gaya nga ng sabi ng kaklase ko... habang yung ibang students nag-bobora na, o kaya naman nasa sarili na nilang mga probinsya o kaya naman ay nagplaplano na mag-out of town... kami naman... andito pa rin sa lab... well sa ngayon ako lang andito sa lab kasama ang ibang 5th yr na di ko kaklase... yung mga kaklase ko kasi umuwi muna at naligo... dun kasi kami sa bahay natulog kagabi at biglaan lang yun so wala silang mga dalang damit papunta sa amin... hehehe ako lang ang fresh na umalis ng bahay...
newei... ayun nanood lang kami ng D'anothers kagabi... para naman makapag-unwind kahit papano... 3 araw na kaming sunod sunod na andito lang sa Faura lab.. well at least di na kami natutulog dito di ba.. pero naku naman.. mga 10AM-12NN ata kami pumapasok dito sa lab tapos aalis kami mga 10Pm na.. kasi pinapalayas na kami ng guard.. wala na kasi yung teacher naming kaklase.. di na kami pde mag-overnight ng basta basta... buti pa sa MO(manila observatory) ok lang kahit wala kaming faculty na kasama... well para naman kasi sa thesis yun... at ito namang ginagawa namin ngayon ay final project lang sa verilog... ang subject kung san ako IN GRAVE DANGER... buti nga magagaling kagrupo ko.. langya wala akong alam sa project namin... ok meron pero sobrang insignificant... general description lang ang alam ko...
buti na lang mababait tong mga kagrupo ko... langya actually kahit bagsak yung grade nila sa final project B or B+ pa ata grade nila... 2 na lang kami ng isa ko pang kaklase ang nangangailangan ata ng at least 60 sa final project para pumasa sa buong subject...
since nagkatopak topak yung hardware na ginagamit namin para maiplement yung project ayun at natigil kami sa paggawa kahapon... pero ganun pa man gabi pa rin kami nakauwi kasi sinubukan KUNO namin ayusin yung FPGA... takte 100,000 pesoses pala ang halaga ng bawat isa nun tapos nasisiraa lang namin.. syets... pero hindi naman namin sinasadya at hindi naman dahil sa katangahan... ang naiisip lang namin na dahilan kung bakit biglang umiinit na lang yung mga yun ay ayaw na rin nila na magprogram kami... or rather si pancho... wehehe... siya lang naman actually yung gumagawa ng entire program... konting tulong sa pin assignments saka sa wiring lang ang naitulong ko talaga dun... when I say konti... I mean KONTI...
ayun nagpadala kami ng working code kagabi kay sir... kaya lang kelangan niya pa i-rate yun... kung pasado na kami sa grade na ibibigay niya.. tapos na kalbaryo namin.. kung hindi pa rin.... ayoko nang isipin... sana naman pumasa ako....
kaya eto ako ngayon nagaantay ng email ni sir... habang yung iba naglalaro na... (gusto ko na rin magtrain!!!!!! pero takte.. hangga't hindi to naaayos feeling ko wla akong karapatang magpakasaya)....
SANA pumasa ako...
kaliwang pinky ko? nabebend na siya pero hindi pa rin siya as sexy ng kanang pinky ko... tabatchoy pa rin pero di na kasing lala ng dati.... sana MAKAPAGSEMBREAK NA AKO!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment