Saturday, October 22, 2005

sembreak na ba talaga?

sembreak ko na officially...

AT LAST...

officially? you may ask... kasi ganito un... last mon pa talaga pa yung start ng sembreak ng ateneo pero... kanina lang ako....
  • di na nagmamadali papuntang school...
  • saka wala na ung feeling ng dread na may nakalimutan akong req't kasi natapos na at last yung last req't namin kagabi... rather... di namin natapos so ipinass na rin namin... consequence? baka may bagsak ako this sem...
pero kahit sembreak na... di pa rin ako makapagcelebrate ng lubusan kasi...
  • una, dahil nga sa pinangangambahan kong bagsak ko...
  • pangalawa, masakit lalamunan ko... yung parang may tonsillitis ako pero hindi naman talaga... yung parang kinamot yung tonsil ko ng tinidor o kaya ng mahahabang kuko... yung tipong maya't maya gusto mong uminom ng mainit na tubig para ma-wash away yung plemang ramdam mong nakakapit dun sa tonsil mo... yung tipong takot kang kumain o uminom ng malamig at/o matamis na pagkain o inumin dahil masakit pagkalulon mo nun... un...
  • pangatlo, may sipon ako... (nauna lang yung sa tonsil ko...) mahapdi na ilong ko sa kakasinga... feeling ko basag basag na yung eardrums ko sa kakasinga... at kaya ako sumisinga ng madalas kasi feeling ko kahit nakasinga na ako ng maigi ay meron pa ring natirang uhog dun sa loob ng ilong ko... basta yung feeling mo lang na meron pa...
  • pang-apat, lalong masakit yung lalamunan ko dahil sa kasama pa nitong ubo... di naman siya ganun kalala.. saka di naman ako madalas umubo pero pag umubo ako yung tipong lalabas na yung baga ko... kaya tuloy.. amoy plema ang hininga ko... yuuuuuuuccccccccckkkkkkk grossssssss
  • last but not the least, dahil sa mga sakit ko na to di ako makaalis ng bahay para makasauli ng vcds na rinent ko o kaya makarent ulit ng bago o kaya naman ay makapaglaro ng... hehehehe... tantra... (lunes pa naman training sana magaling na ako by then kaya di ko muna irenireklamo un...)... ayoko naman kasi isubject ang mga tao around me sa sipon at ubo ko no... ayoko naman mangdamay ng ibang tao sa sakit ko... saka sobrang nanghihina yung mga kalamnan ko... feeling ko konting tulak lang sa akin matutumba na ako... nanghihina yung joints ko grabe... ang kaya ko lang gawin ngayon ay ayusin ang hinihigaan ko, magnet, maligo (takte kahit nga maligo nanginginig ako.. hindi dahil sa lamig pero parang ang laki kasi ng kailangan na effort para makapaglinis ako ng katawan ng matino...), saka maginit ng tubig na iinumin ko... haay ayoko na mag-attempt magluto baka kung ano pa mangyari... BUTI na lang me pera pa ako dito... kaya padeliver na lang ako...
sana makasimba ako bukas pero parang malabo... nanghihina talaga ako... ayoko naman pumuntang simbahan at umubo lang ng umubo at suminga ng suminga... makakaistorbo lang ako...

(patalastas lang.. nanonood ako or rather Jack and Bobby yung palabas ngayon dito sa likod ko, Studio 23, hehehe ang gwapo ni Jack.. di ko kilala kung sinong artista yun... basta gwapo.. kaya lang too maputi for my taste... pero gwapo...)

ok kakasinga ko lang at narealize ko paubos na ang tissue ko dito sa bahay... kelangan ko talagang lumabas tom or tubig tubig na lang wehehee...

siya pahinga na muna ulit ako... sana by tom or mon ok na ako para naman maappreciate ko tong sembreak na to kahit di ako makapag out of town or makauwi sa amin...

ayan dumating na rin yung order ko.. kain muna ako...

No comments: