Sina kavie at mariek napag-usapan na naman yung mga sakit-sakit sa katawan. Ewan ko ba sa dalawang yun, sila na ata ang pinakapraning pagdating sa mga sakit sakit na ganyan. Feeling nila parating may masakit sa kanila hahaha! Feeling ko tuloy kahit yung simpleng lamig lang nagiging lagnat na kasi magiba lang ng onti yung temperatura ng room sa body temperature nila, lalo na si Kavie, feeling niya may lagnat na siya... feeling ko kahit di naman talaga lagnat yun nagiging lagnat na lang hahaha!
Although minsan naman talaga sumaswak yung mga sakit nilang nararamdaman. Ok lang yung ke mariek kasi at least si Mariek nagpapa-check up... kaso tong si Kavie... PRANING na! DUWAG pa! Hahahaha! Labyu Kobs! Takot magpacheck-up sa doctor mehn! Kelangan umabot muna sa point na halos di na siya makalakad bago mag-pacheck-up. Although hanggang ngayon di namin alam ano nga ba yung sakit niya nung halos di na siya makabangon... kasi nga ayaw magpacheck up ng matino... dun lang kasi sa general clinic nagpacheck... Howells... mahirap pilitin ang ayaw. MAGPACHECK UP KA NA KASI NG MATINO KAVIEEEEEEEE!!!!
But heniweis, nabanggit ang diabetes at sabi ni mariek wala naman daw siya sweet tooth so medyo di siya ganun kadelikado dun kahit may history ata dad niya dun. Hehehe almoranas magiging sakit nito ni Mariek pag di siya nag-ingat. Hanep rin naman kasi yung pagkahilig sa maanghang. Ako naman, yun ang di ko keri... ang maaanghang na bagay. Kaya ko siya itolerate up to a certain point pero di ako yung taong naglalagay ng hot sauce sa pizza kasi nasasarapan na ako sa flavor ng pizza on its own... it does not give my tastebuds pleasure para dagdagan ang anghang ng pizza or ng kung ano man.
Heniweis, napag-isip isip ko... Buti pa si Mariek, at least walang sweet tooth... AKO SWEET TEETH na ata tawag dito pakshet! Hahaha I love sweets! lalo na chocolates, ice cream (lalo na yung may mga hot fudge na ganyan... kahit pa cold fudge na yan! basta fudgy mudgy! heheh yep kasama na rin mga chocolate pies sa banapple), syrup on pancakes, at siyempre pa... ang leche flan ng tita ko! Favorite ko yung regular flavored leche flan niya, mocha flavored leche flan, at siyempre pa yung coffee flavored leche flan! hahaha waw! as if! eh yung tatlo lang nman na flavors na yun yung ginagawa niya! Pakshet ang sarap pag malamig pa yung flan from the ref tapos sangkatutak yung syrup!! HAYYYYYYYY tulo laway ako!!!!! hahhaa kaya kong umubos ng limang leche flan (yung size ng regular leche flan... hindi yung pacute na size na bilog na binebenta sa mga karinderya or kung san man) sa isang araw.... dessert for breakfast, dessert for lunch, merienda, dessert for dinner, at midnight snack!
Ang problema... pinapagalitan ako pag sumusobra ako sa leche flan.... wahehehe... bakit kamo? may diabetes lang naman mga lola ko (both sides), tito ko sa papa side... at siyempre pa... ang tatay ko mismo (na isa pang pasaway.. kung makakain ng kanin akala mo di delikado sa kanya ang sobra sobrang carbs)!!!
Pero sabi nga ni Mommy (nanay ng nanay ko) KELAN KO PA i-EENJOY YUNG COKE? PAG DEADS NA AKO?! Hhahaha hay shet! alala ko tinatakas pa ni Mommy yung coke na binibili niya kina Mana Auring... kasi papagalitan siya ni Mama pag nalaman ni Mama... kaso ganun din sinusumbong rin siya nila Mana Auring! hahahha!
At ang isa pang kasabihan na pinapatnubayan ko... di ko na maalala kung sino nagsabi....
BAKIT PA AKO KAKAIN NG PAGKAIN KUNG LASANG PAPEL RIN LANG ANG KAKAININ KO?! DI SANA PAPEL NA LANG KINAIN KO!
IN short.... AYAW KO NG GULAY! hahahhaha! GUSTO KO NG KARNE AT ASUKAL!
Mamamatay rin lang buti na yung naenjoy ko yung kinain ko in mhuy lhuyf! hahhaha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment