Sunday, July 17, 2005

wala akong maisip na title...basta kwento ko to... wag makialam

hmmm...
ang naabutan ko sa seminar on safety and hazards etsos etsos ay(nagpa-late ako kasi yung libreng pagkain lang naman ang habol ko talaga dun saka siyempre ang attendance)... ang mga nakakadiring picture ng mga kung anu-anong sugat na idinulot ng kung anu-anong mga bagay na SANA hindi ko gawin, kasi hindi ko naman talaga alam kung ano kasi di naman ako nakinig dahil ako ay sobrang inaantok kung kaya at ako ay natulog na lamang sa likod...

at ako naman ay sobrang inantok hindi dahil sa speakers kasi medyo nakakaaliw pa nga yung inabutan ko (siya ay boses babae na lalaki, di ko pa rin sure kung bading yun o talagang LALAKI since hindi naman ako ganun kacurious sa sexual preference niya para lapitan siya at tanungin siya outright kung bading nga ba siya o talagang boses matandang babae lang siya), kundi dahil sa pesteng req'ts ng year book! HINDI AKO NATULOG KAGABI!!! putik... hehehe actually kasalanan ko kasi ung write up na pinapagawa sa akin ay, as usual, last minute ko na nman ginawa... at saka siyempre yung dakilang senior's page ko na walang kwenta ay nagawa ko lang after ko natapos ung write up! putik ang panget ng senior's page ko this year!!!!!!! nakakaasar... I could have done better kaya lang due to time constraints..hehhe... I wasn't able to do so... pero since sayang naman yung slot ko dun sa CD ay ipinass ko pa rin yung panget na nagawa ko... di ko kasi trip irecycle ung dati kong senior's page... hehehe at least kahit papano may maidadagdag ako sa pde kong pagtawanan...

anyway... sa ngayon I am dreading monday... nakakatuwa gumawa ng thesis kaya lang kasama nito ang pressure, di lang galing sa advisers at groupmates mo(kung meron kang adik na groupmates, mabuti na lang walang adik sa group namin) kundi galing na rin sa sarili mo... kaya lang kung kagaya ka sa akin na reyna ng procrastination... mas matindi ang pressure galing sa sarili mo...
hindi lang pala thesis... putris me problem set pa rin pala... ayoko na muna magsulat tungkol sa lunes nadedepress ako...

wla akong maisip na nakakatuwa sa ngayon... bakit ba ang gulo ng buhay! (naghahanap ka ng koneksyon? gagu wala! trip ko lang itayp kaya ko sinulat... tama na nga nakakatamad na.. babasa na lang ako komiks dito sa net...

No comments: