Thursday, September 10, 2009

Float On

Hahaha! siyempre hahaha! yung una kong word! kung word nga ba yung Hahaha! O onomatopeia lang ba siya ng laughter... ah ewan!

Heniweis, gaya ng sabi ko...Hahahaha! Pakshet di ako makamove forward sa ahhahaha!

This post is long overdue... matagal ko na balak isulat kaso naudlot kasi di pala tuloy yung pag-alis ni eL dati... kaso ngayon tuloy na tuloy na talaga yung pag-alis niya... huhuhuhu!!! At siyempre in-insert ko lang 'to after ko isulat yung ibang naisulat ko na sa baba so alam ko na na mahaba na naman yung intro nito bago pa dumating sa kung bakit ko nga ba naisulat 'tong post na 'to... at siyempre walang kwenta 'tong paragraph na 'to kasi parang intro lang sa intro ng post na 'to... pero wala kayong magagawa kundi magcomment kasi POST KO 'To! Walang pakialaman!

Totoo na 'to... SO HENIWEI as I was saying... ok lang sa akin na ako yung umalis... pero hindi ok sa akin yung ako yung maiiwan! hahaha! (ayan.. yan yung point nung hahaha!)... pero feeling ko kahit naman rin sino ata... mas pipiliin na sila ang mang-iwan kesa sila ang maiwan... Sa tatay ko lang ako sanay mapag-iwanan kasi ever since naman talagang lumalayas na siya papunta sa kung saan-saan, pero at least alam ko the sooner he's gone, the sooner he'll be back.

Heniwei, nakakatawa lang kasi, the first time I left anyone... di ko ginusto. Ito yung kapit aparador moments ko nung gradeschool. Sa Leyte ako pinag-h-highschool nila mader and pader. Siyempre ayaw ko. Nasa Samar mga kaklase ko since kinder at siyempre nasa Samar din sila mother dearest. Although 3 hours away lang ang Samar from Leyte by bus with all the lubaks to boot, MALAYO PA RIN YUN pag the entire week eh di mo man lang makikita nanay and other relatibs mo sa gabi o kaya sa lunch time! Extended family kami ever since the day began! Nung bago ako umalis for highschool, wini-wish ko dati na may sariling bahay yung pamilya namin. I mean... yung ako, si mama, si papa, at si aubrey lang... kasi hahaha ang dami mong kaagaw sa pagkain pag madami kayong magpipinsan sa mesa... HAhahha! Pero nung pinapalayas na ako para magpakatalino kuno, wala na akong paki. Ayoko na umalis sa bahay namin. Kasi kahit gano kami kasardinas eh at least andun yung ate kong malandi (haha labyu te!), yung kapatid kong retarded, si Paolong kahit utal eh gwapo at ipagtatanggol ka sa lahat ng kaaway mong lalaki basta magsumbong ka lang sa kanya (pero siyempre di ako nagsusumbong kasi kaya ko sarili ko, isang beses lang ata nung kami na ni ate yung inaway saka kami nagsumbong.. haha pinagtulungan ni Paolo at ni Emman (pinsan nila ate at Paolo) si Omar, kaklase kong epal dati hahaha! Ngayon , mahilig na lang siyang mag-english kahit pwede niya naman kami kausapin in Waray! haha!), si King na kahit forever kong kasabunutan at sinusumbong ako parati kay Tita, na mama niya, eh alam kong nakakamiss pa rin, at siyempre si Mama, Mommy, at Daddy (like I said, parating wala si Papa)... at siyempre pa! yung crush ko nung gradeschool maiiwan sa Samar! ahahaha! charos!

Then after that... di na ako nang-iwan ever.... ako na parati naiwan... huhuhuhu! Huwaw! Akala mo ang dalas! hahaha!

Although, after highschool, nung umalis na ako for college... feeling ko wala naman may nang-iwan na friends kasi kaming lahat talagang hiwa-hiwalay... sa iba-ibang colleges napunta... Si Juani (Chem), Beth (Stat na naging European Studies ata... tapos di kona sure ano talaga final course niya), at Aia (Food Tech): sa UP-Dil. Si Joy-Ann (Bio ata), naiwan sa UP-Tac. Si Jeannelle (Molecular Biology), sa UST. Si Janezel (Comp Sci ata), sa USC. Si Gail at Sheena, umalis na for the States before pa man natapos yung Highschool. Si Hera (Applied Physics), sa UP LB. Ako lang mag-isa napunta sa Ateneo sa prenshipness namin. Yung ibang nakasama ko sa kurso ko sa Ateneo from our highschool, galing Tech Stream. Ako lang galing Science Stream. Yung ibang Science Stream, napunta sa Chem (si Zosimo na naging Nonoy sa Ateneo! hahaha pota natatawa pa rin ako sa Nonoy! Pakshet talaga to si Zosimo! Nag-iba ng pangalan bigla! ahahah! at buti sana kung pacool na pangalan kasi maiintindihan ko pa... kaso naman! Nonoy!?!?! No offense sa mga may pangalang Nonoy hahaha may relative din akong Nonoy ang pangalan... pero kasi naman! from ZOSIMO to Nonoy! Hahaha! Di ko gets! hahaha! Tanga tanga kasi! Although ang alam ko, kung anong unang nickname yung isulat mo sa application form, yun talaga yung isusulat sa name-tag mo sa orientation. Hahahaha yun kasi yugn explanation niya sa akin nung narinig kong tinawag siya ng blockmates niya na NONOY! Hahaha! Napataas kilay lang naman ako di ba?! Kasi kilala ko siya as Zosimo tapos biglang Nonoy na siya! AHhaah! Sabi niya, una niya kasing sinulat yung Nonoy kasi yun yung tawag sa kanya sa bahay nila! hahhaah! Kaso naman mehn, pde niya namang ni-correct yun! hahaha! kaso nga naman magiging pa-cool na siya kung pinalitan niya pa ulit! Hahaha in short! pag mag-aapply sa Ateneo, dapat pacool na nickname yung una mong isulat! Hahaha! Buti na lang Kay tawag sa akin sa bahay... kahit anong una kong sinulat na nick eh coolness pa rin ang tawa sa akin. Hehehe yun nga lang feeling ko pagtatawanan rin ako ng mga highschool batchmates ko pag narinig nilang tinawag akong Kay hehehe! pero at least hindi Nonoy! hahaha!) at ewan ano nangyari kay Niccolo... Pari na ata yung hunghang na yun.. pero heniweis di naman kami supah tight... so heniweis... haha ang haba ng sidestory ko... as always... pero bakit ba! kwento ko to!

Yung isang major iwan moment na ramdam ko talaga eh yung pag-alis ni Pia for France... well... yun lang talaga yung parang di ko lam ano na next na gagawin kasi ksama ko siya sa halos lahat ng school activities for the past 3 years nung college! Kahit di ako DOST scholar eh napasama ako sa DOST scholars na org.. haha honorary member... kasi tulong-tulong ako nun kay Pia nung naging presidente siya! Haha! Saka siyempre feeling ko dati, okay din sa resume so di ko tinanggihan wahaha! Lahat ng school activities kasama ko siya. At siyempre kaklase ko sa halos lahat ng subject except yung mga binagsak ko ahhaha! kasi matalino at mas nerd naman yun kesa sa akin saka except din yung electives at thesis kasi magkaiba kami ng trip... siya gusto matuto... ako gusto ko mag-enjoy. Siya gusto ng robot-robot na may programming, ako gusto ko ng laser-laser na may environmental chorvah! Siya kung anong computer language inaaral, ako nanonood ng Japanese films at nambobola sa papers! Hahha! Kaso naman sa vacant time namin siyempre magkasama pa rin kami sa laboratories namin na ginagawang internet cafe at laruan ng bridge, pusoy dos, at tong-its. Haaha! Kaya naman nung umalis yung babae, parang ang hirap mag-look forward. Hahahaha alam mo naman.... pag adolescent (waw adult na ako!) feeling end of the world parati bawat happening! Hahhah! But howells, I survived... At sabi nga nung kanta... "We'll all float on alright!" Siya mayaman na... Euro na yung kita... pero ako.. heto... pesos pa riN! pakshet! Pero I'll float on alright pa rin! Hahhaa!

Ay meron din pala akong iwan moment nung gradeschool, nung grade 4! Si Ulidia, lumipat sila dito sa Manila nung grade 5 na kami.... kaso medyo di ko pa ata ganun karamdam yung impact kasi nung gradeschool mas kasama ko naman pamilya ko kesa sa classmates... saka hahaha! iba-iba best friend ko nung grade school every year. Kung sino ata yung pinakamalapit sa seat ko na ka-vibes ko, yun ang best friend ko! hahaha!

Ay meron pa pala ulit! Before umalis si Pia, nung mag-migrate si Luigi papunta ng States! Hahaha! siya yung partner ko sa una kong programming class nung college! Kaya naman ang bano bano ko sa programming kasi siya lahat gumagawa nun! Hahhaa! Wala tuloy ako natutunan! Tama lang na ipinapasa ko yung exams ko, tapos sa project siya na gumagawa! hahaha tapos ako sa documentation, taga-research, at taga-kulit sa kanya na gumawa na kasi crammer rin yung hayup! Hhaha! Taenang yun ah! Naloko ako! Hahhaha! pakshet! Naalala ko na naman yung skit namin para sa presentation sa project na yun! Hhahha potaena talaga! Nakakahiya lang! Ba't nga ba yun yung ginawa namin??!??! Pota talaga si Luigi! Daming beses pala ako nauto! hahahah! Kung ano yung skit namin, ayoko na muna ikwento! Hahaha! Pakshet! Nahihiya pa rin ako!... haha pero mas nakakahiya ginawa niya so oks lang! ahahahah! pakshet! hahhaa! AH BASTA NAKKAHIYA! buti di na-video yun! hahaa! heniweis... bago pa man siya umalis kasi, medyo nagkalayo na kami ng landas... Huwaew! landas! Hahah! pero heniwei, parati kasi siya umuuwi before 6pm hahaha! kasi may curfew siya! ahahha! Ikaw na ang college student na may curfew ng 6pm! hahahha! JOKING, I AM NOT! At siyempre nalaman ko lang to nung bago siya umalis, ewan... si eL ata nagsabi sa akin... o si JC ba... kaya pala di siya kasama sa group studies namin.... Kausap lang namin siya sa phone forever pag nagshashare na kami ng mga sagot sa problem sets! Haha akala ko adik lang siya sa internet at sa Stephen Speaks! hahahah! HAy shet! Naalala ko na naman! Pinilit lang namin siyang manood nung concert na yun! ahaha! Hmmm... ano kaya sinabi niya at napayagan siya manood ng concert! Hahha! Siya na yung pinilit namin kasi crush siya nung isa kong pren at kasi may extrang ticket kami... kung bakit kami may extrang ticket di ko na maalala. Tapos malaman-laman namin dun sa concert... kabisado niya yung lyrics! Hahaha napalingon ako kasi naririnig ko siya kumakanta sa likod ko! hahhaha! taena nakkatawa lang! Ako pa yung bibong manood (kasi mura at nasa Ateneo lang) eh wala man lang akong alam na kanta nung banda! Nakiki-hum lang ako! Feeling ko kung kasama yung kanta ng Stephen Speaks sa Cranium mahuhulaan ko agad! Hahaha! Pacool lang ako nung time na yun! Uso kasi! Hahha! Nalaman ko lang yung lahat nung lyrics after na nung concert na, kasi apparently lahat nga ng lyrics eh kabisado ni Luij! Hahaha! Anyway... kung siya may curfew ng 6pm, eh ako naman may training pag MWF hanggang 6... so halos di ko na nga siya makasama tumambay... lalo pa nung nawalan na kami ng programming na subjects saka yun nga mas naging close na ako kina P... pero siyempre nung umalis siya... na-teary eyed pa rin ako! hahaha! Saka ngayon.. ayun! Dollars na kita niya, ako pesos pa rin! but then again... I'll float on alright!)

Ay meron pa pala ulit! Nung umalis sila Ate Iyang at Janing sa boarding house.... kaso yun naman medyo taken na na iiwan ako nila... kasi alanganaman forever kaming lahat nakatira ng boarding house di ba? Si Jenggy di naman ako iniwan hehe kasi halos magkasabay kaming umalis nung boarding house... Heniways ulit...

Basta nung latter part nung college, ksama ko madalas sila P, Jels, eL, at JC. Nung umalis si P, yung tatlo na lang talaga halos yung kasama ko nung 5th year. Kaso since naghiwalay si P at JC, hahaha mas hindi ko na nakasama si JC. Wahehe! Bro's before ho's Hahha! Wag ka na umangal eL kasi kahit ikaw bro's before ho's din drama mo!) Marami pang drama nung college, pero siyempre hindi drama ng buhay ko kasi very chill lang naman akong tao! Hahhaa! Walang masyadong drama sa buhay! Kaya naman imagination ko na lang siguro yung nag-eexaggerate sa mga pinagdaraanan ko kasi sobrang boring ng buhay ko! Hahahha! Yung pinakamadramang part na siguro ay yung unang bagsak ko! Hahahhaa! Akala ko talaga WALA NA AKONG FUTURE! hahahha (Waw as if may future ako ngayon! Hahhaha! Well nasa future ako ngayon relative to the time na bumagsak ako! ahhahaha!) Nung pangalawang bagsak ko... medyo tanggap ko na! hahahha! Kasi marami-rami kaming bumagsak!

PERO JUST TO MAKE IT CLEAR MASAYA AKO SA BORING LIFE KO! AYAW KO NA NG EXCITEMENT! Mahirap na! Baka may makarinig at baka kung anu-ano pang kamalasan daanan ko... Kung swerte ang dumating na excitement.. sige ok fine... tatanggapin kita! Haaha! Basta to make the long story longer and not longest... si eL na lang siguro yung pinakamadalas kong kasama na college pren these days kasi siyempre pareho kaming pinagtratrabahuhan. (SI Jel nasa Canon at bihira na rin namin maka-jam.)

Tapos ngayon... aalis pa yung pakshet! Hahhaha akala mo ang layo ng pupuntahan nya! Sa The Fort lang naman siya lilipat! Hahaha! PERO KAHIT NAAAAAAAAAAAA!!!! Before pa na-confeeeeerm yung paglipat niya sa the Fort, medyo may plans na siya bumalik ng Iloilo para dun na magwork! ahhaha! Siyempre umiyak lang naman ako! hahhah! Kahit hindi pa sure pakshet naiyak na ako! Leche ka EL!!! pinapaiyak mo akoooo!!! Sorry iyakin talaga ako!!!

Let Me count... kung si Luij, less than 3 years ko nakasama, si Pia naman 3 years ko nakasama (di counted first year kasi di naman kami tight pa nun)... tong si eL... hmm... 8 years na!!! Pakshet mehn! hangtagal na pala!!! Half my life na rin yun ha! Ahahaha! Yes! Kasi 16 pa lang ako! Hahhaha! Although di naman talaga magkadikit yung bituka namin, eh parati ko pa rin kasama tong hunghang na to!

  • Blockmate ko lang naman buong college, and op chors! Opismeyt sa Soluziona/Indra ever since nag-start ako mag-work!
  • Kasabay ko siyang umulit nung dalawang subject na ibinagsak ko! Hahaha! Kasi siyempre siya din bagsak! Hahahahhaa! At siyempre, siya yugn naging lab partner ko dun sa inulit naming subject... pareho ata kaming A sa lab, pero F kami sa lecture! hahaha! kaya pinaulit kami! Pakshet talaga!
  • Siya yung kapustahan ko kapag feeling ko babagsak na ako sa iba kong subjects. Sasabihin niya libre niya ako kapag bumagsak ako, tapos libre ko siya pag pasado ako. Hahhaha! Siyempre kumakagat ako para naman masaya ako kahit ano mangyari... yun nga lang, parating ako yung nanlilibre... ahhah! which is OK lang! kung bagsak ba naman yung alternative!
  • Tapos siya yung magpapauutang ng pera pero libre ko daw siya, na siyempre di ako kumagat ever.
  • Siya rin ata nagparealize sa akin na hindi lahat ng lalaki mahilig sa boobs... kasi pag may sinusundan kaming babae at malaki pwet eh halos di mo siya makausap ng matino kasi nakafocus yung mata at utak niya dun sa pwet nung babae.
  • Siya na ata yung nag-iisang lalaki na very gentleman talaga, kapag hindi lasing (hahahah! COSSACK WASAK!!!), kasi di ko lam pero basta kahit sino kasabay niyang girl eh automatic na kinukuha niya talaga yung dala namin kahit may dala siyang mabigat din. Siya lang kilala kong lalaki na ganun ka-natural talaga magbitbit ng gamit ng mga taong mas dainty sa kanya... hmm... mukha kasing kargador! ahahahah! JOKE LANG eL!
  • Siya yung until 2nd year college eh di ko masigurado kung bading ba talaga o hindi! hahaha Until malaman ko na totoo yung sinasabi niyang gerpren niya sa iloilo (Mwah huggles! hahahah!) Grabe kasi kung maglandian sila nila Magic at Luigi! Hahaha! pero sabagay.. having a girlfriend is not ENOUGH proof! Hahhaha!
  • Sa kanya ako nagpapasama kapag halos mawindang na ako sa kapraningan! hahaha! Pinatulog ko lang naman sa bahay the night before ako first time mag-dr-drive sa Metro Manila! Hahhaa para kahit mabunggo ako.. at least kasama ko siya! hahha! Tapos sabi niya kahit daw langgam pinapatawid ko sa sobrang bagal ko magdrive! hahahha! SORRY NAMAN!!!
  • Siya rin yung napagkamalang boypren ko raw nung nagpasama ako sa kanya sa Marikina para sunduin si Tita Gigi at Andrei kasi di ko lam pano pumunta sa bahay nila. At dahil ayaw ko mawala mag-isa eh nagpasama ako sa kanya siyempre. At siyempre dahil medyo psychic ako eh nawala nga talaga muna kami sa Marikina bago kami nakarating dun sa bahay nila Andrei. Nung bumaba na siya sa may Barangka, sabi ng tita ko: "Kay, boypren mo ba yun? MUkhang mabait!" AHAHHAHHAHHA! Sorry eL! Mukha ka daw mabait! hahahhaha! Taena hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa mukhang mabait! Hindi man lang: "Kay, boypren mo? Hotness! tsss! Hahaha!" o kaya "Kay, may itsura yung pren mo!" Hhaha mabait lang talaga!
  • Siya rin yung back-up guy ko! Hahaha! El! di na cancelled yung deal natin ha!! binabawi ko ang cancellation... so that leaves us... 3 years and around 2 months! Humanda ka! Hahaha!
  • Siya rin yung nang-libre sa akin ng sine nung ayaw ko umalis ng bahay kasi tinatamad ako... so libreng sine yung bait nila sa akin nung college para umalis lang ako ng bahay! Na siyempre kinagat ko naman! Libre ata yun!
  • Siya yung ayaw kong makatabi sa sinehan kasi BINGI! Lahat ng dialogue ng pinapanood niyo, ipapaulit niya sa yo! so pati ikaw di na makahabol sa kwento! Pakshet! hahha!
  • Siya lang kilala kong hindi Waray na hindi nakakapagsalita ng Waray pero pwede kong kausapin in Waray kapag may gusto akong sabihin na ayaw kong maintindihan ng ibang mga nag-tatagalog sa paligid. Hehehe! Magaling kasi siya umintindi ng panglalait/mura in Waray! Haha!
  • Siya rin yung makapal mukha na nagpalibre sa tatay ko ng Pizza nung nakita namin siya sa A venetto nung nag-dinner kami nila Papa to celebrate Father's Day! Hahha!
  • So siyempre, pangalan rin niya lang ang kilala ng nanay at tatay ko (besides kina Pia at Jels) so kapag lalayas ako at tinanong ako sino mga kasama, pangalan niya lang at nila Pia yung safe sounding enough para di masyadong mapraning sila Mama at Papa.
  • Siya rin yung hindi nakakacomment sa blogs ko, kahit atat na atat na siyang magcomment minsan, kasi gusto niyang manatiling inconspicuous yung existence niya sa world wide web... para kunyari sa FB at YAhoo NBA lang siya nag-eexist kahit hindi naman... so sa email na lang siya magcocomment sa akin para idefend sarili niya at para awayin ako pag may sinabi akong exagg kahit hindi naman talaga exagg! HAhahah! sige nga eL comment ka nga ditooooooo!!!! ay wag na pala! AHAHHAHA!!!!
  • Siya rin yung pinipilit kong samahan ako mag-lunch nung bago pa lang ako dito sa Soluziona kasi may nag-invite sa akin ng lunch pero nahihiya ako so tinanggihan ko tapos sabi ko, may kasama na ako mag-lunch kahit wala pa naman! Hahaha!
  • Siya yung sumasama sa akin dati tumakbo, besides Marko, every Tuesday night, sa UP Oval nung naghahanda ako para sa runs ng UPM... di ko na maalala bakit hindi pwede yugn Wednesday... basta Thursday off limits siya kasi may basketball sila.
  • Siya yung nililibre ko na parating kinakalimutan na nilibre ko siya! Kaya feeling niya parati siya lang nanglilibre sa akin! At dahil di ko naman binibilang yung mga libre ko sa kanya siyempre di ko maalala kung kelan ko siya nilibre pag gusto niya bigla ipa-recount sa aking kung kelan ko raw siya nilibre... kasi siya bilang na bilang lahat ng panglilibre niya sa amiN! Hahhaah! Ano eL? may masasabi ka???? Hahahha!
  • Siya lang (at si JC, isa pang blockmate namin) ang kabisado ko ang cellphone number hanggang ngayon, besides sa number ng tatay ko at siyempre besides sa number ko din. Hallerness!!!
  • Siya rin yung sinasamahan ako mag-OT (besides Moks) pag halos maiyak na ako sa ginagawa ko kasi sobrang gipit yugn deadline ko! Hahaha before umalis ng Guiting pakshet yung workload ko!!! pero sinamahan ako ni eL mag-OT hanggang 10pm para tulungan niya ako pag medyo naghahang na yung utak ko sa codes ko. Tapos tinulungan niya ako sa JCL kasi di ko masyado kabisado pa nun yugn ibang process. Pero kahit wala man siyang maitulong, pero siyempre meron, eh ok na rin na anjan lang siya para meron ako pwede pag-panic-an! Hahaha!
  • Siya lang ang kilala kong sobrang henpecked! hahaha! Joke lang eL pero half-meant! Hahahah! Kasi naman! pag umuuwi ng Iloilo eh pinapalitan yung mga pangalan namin nila Kavie into pangalan ng mga boys hahah para pag nagtext kami eh hindi pangalan namin mag-appear! (WAG KANG MAG-ALALA eL! for my contacts lang tong post na to! at I doubt na hahanapin ni dahling mo yung isa kong blog! hahaa! at sa haba ng post na to... I doubt kung merong magtitiis magbasa nito hanggang sa point na to! hahahah! feeling ko give up na sila sa first paragraph pa lang! Hahaha! I doubt kung pati ikaw mababasa mo to.... pero just in case mabasa mo to.. wag ka ng praning! Hahha!)
  • At siyempre rin, siya yung kinukwentuhan namin ng moments namin kapag may moments kami.. or kahit imagination lang yung moments namin... kahit sukang suka na siya sa mga kwento namin! Hahhaha! o baka sa kwento ko lang! Ahhahah! Sorry ka eL! Di ko na kasalanan kung sumabay ka sa akin pauwi! HAhaha! Siya yung babang baba na sa kotse pero siyempre di ko muna binababa hanggang di ako tapos sa kwento ko kaya napapalong-cut kami minsan ng daan papuntang hagdan sa may Ateneo. hahaha!
  • Siya rin yung same kami ng kinakairitahan! hahaha! Dati nahihiya pa ako magsabi sa kanya na naiirita ako sa isang tao kasi akala ko prenli-prens niya... kaso pag di ko na matiis siyempre babanggitin ko casually sa kanya, tapos malaman-laman ko nabubuset rin pala siya! Hahahah!
  • Siya yung epal na nagwawave yung uni-brow pag may alam siya na alam mong ayaw mong ipa-alam! Pakshet! (speaking of his uni-brow and his hairyness... siya yung isa sa may pinakamalagong buhok sa kilikili na guy na kilala ko... YUUUUUUUUCKKKKK!!!!! hahahahha! El! may nakatabi ako sa thailand, naalala ko kayo nila Burito at Moks! Hahhaa kilikili niya kasi halos nasa mukha ko na! Hahha pakshet yun!)
  • At dahil nga siya yung kwinekwentuhan namin ng momentses, siya rin yung taga-stalk namin pag kelangan namin ng data! AHAHHA! Kasi self-declared web-stalker lang naman siya!

Di ko man siya bestest best friend... haha ah ewan... di na ako mahilig mag-label ng mga kaibigan masyado... basta alam naman nila na kaibigan ko sila!

Anyway, wala man siyang label besides MY BACK-UP GUY! Hahhaha! (Takot ka eL no?!?!?)... bottom line... siya yung alam kong andiyan lang pag medyo gipit na talaga ako. Pag gusto ko mag-panic, isa siya sa mga andiyan to calm me down. Pag kelangan ko ng logic sa mga nangyayari, andiyan siya para subukang mag-offer ng lohika na alam ko na naman pero ayaw ko lang tanggapin. Pag kelangan ko ng aawayin, andiyan siya para magcomment ng nakaka-highblood na comment so meron na akong aawayin. Pag kailangan ko magkwento, isa siya sa mga andiyan para makinig sa mga kwento ko kahit minsan ayaw niya na pakinggan kasi paulit-ulit lang pero siyempre pinapakinggan rin niya kasi wala naman siyang choice haahaha! kasi hindi ko siya ibaba hanggang di ako tapos magkwento! hahhaa! Pag depressed ka, hahanap siya ng paraan para sumaya ka kahit papano kahit singbabaw ng libreng meal. Di ko man siya araw-araw nakikita o kaya nakakausap sa netsend/email/sticky... at least alam ko nasa 4th floor lang siya.... dial-local-8865-pwede-po-kay-eL away lang siya...

Di ko alam pano ko i-e-end yung post na to.. kasi as if naman kasi ang layo ng ilalayo ni eL, eh sa The Fort lang naman siya lilipat... pero kahit na!!!! He'd be one ride farther away - that's a ride farther from what I've been used to... Pakyu ka eL! Wag na wag mo kalimutan bertday ko! WALA ka na dito sa Lopez pag birthday ko! Pakshet ka!

Basta gaya nga ng sabi ko kay Des, susubukan kong di humagulhol sa last day mo dito! hahaha! Ingat ka dun mehn! At sana ilibre mo kami sa first payday mo dun... kasi as you told us... MAS MAYAMAN KA NA SA AMIN PAG LUMIPAT KA! PAKSHET KA!!! Huwag mo ako kalimutan pag may opening jan! Hahhahah! Labyah mehn!

Kaya ayan.... siya madadagdagan na yung kita.. ako, the usual pa rin... but then again, and as always,... I'll float on alright!!

Tuesday, September 08, 2009

Tumatanda na ata ako...

Parang ipinapamukha na sa akin ng teknolohiya na nagkakaedad na ako.... kahit utak kinder ako... edad ko di na raw pang-kinder...

Yung mga nilalaro-laro kong kids dati sa may amin... yung binubuhat buhat ko dati.. yung binabantayan sa may dagat/pool/falls para di malunod kasi mga nanay at tatay namin eh busy mag-tsismisan sa may lilim at ako yung adik sa tubig na medyo matangkad... (YEP MATANGKAD AKO NUNG GRADESCHOOL at EARLY HIGHSCHOOL!!! Hahah!) kaya pde ko buhatin yung ibang kids na hanggang tuhod ko lang yung tangkad... karamihan sa kanila may facebook na! at malaman-laman ko... college na yung iba... yung iba naman graduating na sa highschool...

Grabe di ko maget-over! Dati nakakabit lang sa leeg ko yung isa pag nasa kung ano mang may tubig kami kasi takot malunod... ngayon binata na yung hayerp!!!

Sheeeet less than 3 months na lang dadagdag na naman edad ko... pero di bale... mauuna si Mo! Hahhaha!

Sweet Tooth

Sina kavie at mariek napag-usapan na naman yung mga sakit-sakit sa katawan. Ewan ko ba sa dalawang yun, sila na ata ang pinakapraning pagdating sa mga sakit sakit na ganyan. Feeling nila parating may masakit sa kanila hahaha! Feeling ko tuloy kahit yung simpleng lamig lang nagiging lagnat na kasi magiba lang ng onti yung temperatura ng room sa body temperature nila, lalo na si Kavie, feeling niya may lagnat na siya... feeling ko kahit di naman talaga lagnat yun nagiging lagnat na lang hahaha!

Although minsan naman talaga sumaswak yung mga sakit nilang nararamdaman. Ok lang yung ke mariek kasi at least si Mariek nagpapa-check up... kaso tong si Kavie... PRANING na! DUWAG pa! Hahahaha! Labyu Kobs! Takot magpacheck-up sa doctor mehn! Kelangan umabot muna sa point na halos di na siya makalakad bago mag-pacheck-up. Although hanggang ngayon di namin alam ano nga ba yung sakit niya nung halos di na siya makabangon... kasi nga ayaw magpacheck up ng matino... dun lang kasi sa general clinic nagpacheck... Howells... mahirap pilitin ang ayaw. MAGPACHECK UP KA NA KASI NG MATINO KAVIEEEEEEEE!!!!

But heniweis, nabanggit ang diabetes at sabi ni mariek wala naman daw siya sweet tooth so medyo di siya ganun kadelikado dun kahit may history ata dad niya dun. Hehehe almoranas magiging sakit nito ni Mariek pag di siya nag-ingat. Hanep rin naman kasi yung pagkahilig sa maanghang. Ako naman, yun ang di ko keri... ang maaanghang na bagay. Kaya ko siya itolerate up to a certain point pero di ako yung taong naglalagay ng hot sauce sa pizza kasi nasasarapan na ako sa flavor ng pizza on its own... it does not give my tastebuds pleasure para dagdagan ang anghang ng pizza or ng kung ano man.

Heniweis, napag-isip isip ko... Buti pa si Mariek, at least walang sweet tooth... AKO SWEET TEETH na ata tawag dito pakshet! Hahaha I love sweets! lalo na chocolates, ice cream (lalo na yung may mga hot fudge na ganyan... kahit pa cold fudge na yan! basta fudgy mudgy! heheh yep kasama na rin mga chocolate pies sa banapple), syrup on pancakes, at siyempre pa... ang leche flan ng tita ko! Favorite ko yung regular flavored leche flan niya, mocha flavored leche flan, at siyempre pa yung coffee flavored leche flan! hahaha waw! as if! eh yung tatlo lang nman na flavors na yun yung ginagawa niya! Pakshet ang sarap pag malamig pa yung flan from the ref tapos sangkatutak yung syrup!! HAYYYYYYYY tulo laway ako!!!!! hahhaa kaya kong umubos ng limang leche flan (yung size ng regular leche flan... hindi yung pacute na size na bilog na binebenta sa mga karinderya or kung san man) sa isang araw.... dessert for breakfast, dessert for lunch, merienda, dessert for dinner, at midnight snack!

Ang problema... pinapagalitan ako pag sumusobra ako sa leche flan.... wahehehe... bakit kamo? may diabetes lang naman mga lola ko (both sides), tito ko sa papa side... at siyempre pa... ang tatay ko mismo (na isa pang pasaway.. kung makakain ng kanin akala mo di delikado sa kanya ang sobra sobrang carbs)!!!

Pero sabi nga ni Mommy (nanay ng nanay ko) KELAN KO PA i-EENJOY YUNG COKE? PAG DEADS NA AKO?! Hhahaha hay shet! alala ko tinatakas pa ni Mommy yung coke na binibili niya kina Mana Auring... kasi papagalitan siya ni Mama pag nalaman ni Mama... kaso ganun din sinusumbong rin siya nila Mana Auring! hahahha!

At ang isa pang kasabihan na pinapatnubayan ko... di ko na maalala kung sino nagsabi....

BAKIT PA AKO KAKAIN NG PAGKAIN KUNG LASANG PAPEL RIN LANG ANG KAKAININ KO?! DI SANA PAPEL NA LANG KINAIN KO!

IN short.... AYAW KO NG GULAY! hahahhaha! GUSTO KO NG KARNE AT ASUKAL!

Mamamatay rin lang buti na yung naenjoy ko yung kinain ko in mhuy lhuyf! hahhaha!

Saturday, September 05, 2009

Buy Me a Dress



Ang tindahan ni Des at Mariek.

Where fashion is just a click away daw! Hahaha! Bags, shoes, swimwear, dress... find it here. Buy now! But wait there's more... if you buy now... win new friends na very bongga and retarded minsan! Hahaha! feel free to look around daw... sa site nila.. hindi dito sa site ko... pero sige feel free na rin.

Drama Episode 2 by Anonymous 2

The tears just keep on coming. Everytime I stop to think, a teardrop falls from each of my eyes. My heart hurts. I do not know why; it is not the one that sees the thoughts, it is not the one that thinks the thoughts... Yet it is the one that feels the pain.

I do not want to think, yet it is all I can do. I want to stop crying, yet my will fails me and the tears seems not to cease. Like a waterfall, they fall freely from my eyes.

I have decided not to give up. I have decided this with my thoughts. My heart wants to give up from all the pain, yet I also know that it will have a harder time bearing the pain of finally giving up. What to do… What to do… Dream and be happy. Such an easy thing to say, yet a very hard thing to do. The spirit is willing, the heart is too. But my eyes... will it have enough tears to shed for the heart that hurts?

Giving up, such an easy thing to do… It might be painful at first… but what does it bring me? More time to fully enjoy life? Maybe. More time to look ahead and be happy? Maybe.

What if I don't? there is pain, until the time he realizes that he loves me too, definitely. But what if he doesn’t realize it? I cannot bear to even think that. I can, but I won't. It hurts too much. I will wait.

He will love me too. Maybe tomorrow. Maybe the next day. I do not know exactly when. But I will wait. And when he comes to me… the tears will finally cease.


But until then, let my tears fall freely… for they dampen the pain that my heart feels each time it feels like giving up.

Drama Episode 1 by Anonymous

Ang sad kasi...

I have decided. I will not get over you. I may be in love with you, it might be unrequited, but I will not get over you. I will wait for the time when you finally see me. I will wait for the time when you cease to care what others think. I will wait for the time when you cease to see everything else but me. I will wait.

I may not show you how I feel now. But that is just my pride. Show me that you love me too, and I will show you how far my love can go.

Right now, I have no claim to you. Right now, all I can do is wait by the side and hope that you notice through all the seemingly innocent gestures that I do care for you. I may seem like simply a friend, but I keep hoping that you see more in me. I keep hoping that I'll be your exception. I keep hoping that you finally see that I am the love of your life, as you are mine.

When that time will be… I do not now. All I can do is wait, hope… and dream that that time comes soon. I will wait. I will not demand. I will wait. I will watch by the sidelines. I will watch the way you treat me, as if I am nothing more than a simple friend, a younger sister maybe. I will wait. I will hope. As long as I breathe, I will try my hardest not to lose hope. I will watch you fall.. Maybe for another… even as I am hoping that I am that "another". I will wait. I will wait till the time that you realize that you love me too and that I am your partner. I will wait. Because I love you, I will wait. Because I love you, I will try not to lose hope in you. I will wait.


I hope that you don’t make me wait too long. Because as I am waiting, I am hurting. I will wait for the time when you could heal the pain you caused and wipe the tears that you caused to fall. As I am writing these, I am hoping and wishing in my heart of hearts that right now, at this very moment… the time that I am waiting for is starting.

Bob Marley On How to Love A Woman

Got this from Alyx' FB. Sorry Alyx di na ako nagpaalam. Heniwei's here it goes:

You may not be her first, her last, or her only. She loved before she may love again. But if she loves you now, what else matters? She’s not perfect - you aren’t either, and the two of you may never be perfect together but if she can make you laugh, cause you to think twice, and admit to being human and making mistakes, hold onto her and give her the most you can. She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break - her heart. So don’t hurt her, don’t change her, don’t analyze and don’t expect more than she can give. Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad, and miss her when she’s not there.
- Bob Marley

The day na natatae ako

Gusto ko man pahabain yung post na to... testing lang actually to kung sang email ko isesend yung post ko para mapublish sa blogspot... kasi forever ko siyang nakakalimutan... kaso since natatae na talaga ako... gang dito na lang to.

Why Piscetarians, Vegetarians and other "-arians" have it easy...

If people prefer NOT to eat red meat, they are "healthy eaters". If people prefer NOT to eat any kind of meat, they're healthy eaters too. And so are "we-get-our-proteins-from-beans-people" who prefer to ONLY eat vegetables . If they're not "healthy eaters", they're people who have their own belief system… people with a cause (yeah sure, whatever!).

More often than not, hosts go out of their way to accommodate vegetarians and piscetarians so as not to offend their sensibilities. Accommodating people with allergies, I understand. But why stumble over vegetarians and piscetarians? Well, unless you knew about their preference when you invited them over, you do have to accommodate them. Otherwise, let them deal!

But what about those of us who prefer our meat! RED and WHITE!?!?! Why don't you stumble over what we want?! You know why?! Because it's easy to accommodate meat lovers. It's so easy to prepare yummy meat dishes as compared to preparing "yummy" veggie dishes! If you can call them yummy, that is! More often than not, you'll have a choice of tofu caldereta or tofu barbecue or tofu burger! YUM-OH!

For people like me, open a can of corned beef and we're good to go! Who has a can of vegetables at home anyway?! The only vegetable I have in my fridge are onions and a few cloves of garlic! Are they even veggie? I think they're spices… but there you go. How do you feed vegetarians if you only have onion, garlic, hotdog and egg in your fridge! They're lucky I have a dozen eggs in my fridge! But what about those who also don't eat egg because technically they came from poultry!?!?!

And people call me picky because I like my meat!?!?!? COME ON!!!!!!

At least vegetarians have health reasons to give if they don't like to eat meat! What about us who are not that excited with vegetables?! We can't just say… I don't like how they taste! It simply is not done that way! What do we do?!?! We smile, bite into the vegetable, and lie through our teeth how the food is actually "OKAY"! I'm sorry but that's the best I can describe vegetable dishes! They are OK!!! They're not to-die-for! They're not better-than-sex, as some cake claim… they are just OK! And most of the time… worse!

I, therefore, conclude vegetarians have it easy!!!! BUT I still want my meat!!!!

--- naisulat habang namromroblema... just in case kailangan kong makitira sa Tita kong mahilig sa gulay.

Don't Call Me in the Middle of the night No More…

... Don't Expect Me to be there… ito ang kanta namin ni Juphs para sa IT Operations! (Kavie wag kang Selos… sa IT Operations namin kinakanta to.. Hindi sa isa't isa! Hahaha!) Hahahaha! Hay shet… Wala naalala ko lang bigla. Di na naman ako makatulog. I remember the days na madaming nag-a-abend na jobs in the middle of the night tapos biglang tatawag yung IT operations para ipaayos yung bug at umandar na ng matino yung program!

Buti mukhang medyo past na yung moments na yun… pero siyempre ayoko muna magsalita ng tapos… mahirap na! Shet! Natatamad na ako maglaro ng PC Games pero xempre di pa rin ako natutulog. Ayoko pa matulog kasi waking up means having to go to my shitty job! Ok fine.. Not really shitty… pero I DONK LIKE WHAT I'M doing… I want to do something that I enjoy doing… o kaya kahit something which makes me feel like I'm actually doing something.. Hmmm… baka kelangan ko na talaga mag-start magtrabaho1 Hahha! Pakerpeys! Fine Fine Fine! Later, no petiks mode. Work mode na tunay na talaga to! Thiz iz it!!! Game na!!! Woohooo!!!