ok nakapagpost na ako dapat sa kung gaano kasaya ang araw ko kahapon... akala ko kasi yun na yun... di ko alam may further happenings pa pala...
hehe.. bday kasi kahapon ng isa kong gradeschool pren.. si RIKA.. happy bdays kariks!(in case mabasa mo to)... dapat di na ako pupunta sa kanila kasi sa guadalupe pa siya tapos ako ay nasa balara... (di ko trip mwala ng alas diyes ng gabi kakahanap ng bahay nila para lang maki-celebrate)... eh si redgie (isa pa naming gradeschool pren) ay biglang tumawag at imeet ko raw siya sa mcdo katipunan para sabay na kami papunta kina rika... isip ko... ayan less hassle na papunta... saka sayang naman kung di pa ako pupunta... habang di pa rin naman ako nag-aaral para sa exams namin next week... might as well sulitin ko yung free night ko with my friends di ba? so ayun bihis ako... ayos ng gamit... after 10 minutes... txt ulit redgie asan na ako... hehehe eh nasa bahay pa rin ako... sabi niya sunduin niya na lang ako sa may gate... kaya ayun YEY! libreng PAPUNTA (take note ung emphasis)!
so ayun kita kita kami ng other grade school prens namely: desiree, emman, jay, rossa lee, redgie at rika (siyempre), rikka (high school kaklase nila rika na nakilala ko kagabi lang)...
after ng kainan... mga alas tres ng umaga balik kami dito sa bahay para magswimming... (ayun siningil ako ni redgie ng pang-gas ng dumaan kami sa gas station which reminds me... hati kami ni emman dun... hehehe *evil grin*) pero kaming mga girls lang nagswimming... si redgie umuwi kasi cinderella yun... si emman naman naginternet na muna... di ko lam.. inaabangan ata yung iniibig niya... hahaha!
grabe... as usual... reminisce to da max kami! hahaha!
...yung mga tchr na abnuy
...yung mga kanta na pinapakanta sa amin
...yung mga cr na non-existent
...yung mga kaklaseng nabuntis na
...yung mga kaklaseng di na namin alam kung asan na... etc... etc...
...takutan naman ng konti...
...kwentuhan sa kasalukuyang buhay
...kwentuhan bakit masaya maging WARAY...
...laitan galore naman maya-maya...
... at marami pang iba...
may TAWANAN sa bawat pinag-uusapan... kung gets man naming mga tumatawa yung pinagtatawanan namin... di na yun mahalaga... minsan tumatawa para di naman kawawa yung nagkwekwento... sasabihin naman namin na napipilitan lang kami tumatawa na mag-iinduce naman ng tunay na tawanan kaya OK lang...
ang mga ganitong pagtitipon-tipon ang isang dahilan kung bakit masaya talaga makipag-reunion sa mga kaklase... di man kami nagkita-kita ng ilang taon... parang wala lang ang mga taong yun... tila di man lang kami nagkawalay...
sabi nga ni desiree... "ano ba yan?! wala man lang tayong awkward moment!"
basta! gaya nga ng sabi ko...
ANG SARAP TUMAWA! ang sarap kasama ang mga kaibigan...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment