... ng utak ko... ng buhay ko...
grabe ngayon lang ulit ako naka-update... kahit gusto ko magblog for procrastination purposes talagang di pde... kung nakaharap man ako sa PC na may net.. sobrang search for sources lang ang nagagawa ko, upload ng files to be submitted sa mga adik na tchrs at magcheck ng mail for updates of grade and other assignments from the said tchrs... syete... hehehe ay nakakapagcheck pala ako ng friendster kahit papano at nakakareply rin naman ako sa mga emails... pero hanggang dun lang yung extent ng procrastination ko ngayon... grabe!!!!
pero nakastart lang ata ako magreply sa mails kahapon o kahapon ng hapon, prior to that sobrang pag nagchecheck ako ng mail ko... okay... scan for mails from blockmates and teachers... open the mails then scan yung mails nila kung me mahalagang announcement.. minsan nga di ko na binabasa kasi sinasabi rin naman ng mga kaklaseng kasama ko pag may bagong announcement...
... kahapon ng mga 12 hanggang kaninang mga alas dos rin ng hapon... sobrang di ako mapakali sa sobrang kaba... syete delikado kasi ako sa isang subject... as in delikado! masaya na ako pag naka-D ako sa subject na yun... bakit kasi ang bano ko sa programming... takte... dapat kasi kakausapin ko yung tchr ko kahapon para tingnan kung kelangan ko pa i-coerce yung mga kaklase ko na mag3rd long test kami this friday or thursday o kung papayag siya na ako na lang maglongtest... nakausap ko siya sa phone kaya lang policy raw niya kasi.. optional yung last long test pero the catch is... everyone will take the test or walang kukuha ng test... eh dahil nga sa nakakapanggilalas (hehehe wala lang trip ko lang gamitin yung word) kong standing... kelangan kong magtake ng long test.. yung mga kaklase ko.. ok naman sa kanila na magtake pa ng long test kahit ok na standing nila at may risk sa kanila (bait nila no?) kaya lang yun nga nahihiya naman ako na pilitin sila magtest kasi nga ang dami dami naming gagawin this week... sobrang wala na talagang time para mag-aral for another test.... so sabi ko sa teacher namin kung wala na ba talagang ibang paraan na di na madadamay yung iba kong kaklase... sabi niya kausapin raw niya ako at pupunta siya ng school at 6PM... kaya ako naman sobrang kaba na sa confrontation kasi di ko alam kung ano pa masasabi ko sa kanya kasi feeling ko nasabi ko na ata lahat ng kelangan ko sabihin sa kanya dun sa phone conversation namin... pero kelangan ko pa rin siya iconvince na kelangan ko maglong test na hindi na damay mga kaklase ko... kaya lang ng mga 6 na... ayun nag-aabang na ako sa labas ng office niya para naman pag dumating siya nakikita niyang inantay ko talaga siya at may paki-alam ako sa grade ko kahit papano... kaya lang... langya 630 na wala pa rin siya.. sobrang yung puso ko tatalon na mula sa dibdib ko sa sobrang kaba... tapos wala pa rin siya... so tumawag ako sa office nila... biglang sabi... sorry daw kasi may di siya natapos na gagawin so sabi niya bukas na lang raw after lunch... (meaning kanina after lunch..).. so ako.. ok lang at least napostpone muna yung kaba ko kahapon para sa ngayong araw na to...
so yung araw ko kahapon after nun medyo ok lang wala naman masyadong happening besides sa napagsarhan kami ng guard ng mga 10pm dun sa ctc at di kami nakapagsynthesize ng project namin... kaasar nga eh.. pero ok lang at least ginagawa nung guard yung trabaho niya di ba?
so pag-uwi namin sa bahay.... kasama ko si Jeleen, kaklase ko, sa bahay kasi dapat gagawa kami ng documentation ng isang project namin... kaya lang sa sobrang pagod dahil sa panic at stress kahapon... natulog na lang kaming dalawa... (nung Saturday hanggang Monday ng umaga pala nasa condo unit kami ng mga kaklase namin kasi gumagawa rin kami ng documentation ng isa pa naming project para sa isa pang subject... umuwi lang ako ng Sunday para kumuha ng damit para sa MOnday... na kahapon pala... hanggang ngayon nalilito pa ri ako sa mga araw... akala ko wednesday na ngayon.. tuesday pa lang pala....)
anyway... ayun kaninang mga noon naman inaabangan ko ulit yung tchr ko sa labas ng office niya dito sa faura.. mula 1230 hanggang 130 ng hapon palabas labas ako dito sa lab para icheck kung dumating na siya.. langya 130 wala pa rin siya so tinawagan ko siya ulit... ayun may ginagawa pala siya so pinapunta na lang ako sa XanLand (hehehe kanina ko lang nalaman na ganun pala spelling niya... kala ko SUNLAN hehehe di ko kasi binabasa yung label ng lugar...kahit na araw araw ko siyang dinadaanan since nasa harap lang naman siya ng ateneo.. hehe ang abnuy ko talaga minsan...)... hehehe sinamahan ako ni Jeleen, siya kasi yung beadle namin sa class na yun... para makausap niya na rin si Sir kung me exam ba talaga kami O wala... ayun nakausap ko naman siya ng matino... naku buti na lang mabait yun kahit papano... basta sabi ni sir tiningnan naman daw niya yung standing ko... di ko naman raw kelangan magtake ng 3rd long test(at ng mga kaklase ko na willing magtake ng long test, kahit ayaw na nila, para lang matulungan ako...) as long as Ok yung project namin... grabe... nawala rin kaba ko kahit papano.. so yun.... ayusin na lang namin project namin.. kahit ma-D pa ako sa final standing OK LANG! di na ako takot sa D noh! na-immune na ako dun... basta wag lang F sayang sa pera... ayoko na kumuha pa ulit ng elective next sem... gastos lang sa pera at panahon...
ngayon.. dapat nag-aaral na ako para sa final exam ko bukas sa Communication Systems ko na subject pero hehehe nagpost muna ako ng blog ... newei... grabe kung kelan may final exams kami.. saka naman kami naglaro ng baraha... ayun at least nakapag-unwind naman kami ng konti kahit papano.. at least mamayang gabi pag umuwi ulit kami ni Jel sa bahay mag-aaral na lang kami.. tapos na kami mag-unwind... weheheh... siya siya... aral na ako... nakakatamad na magkwento... wala na akong maikwento... hehehe... actually marami pa akong ikwekwento kaya lang ang dami daming nangyari at alam kong marami pang magyayari... di ko lam kung ano ang uunahin kong ikwento... wehehe... siya aral na ulit ako...KUNO.... ^____^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment