Heniweis, gaya ng sabi ko...Hahahaha! Pakshet di ako makamove forward sa ahhahaha!
This post is long overdue... matagal ko na balak isulat kaso naudlot kasi di pala tuloy yung pag-alis ni eL dati... kaso ngayon tuloy na tuloy na talaga yung pag-alis niya... huhuhuhu!!! At siyempre in-insert ko lang 'to after ko isulat yung ibang naisulat ko na sa baba so alam ko na na mahaba na naman yung intro nito bago pa dumating sa kung bakit ko nga ba naisulat 'tong post na 'to... at siyempre walang kwenta 'tong paragraph na 'to kasi parang intro lang sa intro ng post na 'to... pero wala kayong magagawa kundi magcomment kasi POST KO 'To! Walang pakialaman!
Totoo na 'to... SO HENIWEI as I was saying... ok lang sa akin na ako yung umalis... pero hindi ok sa akin yung ako yung maiiwan! hahaha! (ayan.. yan yung point nung hahaha!)... pero feeling ko kahit naman rin sino ata... mas pipiliin na sila ang mang-iwan kesa sila ang maiwan... Sa tatay ko lang ako sanay mapag-iwanan kasi ever since naman talagang lumalayas na siya papunta sa kung saan-saan, pero at least alam ko the sooner he's gone, the sooner he'll be back.
Heniwei, nakakatawa lang kasi, the first time I left anyone... di ko ginusto. Ito yung kapit aparador moments ko nung gradeschool. Sa Leyte ako pinag-h-highschool nila mader and pader. Siyempre ayaw ko. Nasa Samar mga kaklase ko since kinder at siyempre nasa Samar din sila mother dearest. Although 3 hours away lang ang Samar from Leyte by bus with all the lubaks to boot, MALAYO PA RIN YUN pag the entire week eh di mo man lang makikita nanay and other relatibs mo sa gabi o kaya sa lunch time! Extended family kami ever since the day began! Nung bago ako umalis for highschool, wini-wish ko dati na may sariling bahay yung pamilya namin. I mean... yung ako, si mama, si papa, at si aubrey lang... kasi hahaha ang dami mong kaagaw sa pagkain pag madami kayong magpipinsan sa mesa... HAhahha! Pero nung pinapalayas na ako para magpakatalino kuno, wala na akong paki. Ayoko na umalis sa bahay namin. Kasi kahit gano kami kasardinas eh at least andun yung ate kong malandi (haha labyu te!), yung kapatid kong retarded, si Paolong kahit utal eh gwapo at ipagtatanggol ka sa lahat ng kaaway mong lalaki basta magsumbong ka lang sa kanya (pero siyempre di ako nagsusumbong kasi kaya ko sarili ko, isang beses lang ata nung kami na ni ate yung inaway saka kami nagsumbong.. haha pinagtulungan ni Paolo at ni Emman (pinsan nila ate at Paolo) si Omar, kaklase kong epal dati hahaha! Ngayon , mahilig na lang siyang mag-english kahit pwede niya naman kami kausapin in Waray! haha!), si King na kahit forever kong kasabunutan at sinusumbong ako parati kay Tita, na mama niya, eh alam kong nakakamiss pa rin, at siyempre si Mama, Mommy, at Daddy (like I said, parating wala si Papa)... at siyempre pa! yung crush ko nung gradeschool maiiwan sa Samar! ahahaha! charos!
Then after that... di na ako nang-iwan ever.... ako na parati naiwan... huhuhuhu! Huwaw! Akala mo ang dalas! hahaha!
Although, after highschool, nung umalis na ako for college... feeling ko wala naman may nang-iwan na friends kasi kaming lahat talagang hiwa-hiwalay... sa iba-ibang colleges napunta... Si Juani (Chem), Beth (Stat na naging European Studies ata... tapos di kona sure ano talaga final course niya), at Aia (Food Tech): sa UP-Dil. Si Joy-Ann (Bio ata), naiwan sa UP-Tac. Si Jeannelle (Molecular Biology), sa UST. Si Janezel (Comp Sci ata), sa USC. Si Gail at Sheena, umalis na for the States before pa man natapos yung Highschool. Si Hera (Applied Physics), sa UP LB. Ako lang mag-isa napunta sa Ateneo sa prenshipness namin. Yung ibang nakasama ko sa kurso ko sa Ateneo from our highschool, galing Tech Stream. Ako lang galing Science Stream. Yung ibang Science Stream, napunta sa Chem (si Zosimo na naging Nonoy sa Ateneo! hahaha pota natatawa pa rin ako sa Nonoy! Pakshet talaga to si Zosimo! Nag-iba ng pangalan bigla! ahahah! at buti sana kung pacool na pangalan kasi maiintindihan ko pa... kaso naman! Nonoy!?!?! No offense sa mga may pangalang Nonoy hahaha may relative din akong Nonoy ang pangalan... pero kasi naman! from ZOSIMO to Nonoy! Hahaha! Di ko gets! hahaha! Tanga tanga kasi! Although ang alam ko, kung anong unang nickname yung isulat mo sa application form, yun talaga yung isusulat sa name-tag mo sa orientation. Hahahaha yun kasi yugn explanation niya sa akin nung narinig kong tinawag siya ng blockmates niya na NONOY! Hahaha! Napataas kilay lang naman ako di ba?! Kasi kilala ko siya as Zosimo tapos biglang Nonoy na siya! AHhaah! Sabi niya, una niya kasing sinulat yung Nonoy kasi yun yung tawag sa kanya sa bahay nila! hahhaah! Kaso naman mehn, pde niya namang ni-correct yun! hahaha! kaso nga naman magiging pa-cool na siya kung pinalitan niya pa ulit! Hahaha in short! pag mag-aapply sa Ateneo, dapat pacool na nickname yung una mong isulat! Hahaha! Buti na lang Kay tawag sa akin sa bahay... kahit anong una kong sinulat na nick eh coolness pa rin ang tawa sa akin. Hehehe yun nga lang feeling ko pagtatawanan rin ako ng mga highschool batchmates ko pag narinig nilang tinawag akong Kay hehehe! pero at least hindi Nonoy! hahaha!) at ewan ano nangyari kay Niccolo... Pari na ata yung hunghang na yun.. pero heniweis di naman kami supah tight... so heniweis... haha ang haba ng sidestory ko... as always... pero bakit ba! kwento ko to!
Yung isang major iwan moment na ramdam ko talaga eh yung pag-alis ni Pia for France... well... yun lang talaga yung parang di ko lam ano na next na gagawin kasi ksama ko siya sa halos lahat ng school activities for the past 3 years nung college! Kahit di ako DOST scholar eh napasama ako sa DOST scholars na org.. haha honorary member... kasi tulong-tulong ako nun kay Pia nung naging presidente siya! Haha! Saka siyempre feeling ko dati, okay din sa resume so di ko tinanggihan wahaha! Lahat ng school activities kasama ko siya. At siyempre kaklase ko sa halos lahat ng subject except yung mga binagsak ko ahhaha! kasi matalino at mas nerd naman yun kesa sa akin saka except din yung electives at thesis kasi magkaiba kami ng trip... siya gusto matuto... ako gusto ko mag-enjoy. Siya gusto ng robot-robot na may programming, ako gusto ko ng laser-laser na may environmental chorvah! Siya kung anong computer language inaaral, ako nanonood ng Japanese films at nambobola sa papers! Hahha! Kaso naman sa vacant time namin siyempre magkasama pa rin kami sa laboratories namin na ginagawang internet cafe at laruan ng bridge, pusoy dos, at tong-its. Haaha! Kaya naman nung umalis yung babae, parang ang hirap mag-look forward. Hahahaha alam mo naman.... pag adolescent (waw adult na ako!) feeling end of the world parati bawat happening! Hahhah! But howells, I survived... At sabi nga nung kanta... "We'll all float on alright!" Siya mayaman na... Euro na yung kita... pero ako.. heto... pesos pa riN! pakshet! Pero I'll float on alright pa rin! Hahhaa!
Ay meron din pala akong iwan moment nung gradeschool, nung grade 4! Si Ulidia, lumipat sila dito sa Manila nung grade 5 na kami.... kaso medyo di ko pa ata ganun karamdam yung impact kasi nung gradeschool mas kasama ko naman pamilya ko kesa sa classmates... saka hahaha! iba-iba best friend ko nung grade school every year. Kung sino ata yung pinakamalapit sa seat ko na ka-vibes ko, yun ang best friend ko! hahaha!
Ay meron pa pala ulit! Before umalis si Pia, nung mag-migrate si Luigi papunta ng States! Hahaha! siya yung partner ko sa una kong programming class nung college! Kaya naman ang bano bano ko sa programming kasi siya lahat gumagawa nun! Hahhaa! Wala tuloy ako natutunan! Tama lang na ipinapasa ko yung exams ko, tapos sa project siya na gumagawa! hahaha tapos ako sa documentation, taga-research, at taga-kulit sa kanya na gumawa na kasi crammer rin yung hayup! Hhaha! Taenang yun ah! Naloko ako! Hahhaha! pakshet! Naalala ko na naman yung skit namin para sa presentation sa project na yun! Hhahha potaena talaga! Nakakahiya lang! Ba't nga ba yun yung ginawa namin??!??! Pota talaga si Luigi! Daming beses pala ako nauto! hahahah! Kung ano yung skit namin, ayoko na muna ikwento! Hahaha! Pakshet! Nahihiya pa rin ako!... haha pero mas nakakahiya ginawa niya so oks lang! ahahahah! pakshet! hahhaa! AH BASTA NAKKAHIYA! buti di na-video yun! hahaa! heniweis... bago pa man siya umalis kasi, medyo nagkalayo na kami ng landas... Huwaew! landas! Hahah! pero heniwei, parati kasi siya umuuwi before 6pm hahaha! kasi may curfew siya! ahahha! Ikaw na ang college student na may curfew ng 6pm! hahahha! JOKING, I AM NOT! At siyempre nalaman ko lang to nung bago siya umalis, ewan... si eL ata nagsabi sa akin... o si JC ba... kaya pala di siya kasama sa group studies namin.... Kausap lang namin siya sa phone forever pag nagshashare na kami ng mga sagot sa problem sets! Haha akala ko adik lang siya sa internet at sa Stephen Speaks! hahahah! HAy shet! Naalala ko na naman! Pinilit lang namin siyang manood nung concert na yun! ahaha! Hmmm... ano kaya sinabi niya at napayagan siya manood ng concert! Hahha! Siya na yung pinilit namin kasi crush siya nung isa kong pren at kasi may extrang ticket kami... kung bakit kami may extrang ticket di ko na maalala. Tapos malaman-laman namin dun sa concert... kabisado niya yung lyrics! Hahaha napalingon ako kasi naririnig ko siya kumakanta sa likod ko! hahhaha! taena nakkatawa lang! Ako pa yung bibong manood (kasi mura at nasa Ateneo lang) eh wala man lang akong alam na kanta nung banda! Nakiki-hum lang ako! Feeling ko kung kasama yung kanta ng Stephen Speaks sa Cranium mahuhulaan ko agad! Hahaha! Pacool lang ako nung time na yun! Uso kasi! Hahha! Nalaman ko lang yung lahat nung lyrics after na nung concert na, kasi apparently lahat nga ng lyrics eh kabisado ni Luij! Hahaha! Anyway... kung siya may curfew ng 6pm, eh ako naman may training pag MWF hanggang 6... so halos di ko na nga siya makasama tumambay... lalo pa nung nawalan na kami ng programming na subjects saka yun nga mas naging close na ako kina P... pero siyempre nung umalis siya... na-teary eyed pa rin ako! hahaha! Saka ngayon.. ayun! Dollars na kita niya, ako pesos pa rin! but then again... I'll float on alright!)
Ay meron pa pala ulit! Nung umalis sila Ate Iyang at Janing sa boarding house.... kaso yun naman medyo taken na na iiwan ako nila... kasi alanganaman forever kaming lahat nakatira ng boarding house di ba? Si Jenggy di naman ako iniwan hehe kasi halos magkasabay kaming umalis nung boarding house... Heniways ulit...
Basta nung latter part nung college, ksama ko madalas sila P, Jels, eL, at JC. Nung umalis si P, yung tatlo na lang talaga halos yung kasama ko nung 5th year. Kaso since naghiwalay si P at JC, hahaha mas hindi ko na nakasama si JC. Wahehe! Bro's before ho's Hahha! Wag ka na umangal eL kasi kahit ikaw bro's before ho's din drama mo!) Marami pang drama nung college, pero siyempre hindi drama ng buhay ko kasi very chill lang naman akong tao! Hahhaa! Walang masyadong drama sa buhay! Kaya naman imagination ko na lang siguro yung nag-eexaggerate sa mga pinagdaraanan ko kasi sobrang boring ng buhay ko! Hahahha! Yung pinakamadramang part na siguro ay yung unang bagsak ko! Hahahhaa! Akala ko talaga WALA NA AKONG FUTURE! hahahha (Waw as if may future ako ngayon! Hahhaha! Well nasa future ako ngayon relative to the time na bumagsak ako! ahhahaha!) Nung pangalawang bagsak ko... medyo tanggap ko na! hahahha! Kasi marami-rami kaming bumagsak!
PERO JUST TO MAKE IT CLEAR MASAYA AKO SA BORING LIFE KO! AYAW KO NA NG EXCITEMENT! Mahirap na! Baka may makarinig at baka kung anu-ano pang kamalasan daanan ko... Kung swerte ang dumating na excitement.. sige ok fine... tatanggapin kita! Haaha! Basta to make the long story longer and not longest... si eL na lang siguro yung pinakamadalas kong kasama na college pren these days kasi siyempre pareho kaming pinagtratrabahuhan. (SI Jel nasa Canon at bihira na rin namin maka-jam.)
Tapos ngayon... aalis pa yung pakshet! Hahhaha akala mo ang layo ng pupuntahan nya! Sa The Fort lang naman siya lilipat! Hahaha! PERO KAHIT NAAAAAAAAAAAA!!!! Before pa na-confeeeeerm yung paglipat niya sa the Fort, medyo may plans na siya bumalik ng Iloilo para dun na magwork! ahhaha! Siyempre umiyak lang naman ako! hahhah! Kahit hindi pa sure pakshet naiyak na ako! Leche ka EL!!! pinapaiyak mo akoooo!!! Sorry iyakin talaga ako!!!
Let Me count... kung si Luij, less than 3 years ko nakasama, si Pia naman 3 years ko nakasama (di counted first year kasi di naman kami tight pa nun)... tong si eL... hmm... 8 years na!!! Pakshet mehn! hangtagal na pala!!! Half my life na rin yun ha! Ahahaha! Yes! Kasi 16 pa lang ako! Hahhaha! Although di naman talaga magkadikit yung bituka namin, eh parati ko pa rin kasama tong hunghang na to!
- Blockmate ko lang naman buong college, and op chors! Opismeyt sa Soluziona/Indra ever since nag-start ako mag-work!
- Kasabay ko siyang umulit nung dalawang subject na ibinagsak ko! Hahaha! Kasi siyempre siya din bagsak! Hahahahhaa! At siyempre, siya yugn naging lab partner ko dun sa inulit naming subject... pareho ata kaming A sa lab, pero F kami sa lecture! hahaha! kaya pinaulit kami! Pakshet talaga!
- Siya yung kapustahan ko kapag feeling ko babagsak na ako sa iba kong subjects. Sasabihin niya libre niya ako kapag bumagsak ako, tapos libre ko siya pag pasado ako. Hahhaha! Siyempre kumakagat ako para naman masaya ako kahit ano mangyari... yun nga lang, parating ako yung nanlilibre... ahhah! which is OK lang! kung bagsak ba naman yung alternative!
- Tapos siya yung magpapauutang ng pera pero libre ko daw siya, na siyempre di ako kumagat ever.
- Siya rin ata nagparealize sa akin na hindi lahat ng lalaki mahilig sa boobs... kasi pag may sinusundan kaming babae at malaki pwet eh halos di mo siya makausap ng matino kasi nakafocus yung mata at utak niya dun sa pwet nung babae.
- Siya na ata yung nag-iisang lalaki na very gentleman talaga, kapag hindi lasing (hahahah! COSSACK WASAK!!!), kasi di ko lam pero basta kahit sino kasabay niyang girl eh automatic na kinukuha niya talaga yung dala namin kahit may dala siyang mabigat din. Siya lang kilala kong lalaki na ganun ka-natural talaga magbitbit ng gamit ng mga taong mas dainty sa kanya... hmm... mukha kasing kargador! ahahahah! JOKE LANG eL!
- Siya yung until 2nd year college eh di ko masigurado kung bading ba talaga o hindi! hahaha Until malaman ko na totoo yung sinasabi niyang gerpren niya sa iloilo (Mwah huggles! hahahah!) Grabe kasi kung maglandian sila nila Magic at Luigi! Hahaha! pero sabagay.. having a girlfriend is not ENOUGH proof! Hahhaha!
- Sa kanya ako nagpapasama kapag halos mawindang na ako sa kapraningan! hahaha! Pinatulog ko lang naman sa bahay the night before ako first time mag-dr-drive sa Metro Manila! Hahhaa para kahit mabunggo ako.. at least kasama ko siya! hahha! Tapos sabi niya kahit daw langgam pinapatawid ko sa sobrang bagal ko magdrive! hahahha! SORRY NAMAN!!!
- Siya rin yung napagkamalang boypren ko raw nung nagpasama ako sa kanya sa Marikina para sunduin si Tita Gigi at Andrei kasi di ko lam pano pumunta sa bahay nila. At dahil ayaw ko mawala mag-isa eh nagpasama ako sa kanya siyempre. At siyempre dahil medyo psychic ako eh nawala nga talaga muna kami sa Marikina bago kami nakarating dun sa bahay nila Andrei. Nung bumaba na siya sa may Barangka, sabi ng tita ko: "Kay, boypren mo ba yun? MUkhang mabait!" AHAHHAHHAHHA! Sorry eL! Mukha ka daw mabait! hahahhaha! Taena hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa mukhang mabait! Hindi man lang: "Kay, boypren mo? Hotness! tsss! Hahaha!" o kaya "Kay, may itsura yung pren mo!" Hhaha mabait lang talaga!
- Siya rin yung back-up guy ko! Hahaha! El! di na cancelled yung deal natin ha!! binabawi ko ang cancellation... so that leaves us... 3 years and around 2 months! Humanda ka! Hahaha!
- Siya rin yung nang-libre sa akin ng sine nung ayaw ko umalis ng bahay kasi tinatamad ako... so libreng sine yung bait nila sa akin nung college para umalis lang ako ng bahay! Na siyempre kinagat ko naman! Libre ata yun!
- Siya yung ayaw kong makatabi sa sinehan kasi BINGI! Lahat ng dialogue ng pinapanood niyo, ipapaulit niya sa yo! so pati ikaw di na makahabol sa kwento! Pakshet! hahha!
- Siya lang kilala kong hindi Waray na hindi nakakapagsalita ng Waray pero pwede kong kausapin in Waray kapag may gusto akong sabihin na ayaw kong maintindihan ng ibang mga nag-tatagalog sa paligid. Hehehe! Magaling kasi siya umintindi ng panglalait/mura in Waray! Haha!
- Siya rin yung makapal mukha na nagpalibre sa tatay ko ng Pizza nung nakita namin siya sa A venetto nung nag-dinner kami nila Papa to celebrate Father's Day! Hahha!
- So siyempre, pangalan rin niya lang ang kilala ng nanay at tatay ko (besides kina Pia at Jels) so kapag lalayas ako at tinanong ako sino mga kasama, pangalan niya lang at nila Pia yung safe sounding enough para di masyadong mapraning sila Mama at Papa.
- Siya rin yung hindi nakakacomment sa blogs ko, kahit atat na atat na siyang magcomment minsan, kasi gusto niyang manatiling inconspicuous yung existence niya sa world wide web... para kunyari sa FB at YAhoo NBA lang siya nag-eexist kahit hindi naman... so sa email na lang siya magcocomment sa akin para idefend sarili niya at para awayin ako pag may sinabi akong exagg kahit hindi naman talaga exagg! HAhahah! sige nga eL comment ka nga ditooooooo!!!! ay wag na pala! AHAHHAHA!!!!
- Siya rin yung pinipilit kong samahan ako mag-lunch nung bago pa lang ako dito sa Soluziona kasi may nag-invite sa akin ng lunch pero nahihiya ako so tinanggihan ko tapos sabi ko, may kasama na ako mag-lunch kahit wala pa naman! Hahaha!
- Siya yung sumasama sa akin dati tumakbo, besides Marko, every Tuesday night, sa UP Oval nung naghahanda ako para sa runs ng UPM... di ko na maalala bakit hindi pwede yugn Wednesday... basta Thursday off limits siya kasi may basketball sila.
- Siya yung nililibre ko na parating kinakalimutan na nilibre ko siya! Kaya feeling niya parati siya lang nanglilibre sa akin! At dahil di ko naman binibilang yung mga libre ko sa kanya siyempre di ko maalala kung kelan ko siya nilibre pag gusto niya bigla ipa-recount sa aking kung kelan ko raw siya nilibre... kasi siya bilang na bilang lahat ng panglilibre niya sa amiN! Hahhaah! Ano eL? may masasabi ka???? Hahahha!
- Siya lang (at si JC, isa pang blockmate namin) ang kabisado ko ang cellphone number hanggang ngayon, besides sa number ng tatay ko at siyempre besides sa number ko din. Hallerness!!!
- Siya rin yung sinasamahan ako mag-OT (besides Moks) pag halos maiyak na ako sa ginagawa ko kasi sobrang gipit yugn deadline ko! Hahaha before umalis ng Guiting pakshet yung workload ko!!! pero sinamahan ako ni eL mag-OT hanggang 10pm para tulungan niya ako pag medyo naghahang na yung utak ko sa codes ko. Tapos tinulungan niya ako sa JCL kasi di ko masyado kabisado pa nun yugn ibang process. Pero kahit wala man siyang maitulong, pero siyempre meron, eh ok na rin na anjan lang siya para meron ako pwede pag-panic-an! Hahaha!
- Siya lang ang kilala kong sobrang henpecked! hahaha! Joke lang eL pero half-meant! Hahahah! Kasi naman! pag umuuwi ng Iloilo eh pinapalitan yung mga pangalan namin nila Kavie into pangalan ng mga boys hahah para pag nagtext kami eh hindi pangalan namin mag-appear! (WAG KANG MAG-ALALA eL! for my contacts lang tong post na to! at I doubt na hahanapin ni dahling mo yung isa kong blog! hahaa! at sa haba ng post na to... I doubt kung merong magtitiis magbasa nito hanggang sa point na to! hahahah! feeling ko give up na sila sa first paragraph pa lang! Hahaha! I doubt kung pati ikaw mababasa mo to.... pero just in case mabasa mo to.. wag ka ng praning! Hahha!)
- At siyempre rin, siya yung kinukwentuhan namin ng moments namin kapag may moments kami.. or kahit imagination lang yung moments namin... kahit sukang suka na siya sa mga kwento namin! Hahhaha! o baka sa kwento ko lang! Ahhahah! Sorry ka eL! Di ko na kasalanan kung sumabay ka sa akin pauwi! HAhaha! Siya yung babang baba na sa kotse pero siyempre di ko muna binababa hanggang di ako tapos sa kwento ko kaya napapalong-cut kami minsan ng daan papuntang hagdan sa may Ateneo. hahaha!
- Siya rin yung same kami ng kinakairitahan! hahaha! Dati nahihiya pa ako magsabi sa kanya na naiirita ako sa isang tao kasi akala ko prenli-prens niya... kaso pag di ko na matiis siyempre babanggitin ko casually sa kanya, tapos malaman-laman ko nabubuset rin pala siya! Hahahah!
- Siya yung epal na nagwawave yung uni-brow pag may alam siya na alam mong ayaw mong ipa-alam! Pakshet! (speaking of his uni-brow and his hairyness... siya yung isa sa may pinakamalagong buhok sa kilikili na guy na kilala ko... YUUUUUUUUCKKKKK!!!!! hahahahha! El! may nakatabi ako sa thailand, naalala ko kayo nila Burito at Moks! Hahhaa kilikili niya kasi halos nasa mukha ko na! Hahha pakshet yun!)
- At dahil nga siya yung kwinekwentuhan namin ng momentses, siya rin yung taga-stalk namin pag kelangan namin ng data! AHAHHA! Kasi self-declared web-stalker lang naman siya!
Di ko man siya bestest best friend... haha ah ewan... di na ako mahilig mag-label ng mga kaibigan masyado... basta alam naman nila na kaibigan ko sila!
Anyway, wala man siyang label besides MY BACK-UP GUY! Hahhaha! (Takot ka eL no?!?!?)... bottom line... siya yung alam kong andiyan lang pag medyo gipit na talaga ako. Pag gusto ko mag-panic, isa siya sa mga andiyan to calm me down. Pag kelangan ko ng logic sa mga nangyayari, andiyan siya para subukang mag-offer ng lohika na alam ko na naman pero ayaw ko lang tanggapin. Pag kelangan ko ng aawayin, andiyan siya para magcomment ng nakaka-highblood na comment so meron na akong aawayin. Pag kailangan ko magkwento, isa siya sa mga andiyan para makinig sa mga kwento ko kahit minsan ayaw niya na pakinggan kasi paulit-ulit lang pero siyempre pinapakinggan rin niya kasi wala naman siyang choice haahaha! kasi hindi ko siya ibaba hanggang di ako tapos magkwento! hahhaa! Pag depressed ka, hahanap siya ng paraan para sumaya ka kahit papano kahit singbabaw ng libreng meal. Di ko man siya araw-araw nakikita o kaya nakakausap sa netsend/email/sticky... at least alam ko nasa 4th floor lang siya.... dial-local-8865-pwede-po-kay-eL away lang siya...
Di ko alam pano ko i-e-end yung post na to.. kasi as if naman kasi ang layo ng ilalayo ni eL, eh sa The Fort lang naman siya lilipat... pero kahit na!!!! He'd be one ride farther away - that's a ride farther from what I've been used to... Pakyu ka eL! Wag na wag mo kalimutan bertday ko! WALA ka na dito sa Lopez pag birthday ko! Pakshet ka!
Basta gaya nga ng sabi ko kay Des, susubukan kong di humagulhol sa last day mo dito! hahaha! Ingat ka dun mehn! At sana ilibre mo kami sa first payday mo dun... kasi as you told us... MAS MAYAMAN KA NA SA AMIN PAG LUMIPAT KA! PAKSHET KA!!! Huwag mo ako kalimutan pag may opening jan! Hahhahah! Labyah mehn!
Kaya ayan.... siya madadagdagan na yung kita.. ako, the usual pa rin... but then again, and as always,... I'll float on alright!!
No comments:
Post a Comment