tagal rin ako di nakapagpost...
busy kasi...
nax! akala mo totoo... well... totoo naman pero kadalasan siyempre andyan ang walang kamatayang procrastination... di lang ako nagkaron ng pagkakataong magprocrastinate gamit ang blog na to...
sabi ko nga panahon na naman... panahon na naman ng pagpupuyat... pagmumura sa mga tchrs na akala mo kung sino pero kung tutuusin ay incompetent naman... hay naku...
ganito kasi un.... may tchr kami na nagpapapass ng long test online... ilang days ago... kaya lang GMAIL ang account niya.. eh may exe file na kasama ung ipinapapasa niya... PROBLEMA: HINDI TUMATANGGAP NG EXE FILE ANG GMAIL! kahit pa izip mo yan! magbobounce lang talga! ung isang account niya... nasa nip... kaya lang limited size so di pde dun kasi... HELLO! andami namin tapos ang average file size ng isusubmit ng bawat student ay almost 6MB.
ayoko na magmura... naubos ko na ata lahat ng alam kong mura sa hinayupak na tchr na yun... grrrr.... akala mo kung sino!!! di naman sumisipot sa klase! tapos akala mo kung magdemand ng excellence eh excellent rin siya... putris! mali mali naman ingles! nag-ingles pa!** sabi nga ng mga kaklase ko pano kaya pumapasa yung mga scientific papers ng abnuy na yun... o well... c'est la vie raw sabi ng iba...
pero minsann nakakaasar na talaga yung phrase na yan...
C'est la vie...
Ganyan talaga ang buhay...
That's life...
Asya it kinabuhi...
takte! hindi parating ganyan ang buhay... pede natin maiwasan ang ibang sitwasyon kung tutuusin... * pero sabagay... meron talaga mga pagkakataong kahit gaano ka kagaling umiwas sa mga bagay-bagay ay sadyang di mo talaga maiiwasan...
kung iisipin... di naman ganun ka nakakaasar yung tchr na yun... pero naku! yung mga sulat niya sa amin akala mo talaga minsan kung sino siya! at kung wala na siyang ibang mapuna... pati mga walang kwentang bagay gaya ng signature mo sa mail ay pupunahin! langya! pinakikialaman pa pati sarili mong tatak! nakakabwisit.. kung lagyan ko kaya ng "Sincerely sir gago ka, naomi" sa dulo ng bawat inquiry ko sa kanya.. ano kaya isipin nun? hehehe pero siyempre di ko gagawin yun... topak ako minsan pero di pa GANUN katopak... hehehe... di bale pag nagrade-an niya na kami... pagiisipan ko kung itutuloy ko yun...
*aaminin ko di naman talga lahat kasalanan ng tchr... oo nagcocontrubute rin dun limitations ng World wide web... pero takte namn! kung sa simula pa lang alam mo na di tinatanggap ung walanghiyang exefile! parang awa mo na gumawa ka ng ibang account! libre naman un at di mahirap gawin! putris! di kami lahat ay 100MBps ang speed ng net connection... after 10 yrs lang namin na-uupload yung 5-6MB na files... di kami lahat ay may oras para mag-upload lang parati ng files para sa convenience mo takte ka!!! meron kaming mga buhay at iba pang subject na prinoproblema...
**ok lang naman kahit mali mali ingles no! hello ako rin mali mali ingles ko! lalo na kapag orals... pero kung magdedemand ka ng excellence sa students mo please lang ipakita mo na may karapatan kang magdemand ng hinihingi mo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment