago ilagay sa recycle bin!)
BUTI NA LANG TUMAWAG SI Marko the night befor AT SINABING MAGDALA AKO NG KOTSE PARA SABAY KAMI NI RIA papuntang La Mesa! wahoooooo!!! SAVED! (from the trucks, that is!)
So ayun, sabay sabay kami nila Glen, Alpha, at Ria papuntang La Mesa with Fabio (para sa mga di nakaka-alam, yun pangalan ng kotse ko). At dahil maaga ako dumating kina Alpha, eh maaaga rin kami naka-alis. mga malapit na mag-8... hehe.
After mag-withdraw at bumili ng pang-lunch namin, dumirecho na kami sa La Mesa Forest Reserve c/o Glen - the driver/interior-designer-ng-mga-bike-sa-loob-ni-Fabio dude. Naabutan namin malapit na sa may entrance ng gate ng Forest Reserve yung iba naming kasama na nag-bike lang papunta.
May orientation before mag-proceed sa actual bikeout, para malaman namin kung san napupunta yung 200/head na binabayad namin (donation daw sabi noong manong kasi 24 hours on call ang mga workers sa La Mesa, at may 60 ata sa kanila na di ganun kaganda yung sahod... so basta parang tulong na rin). Kung hindi man malinaw sa akin kung kanino napupunta yung pera... PAGPASENSIYAHAN NIYO NA! Nag-hang utak ko bigla ng nabanggit ang mga katagang 34KM yung route! (Background music sa utak ko habang parang may roulette na paikot ikot sa harapan ko na may nakasulat na 34km route: POTANGNA MO MARKO!!!!!) Maya-maya, may narinig akong nagsalita... *not verbatim* "Akala ko 20km lang yugn route?" Nilinaw ata nila na although may 34km route, 20km route lang yung gagamitin namin... (nasa utak ko pa rin: POTANGNA MO MARKO!!!) Kung yung 11km nga sa multo sports sinumpa ko na yung bike, yugn lecheng 20km pa kaya????
Dahil di kinaya ng utak ko, nasabi ko rin ata yung: POTANGNA MO MARKO outloud, although may kasama namang smile. Kasi baka pag naalala ni marko sa gitna ng daan na minura ko siya without a smile ay baka biglang La Mesa Forest Reserve Local na ako forevah... Di naman ako umangal ng todo (I THUUUNK!)
AND THE BIKEOUT BEGINS!!! wahooooo! noong start, puro pababa, so naisip ko ay, sige keri ko naman siguro yugn 20km kung puro ganito... so la la la la la la (happy song tune) Hepi hepi ulit ako, nakikipagkwentohan pa ako with my biker-dude/dudette friends. Pag may konting incline paakyat, keri pa rin naman. Kahit nahuhuli ako parati, OK lang. Wala na naman akong pride, saka no pressure kasi di anman ako biker dudette pa talaga at sabi nga nila glen: Haciendera/Haciendero pace lang. Feeling ko at that point, silang mga nauuna sa akin ang mga mayordomo/mayordoma ko... they're paving the way for the actual doña - AKO mwahahah!!!
May isang fact akong nakalimutan: umuulan at may humahabol na putik galing sa likuran ko. Dark colored ang jersey ko... SA HARAP. Yung sa likod... PUTI... noong start. Later BROWN na. Isip ko, sige lang, ok lang, basta buhay! keri pa! madali lang naman magpalit ng labandera. So, la la la la la la (hepi Song ulet). Padyak dito, padyak doon, baba pag medyo matarik o kaya pag nakitang yung nasa harap mo bumaba, angat ulit pagdating sa point kung saan umangat yung nasa harap mo. In short, monkey see- monkey do ang style ko sa bike out na yun.
CLIMAX: may isang downhill na tila easy, easy lang, considering na meron naman akong brakes na gumagana ng matino at mukhang di naman siya ganun ka-steep. Malakas ang loob ko na hindi bumaba ng bike ko. Para tantya-tantya lang KUNO ang brakes ko... so, la la la la la la la... *accelerating* (brake ng kaunti sa likod) la la la la la la *still accelerating* (diin pa ng onti ng brake sa likod) la la la la la la la *nag-aaccelerate pa rin talaga (TODO BRAKE NA SA LIKOD plus tantya-tantya sa harap) *POTANGNA nag-aaccelerate pa din* (OUTLOUD: MOMMY!!! MOMMY!!!!, dagdag ng break sa harap, nakaipit ang index finger between brake trigger sa front and handle bar para di ako mapa-todo ng brake sa harap) *STILL ACCELERATING with glen sa background: KAya mo yan NAOMI* (OUTLOUD: MOMMY!!! MOMMY!!! MOMMY!!!!!!!!!!!!, sa utak ko: POTANGNA! anong kayaaaaaaaaaa pinagsasabi niya!!!!?!?!?!) DI KO NA LAM kung anong nangyari... bigla na lang nasa ere na ako at alam ko lang ala-super man pose with my right arm forward (di ko lam asan ang left arm ko. Sorry di ko na-pag-aralang maige ang pose ko considering na iniisip ko ang buhay ko. OK. LYING. i wasn't exactly thinking about my Life, di ko lam basta alam ko di pa ako mamatay nun! basta kasi sobrang bilis lang talaga ng pangyayari. next thing i know, saka na nag-slow motion picture (walang flashback.. kaya siguro alam kong di pa ako mamatay kasi wala pang flashback). Wala na ako sa ere. Nasa lupa na ako. Superman pose pa din. Pero nararamdaman ko yung maliliit na pebbles sa may arm ko, feeling ko masusugatan na ako (o baka may sugat na ako) so tumalikod ako sa lupa via my right side kung kaya naman ang sakit ng kanang side ko with matching bruises to boot.. at dahil sa Laws of Physics ay tumigil rin ako, with my back on the ground.
Dahan-dahan akong tumayo at umupo sa may gilid, dun sa may damo na part, just in case meron akong agarang fan na gustong gumaya sa ginawa ko at masagasaan pa ako. Ayoko na madagdagan ang injury ko kung meron man. Sinubukan ko mag-inventory ng parts ng katawan ko at nagcheck sa utak kung may bali ba ako or something. masakit yung may rib area sa right side ko. i think dahil sa pag bagsak ko at sa pagturn ko while im still skidding. Masakit sa may right thigh ko, *angat ng short* okay may skid marks yung leg ko against the ground. Naiimagine ko na yung pasa dun pa lang. Si alpha: "ate okay ka lang? yung bike mo?" SHET!!! yung bike koooooooooooooooooooooooo!!!!
Saka ko lang naalala... medyo naalala ko pa yung huli kong tingin sa bike ko halos fully overturned yung handle bars towards the bike seat... (di ko lam pano at kelan ko siya nakitang overturned.. siguro habang lumilipad ako eh napalingon ako) SHET kalahati pa lang kami sa route!!!
Hassle kung maglalakad ako! di lang sa akin kundi pati sa mga kasama ko... pakshet!malamang di naman sila lahat iiwan ako.... nakakahiya sa mag mamagandang loob (KUNG MERON MAN... hehehe)... pero buti na lang upon closer inspection of marko, glen, manong guide, etc... di ko na maalala kung sino pa yung ibang nakicheck... eh eto lang ang problema:
1) basag yung tolda (tama ba?) Ah basta! basag yung metal na pinagkakabitan ng handle bars. pero di naman totally basag na pag diniinan eh mapuputol. So keri pa...
2) na-otso ang harap na gulong. but not to the point na hugis otso na talaga siya.... basta di na siya perfect! kaya lang since hindi naman kami pde magtono sa gitna ng la mesa kasi wala naman kami tono-ing skills...
Kinailangan ko mag make do with slightly otso-ed front wheel and slightly basag na tolda (kung tama man ang tawag sa part na yun)... Hinigpitan na rin nila yung mga brakes ko... YAHOOOOOOO!!! nang malaman kong may ihihigpit pa pala yun eh napa-thank you Lord na lang ako!!! hahaha!
after ng aking major semplang eh wala na namang sumunod pa... although everytime merong slight downhill with puno and bato on the sides eh medyo nag-lo-loop-d-loop ang puso ko at konti na lang eh isuka ko siya sa kaba... kaya kung minsan eh bumababa talaga ako kahit sa tingin ko eh 2 degrees na slope lang siya! hahaahaha! OO NA LOSER NA!!! eh kung IKAW KAYA LUMANGOY SA LUPA?!?!??!!!!!
things to thank God for:
1) buhay ako
2) wala akong tocino (salamat sa warmers ni marko ni hiniram ko before magstart ng bikeout)
3) may guts pa akong umulit!
Sana lang... sa future bikeouts mas lumiit na yung surface area ng mga pasa ko... taena... parang work of art ngayon ang thighs ko!!! so colorful!! ahlaaaaveeeeet!
things to remember:
1) mag-warmers - not only keeps you warm, also keeps tocino-like wounds away making sure you still have soft, smooth, and silky skin afterwards (kahit may scratches... basta wag lang tocino!) - that is kung soft, smooth, and silky yung skin mo to begin with... otherwise... MAg-lotion ka muna leche!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment