Tuesday, September 20, 2005

life... parang buhay...

pag nakakabasa ako ng post ng ibang tao parang ang korni ng buhay ko kung ikukumpara sa kanila... syete.. ang daming me problema sa buhay... habang ako... easy easy... hehehe...

fine. hindi naman ganun ka-easy easy... pero sobrang ang petty ng problema ko kung ikukumpara sa iba... kahit pa nagkakandaleche-leche na ang acads ko, all in all masaya pa rin naman ako kahit papano...

ito pa. isa pang ikinakakaba ko... parang di ko kelangan ng other-half, if you know what i mean... masaya na akong nakatambay sa bahay ng mag-isa, nanonood ng tv, kumakain... o kaya naman kung trip ko manood ng sine, eh di manonood ng mag-isa din... yep nanonood akong mag-isa kapag trip ko palabas o kaya kapag req'd sa schl at iba iba sched naming mga magkakaklase... unless yayain ako ng kapatid ko o ng mga kaibigan ko... o kaya pag ako naman nagyaya... hehehe...

bakit ako kinakabahan?... kasi karamihan ng mga kaibigan ko... either attached... o kaya naman... actively looking... tapos ako... hehehe... AYOKO! sagabal kasi sa buhay ko.... hehhe normal ba yun?... siguro sa ibang mga FEELING STRONG and FEELING INDEPENDENT and all, normal un... eh di naman ako ganun... hehehe... konting problema lang gusto ko na umiyak... ok mali! gusto ko na sakalin ung taong nagcause sa akin ng kapraningan... o kaya naman magmumuni-muni na lang kung talagang malalim ung problema...

pero salamat talaga sa DIYOS na ganun kapetty ung problems ko so far... di naman kasi ako humihingi na big time problems... "humbling" (tama ba term ko? di ko maisip appropriate term at wala naman shift f7 dito sa blogger...) lang kasi ung fact na other people are going through much worse problems than I am and they're still hanging there and doing the best they can... and better... they're doing good... despite those problems... iniisip ko minsan kung ako nasa kalagayan nila... actually minsan di ko maisip at ayoko isipin... pero alam ko mahihirapan ako big time... and MALAMANG i won't be handling those problems gracefully the same way that these people do...

haay kelan kaya ako magiging graceful... sabi ko na kasi ke papa.. dapat nagballerina na lang ako... hahahaha.. syet.. di bale na nga... ok na ako sa sarili ko... hahaha!!! ballerina?! ako?! hahhaha!!! nababaliw na nga talaga ata ako....

No comments: