Friday, September 16, 2005

ang saya ng araw ko!!!!

... kahit na di ako makapaglakad ng matino kasi masakit yung isang side ng heel ko sa kaliwang paa...
... at kahit na hindi namin mapagana yung base station (i.e. ayaw kumonek sa net! putris!) sa MO na nung isang gabi ko pa sinusubukang i-configure...
... kahit na tinamaan ako ng BASEBALL na pinalo ng isang guy...
...at kahit na SAPUL yung bola sa dalawa kong shins kasi nakatayo ako ng diretso...
...at kahit masakit ngayon ang mga pasa sa dalawa kong shins na idinulot ng bolang yun...

MASAYA ANG ARAW KO!
hehehe:D grabe... SAYA!

...ang sarap tumawa sa mga mali-maling lyrics kahit na nakikikanta ka na sa radyo...
...ang sarap tumawa kapag feel na feel mo ang kanta kahit mali-mali yung lyrics mo...
...ang sarap tumawa habang nakikipaglaro ka ng basketball kasama ang iba mo pang kaibigan na gaya mo rin na WALANG ALAM sa basketball...
...ang sarap tumawa kahit na sobrang sakit na ng panga at ng tiyan mo...
...ang sarap talaga tumawa ng galing sa puso...
...BASTA masarap tumawa...

ANG SAYA NG ISANG ARAW NA PUNO NG KATATAWANAN... kahit pa walang sense yung pinagtatawanan mo... well, hindi nga ba mga bagay na walang sense ang kadalasang pinagtatawanan natin? hmmm... kaya rin siguro ang mga bagay na walang sense ang kadalasang nakakapagpasaya sa atin...:D

No comments: