di ung fake na iyak... parang tanga ka naman nun...
nagfafake lang ako ng iyak pag nangtritrip ako... meaning pag trip ko magwala sa bahay.. o kaya trip ko dramahan kunyari ang tatay at nanay ko kasi aalis na sila... ung mga ganong trip... hindi iyak na ganun ung tinutukoy ko...
i mean, ung iyak kapag naiiyak ka talaga... siguro dahil nadala ka sa isang pelikula, o kaya naman naaawa ka sa kung sino, o pde rin naman talagang dahil nasaktan yung damdamin mo... o pde rin namang dahil sa sobrang galit...
kapag bumigay ka na sa hinihingi ng kalooban mo na ilabas ang mga luhang namumuo sa mga mata mo... oo nga't masakit sa bahaging puso... pero tila meron nagsasabi sa yo na ituloy mo lang ang ginagawa mong pagtangis...
hindi ba't kapag umiiyak tayo, lalo na kapag sobrang tindi ng sakit na nararamdaman, ay sumisikip and dibdib natin... pati nga paglunok ay mahirap.. tila ganun kalawak ang na-aapektuhan ng puso... hindi lamang sa may dibdib na parte ng ating katawan kundi umaabot rin ito sa may pintuan na linalabasan ng mga salitang ginagamit natin para ipaabot ang kung ano mang ating nararamdaman...
kapag sobrang sakit ang nadarama natin ay tila may mekanismo ang ating mga katawan na protektahan ang sarili nito sa pamamagitan ng pagsisikip ng ating dibdib at pagsasara ng ating lalamunan... tila isinasara nito ang mga pinangagalingan ng ating damdamin para wala nang makapasok pa na maaring manakit dito...
pero pagkatapos mo naman ibuhos ang lahat... pagkatapos mamugto ng iyong mga mata, mamaga ng iyong mga labi, at tumulo ang iyong uhog... ay bigla rin namang tila may nagbubukas sa iyong dibdib.. gumagaan ang ating pakiramdam... ang ating lalamunan ay handa na namang magsalita at ipahayag ang kung ano man ang ating nais sabihin...
ang mismong mga katawan natin ay nagsisilbing simbolismo ng buhay... na pagkatapos ng sakit o unos o kung ano man ang gusto nating itawag sa sakit na nadarama natin ay may susunod rin na paghilom...
siguro ito na rin ang dahilan kung bakit masarap umiyak... kasi pagkatapos ng mga luha ay alam natin na ang susunod ay ang pagluwag naman ng ating dibdib na handa na namang humarap sa kung ano mang pasakit na maaring sumunod...
unless may sakit ka sa puso... baka di ka na umabot sa pagluwag ng dibdib mo... baka dre-drecho ka na sa kung san ka man papunta... langit o impiyerno...
oo at masarap ngang umiyak... pero naman... kung me sakit ka sa puso... please consult your doctor!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment