WHY do we have to learn life's lessons by going through life's problems?
can't we just simply LEARN THE LESSONS?
at eto pa... minsan andiyan na nga ang problema sa harap natin, di pa tayo natututo kaagad... kelangan pa ipamukha at ipagdikdikan, ng ibang tao, nang maigi sa mukha natin ung problema na kasalukuyang hinaharap natin bago natin 'to kilalanin at tanggapin... ba't ganun?!
yan ang tanong ko... bakit? why? pourquoi? porque? warum? naze? miksi? hvorfor? ngano? nga-a? kay-ano? (o ha! ginoogle ko pa yung finnish, norwegian, at japanese ng why! hehe kahit naman papano me alam akong 4 foreign translations ng bakit...)
oo, may lohikal at di lohikal na kasagutan sa tanong na yan... pero ganun pa man... at paulit-ulit kong isagagot ang katanungang ito sa kung ano man ang maibibigay ninyong paliwanag at/o pangangatwiran...
BAKIT pa rin!?!?
kung hindi pahihintulutan ang sagot na bakit?... sa dulo't dulo ang maisasagot ko na lamang siguro ay ang kadalasang isinasagot ko kapag umaandar ang katamaran ng utak ko:
BASTA... ewan... eh sa ganun eh...
kung ayaw mong makulong sa mga kasagutang maaring ibigay sa yo... ang isa sa mga maaari mong gawin ay ang piliin na lamang na wag matuto... pero kung hahayaan mo naman ang sarili mong di matuto at magpakatanga na nang tuluyan.. eh buti pang naging ipis ka na lang...
so...
BAKIT NGA!?!?
note: ang sulating ito ay resulta ng isang caffeinated na utak pagkatapos manood ng Oprah Winfrey show, utak na tinatamad pa ring gumawa ng thesis documentation pagkatapos mag-isip at isakatapuran ang sangkatutak at iba't ibang uri ng pagpapaliban (sa ingles ay - procrastination: ginoogle ko pa ang katumbas nito sa Filipino... hehe di naman masyadong halata ang aking pagpapapaliban, no? ang orihinal na plano kung magsulat ng isang maikling note ay tila naleche na...) obviously, at gaya nga ng nabanggit... kabilang ang sulating ito sa isa sa dinami-dami kong mga pagpapaliban bago gumawa.. kaya ngayon.. ako ay gagawa na talaga... this is it folks!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment