Wednesday, September 14, 2005

game... of life? softball na lang muna...

may game kami mamya!!!! hehehe.. nag-arrange ng tune-up game si coach kaya lang hanggang ngayon di pa namin alam sino kalaban namin... sana manalo kami....

kelangan nasa school na ako by two or 1430... sana everything goes well... sana di ako magkalat... shets.. parati talaga ako kinakabahan sa field...

ok acads ranting na nman muna...
di ako pumasok ngayon... walang kwenta kung papasok ako sa mga class ko... yung isang tchr namin walang alam... puro hangin lang na parang balloon... sarap paputukin sa sobrang hangin...
yung isa naman... ok lang... kaya lang di naman nagchecheck ng attendance.. babasahin ko na lang libro namin mas matututo pa siguro ako... yung isa pang tchr... me alam... di naman nagtuturo kadalasan... nakikipagtsismisan lang sa amin... so buti na di na lang ako pumasok... ayusin ko na lang muna req'ts ko para ngayong week... pinuputakte kami sa requirements ngayon eh... hay naku.. ok lang... malapit na naman sembreak... tapos pagkatapos ng isa pang sem.... REAL world KUNO here I come!!! hehehe sana ready na ako... takte! ni di ko nga alam next na game plan ko...

hay naku! tama na muna siguro na yang softball yung atupagin ko kesa sa magiging buhay ko pagkatapos ng college... one sem away pa naman siya... pero... NAKAKATAKOT!!!! di bale... eh kung ung iba nga nagsurvive... AKO PA KAYA! (hehehe kinoconvince ko lang sarili ko)... I WILL SURVIVE!!!

No comments: